Chapter 3

1355 Words
Dahil sa dumating ang isa sa mga kapatid ni Senyor Lucio ay nagpahanda ito ng mga makakain sa mga kasambahay nila. Pinuno nila ang mesa ng pagkain at alak na puro pangmayaman. Nang dumating ay agad silang kumain at nagkwentuhan. Si Manuel de Silva ang isa sa mga kapatid ni Senyor Lucio na hambog na mapamalaki pa. Umaasa lang ito sa kanya ngunit hindi naman niya kayang pabayaan na lang dahil kahit ano pa man ang mangyari ay kapatid niya ito. Alam na alam na ni Senyor Lucio ang dahilan kapag dumadating ito sa kanila. Hihingi lang ito ng pera na pantustos sa mga bisyo niya. Babaero na nga ay sugarol pa, ang hilig niya tumaya sa karera ng kabayo. Pagkatapos nilang kumain ay nagpahangin ang magkapatid sa may beranda ng mansiyon. Tanaw na tanaw mula sa beranda ang malawak na manggahan ng mga ito at mga papasok na sasakyan sa kanilang bakuran, Malawak ang kanilang lupain. Dati ay ilang mangga lang ang tanim dito ngunit dahil sa tiya at pagsisikap ni Senyor Lucio ay napalago niya ito ng hekta-hektarya sa lawak. "Kuya mukhang maganda ang kita ng manggahan niyo ngayon ah?" ngising wika ni Manuel de Silva. "Ganun pa rin. Magaling lang talaga mag-alaga ang mga trabahador ko at saka dagdagan na din ang swerte ko dito." sagot naman ni Senyor Lucio. "Kung ganun kuya, maaari bang humingi ng pang negosyo? Gusto ko sanang magsimula ng negosyo eh." wala nang paligoy-ligoy na wika niya. "Pang-negosyo? Makailang pang-negosyo na yan? Hanggang ngayon wala ka pa ring naipatatayong negosyo mo." sita niya. "Minalas ako nung huli kuya eh, Pagbigyan mo na ako huli na 'to." "Hay naku Manuel! KUng ganyan ka ng ganyan wala talagang pupuntahan ang buhay mo. Baka sa huli iwan ka na ng pamilya mo dahil sa bisyo mo." "huwag mo na ako sermunan kuya Nga pala, nasaan si Luis?" "Pumasok siya sa opisina,ewan ko lang kung makakarating siya ngayon.' 'Di nagtagal ay natanaw nila ang sasakyan ni Luis na papasok sa mansyon. "Ayan na pala siya. Halika salubungin natin at pumasyal tayo sa manggahan." yaya ni Senyor Lucio. Bumaba agad sila mula sa beranda. Pagkakita ni Luis sa tito Manuel siya ay naalibadbaran agad siya dito. Hindi niya ito makasundo dahil sa kanyang ugali. "Luis iho!" bati ni Manule de Silva sa pamangkin at binigyan ito ng isang mainit na yakap. Yakap ng pagpapanggap dahil kahit siya ay ayaw niya sa pamangkin dahil lagi siya nitong kinokontra lalo na sa harap ng kapatid. "Buti naman ho nakadalaw kayo, Tito?" tanong niya sa tiyuhin. "Namiss ko ang kapatid ko eh!" ngising wika nman nito saka inakbayan ang kapatid. "Namiss mo siya o gusto mo na naman ng pera?" sa isip-isip niya habang nakangiting pinagmamasdan ang pag-akbay at pagtapik-tapik ng kanyang tiyuhin sa balikat ng kanyang ama. "Buti naman nagkaroon ka ng oras para makauwi. Kumain ka na ba?" tanong ng kanyang ama. "Hindi pa nga eh. Pupunta ba kayo sa manggahan ngayon?" "Doon ang punta namin ng tito mo, gusto mong sumama?" "Mauna na lang kayo doon Pa, kakain lang ako saglit tapos susunod na ako." "O, siya sige. Mauuna na lang kami kung ganun." aniya ng ama at lumabas na sila ng kpatid nito. Umismid naman si Luis habang pinagmamasdan ang magkapatid palabas sa malaki nilang pintuan. Hindi niya namalayan ang paglapit ng kanyang ina sa kanyang likuran. "Alam ko na naman 'yang iniisip mo iho." wika ng kanyang ina na kinagulat niya. "Pakisamahan mo na lang ang Tito Manuel mo, alam mo naman na mahal na mahal 'yan ng Papa mo kahit na ganyan ang ugali." Kumunot ang noo niya. Tama ang mama niya, sa lahat ng kapatid ng kanyang ama ay si Manuel ang pinakapaborito nito. Kapag humingi ng pera ay ganun ganun na lang tapos ganun-ganun na lang din kung bigyan siya kaya tuloy nasanay na. "Kaya nga ako sasama sa kanila eh, alam kong bibilugin na naman niya ang ulo ni Papa. Ewan ko ba kasi