Chapter 4

1631 Words
"Hayaan niyo po Tita sasabihan ko sila para hindi sila gaanong mahomesick sa iniwan naming buhay sa Maynila." Nang makarating si Angela sa kanilang bahay ay ini-abot niya agad ang sabon na binili sa kapatid. "Bakit ang tagal mo ate?" tanong ni Arman. "Naku, ang layo pala ng bilihan na napuntahan ko. Kailangan nating pag-aralan ang lugar na ito para hindi tayo mawala kapag lumabas tayo. Sige na dalian m na diyang maligo nang makakain na tayo." pagmamadali niya sa kapatid. Sumunod naman agad ito sa kanya at siya naman ay inihanda ang pagkain na meron sila. Habang naghahanda siya ng pagkain ay dumating ang tiyo Roman nila at ang asawa nitong si Tiya Elena at dalawa nilang pinsan. May dala-dala ang mga ito na pagkain na niluto pa ng kanilang Tiya. "Angela ito na ihanda niyo ng Tiya Elena mo. Sabay sabay na tayong mananghalian dito para naman makapagkwentuhan na din tayo." aniya ng kanyang tito. "Naku! Salamat po Tita at Tito. Ihahanda ko lang po ito para makakain na tayo." wika naman niya saka inabot ang dalang pagkain ng mag-asawa. "Kamusta naman ang biyahe ninyo? Asaan pala ang mama mo?" taanong ni Tita Elena habang tinutulungan siyang ihanda ang mga pagkain. "Nasa loob po siya ng kwarto Tita medyo hindi maganda ang pakiramdam kaya pinagpahinga ko muna. Ang biyahe po namin eh okay naman po. Medyo nakakapagod lang kasi malayo." paliwanag naman niya. "Magugustuhan ninyo dito sigurado lalo na ang mga kapatid mo. Pwede silang pumunta sa bahay kung gusto nila lalo na si Arman, kung gusto niyang makipaglaro sa mga pinsan niyo pede siya dun sa bahay at pwede rin dito sa inyo. Nang maihanda nila ang mga pagkain sa mesa ay agad niyang tinawag ang mga kapatid at pinsan, ganun din ang Tito at Mama niya. Mga sariwang isda at gulay ang inihanda na producto ng kanilang lugar, siyempre may karne din. Mabuti na lang at hindi mapili ang mga kapatid niya ng pagkain. Magkakatabi silang magkakapatid at ganun din ang pamilya ng Tito Roman niya. Bagkus mga bata ang mga pinsan kaya medyo may kalikutan. "Pwede bukas Tito pumasyal ako dito? Kahit dito lang banda sa atin para alam ko kung saan pupunta. Kanina kasi ang layo ng nilakad ko makahanap lang ng tiyangge." wika niya sa kanyang Tito. "Sige ba. Hindi muna ako papasok sa manggahan para masamahan kita." "Ate, pwedeng sumama?" tanong naman ni Alfred. "Kayong lahat na lang ang ipasyal ko kasama ang Mama ninyo." sabi ni Tito Roman sabay tingin sa kanyang kapatid. Panay ngiti lang ito. Iniintindi na lang nila dahil sa pinagdadaanan. Kailangan tuloy maging ama at ina ni Angela para sa mga kapatid niya. Ngayon na nandito na sila, wala na silang aasahan kundi ang sarili din lang nila. "Ano na ngayon ang plano mo Angela? Baka maubos na ang natitirang ipon mo?" tanong ng knyang Tito Roman. "Balak ko po sanang mag-apply ng trabaho sa bayan. Tutal tapos naman po ako sa kolehiyo may makukuha naman siguro akong trabaho." "Maigi kung ganun. Para may pantustos kayo sa mga pang-araw-araw ninyo dito. Hindi naman magastos ang tumira dito kailangan lang maging madiskarte sa buhay." "Opo Tito, Itong dalawa kong kapatid kailangan na ding magpatuloy sa pag-aaral. Si Alfred isang taon na lang magtatapos na." "Habang naghahanap ka ng trabaho sa bayan eh 'di i-enroll mo na din ang kapatid mo doon. Sayang naman kung hindi niya itutuloy eh isang taon na lang." "Yun nga pong ang balak ko Tito eh, si Mama dito na lang siya sa bahay. Wala naman siya pwedeng gawin dito." "Kung gusto niya 'di sumama na lang siya sa Tita Elena ninyo sa manggahan. Ano sa tingin mo Leticia?" baling niya sa Mana ni ngel. "Oo nga para malibang libang din siya dito. Baka lalo siyang malulungkot kung dito lang siya sa bahay. Madali lang naman ang mga dapat na gawin eh. Kaming mga babae ang taga bukod sa mga mga kaya madali lang." "Ano sa tingin mo Leticia?" tanong ulit ni t**i Roman nila. "Kung papasok ang mga