dun bakit ang bait-bait niya kahit inaabuso na siya." "Gaya nga ng sabi ng Papa mo, ang ibang tao ng natutulungan niya bakit naman ang kapatid niya hindi. Kaya hayaan mo na lang. Halika na sa kusina at magpapahanda ako ng iyong makakain bago sumunod sa kanila." yaya ng kanyang ina. Agad siyang sumunod dito. Pero may naglalaro sa kanyang isipan. Kailangan niyang makagawa ng paraan para matigil na ang ginagawa na ganyan ng kanyang tiyuhin.. "Ate, wala pala tayong nadalang sabon. Paano tayo niyan maliligo?" wika naman ni Arman habang naghahanda itong maligo dahil pinagpawisan sa pagliligpit sa kanyang mga gamit. "Ay! Oo nga pala. Teka. Parang may nakita akong tiyange dun sa labas kanina. Bibili lang ako." aniya at mabilis na kumuha ng pera sa kanyang wallet. Naglakad na lang siya mula doon dahil malapit lang naman sa tantiya niya. Naglalakad na siya ng sampong minuto ngunit hindi pa rin niya marating ang tiyangge. Nadaanan na rin niya ang masyon ng mga de Silva. Pinagpatuloy pa rin niya ang paglalakad ng may makasalubong na matandang babae. Nagtanong na siya dito kung malayo pa. "Mawalang galang na po nay, malayo pa po ba dito ang tiyangge?" nakangiting tanong niya sa babae. "Medyo malapit na ineng. Bago ka ba dito?" balik-tanong ng babae sa kanya. "Ay opo nay. Kaya medyo nawala ata ako." "Saan ka ba dito nakatira?" "Doon po sa banda pa roon." wika niya sabay turo sa pinanggalingan. "Tito ko po si Tito Roman." "Naku ineng ikaw pala yung pamangkin niya na galing manila. Nakwento niya nung isang araw kasi. Lahat kasi ng taga dito sa pook na ito ay magkakakilala." "Ganun po ba. Mabuti naman nga po eh nagtanong ako sa inyo. Kanina pa kasi ako naglalakad." "May mas malapit naman na tiyage dun sa kabila. Sa susunod dun ka na pumunta para dika mahirapan sa paglalakad." "Sige po. Maraming salamat po nay." "Walang anuman ineng. Siya sige mauuna na ako." paalam ng babae. Napangiti naman siyang nagpaalam din sa babae. Kakaiba pala talaga kapag probinsiya magkakakilala ang mga tao samantalang sa manila ay kahit kapitbahay mo na 'di mo pa kilala. Mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng tiyangge. Gusto niyang manatili sa farm hanggang hapon kaya naman ay nagpalit muna siya ng damit na aangkop sa kanyang paglilibot. Nagsuot ito ng lumang pantalon at isang checked na polo shirt na tinupi niya hanggang siko saka naglagay ng panangga sa init sa ulo. Dala ang isa niyang sasakyan na laging ginagamit kapag bumibisita sa kanilang farm ay umalis na ito. Masarap din sa kanyang pakiramdam ang paminsan-minsan ay maglagi dito. Mga ordinaryong tao ang nakakaharap niya at hindi niya kailangang mag-effort para lang mapasaya sila. Alam niya na kapag nakikita siya dito ay masaya na ang mga ito at ganun din siya. Medyo matagal tagal na din ang huli niyang bisita sa manggahan. Naging abala kasi siya sa opisina at sa kanilang factory. Lalo ngayon ay panahon na ng mangga, kailangan nilang tumutok sa pag-e-export nito. Nasa kalagitnaan siya ng daan ng may mabungarang babae sa may kalsada. Naglalakad ito pasalubong sa kanya na nakapayong. Hindi ordinaryo sa kanyang paningin ang ganito dahil mangilan-ngilan lang ang nakikita niyang nagpapayong dahil sanay ang mga tao dito sa init. Nakasuot ito ng hanggang tuhod na maong pants saka medyo lousy na t-shirt. Matatapat na siya dito ngunit hindi man lang siya tumango kundi patuloy lang na naglakad. Pansin niya na bago lang ang babae itong dito dahil kung taga rito ito ay makikilala siya o makikilala niya kung sino ang sakay ng sasakyan. Nalampasan na niya ito ngunit hindi man lang niya nakita ang mukha niya. Pinagmasdan niya ito sa kanyang side mirror ngunit hindi man lang ito nilingon. Nagkibit balikat na lang siya at ipinagpatuloy ang kanyang pagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD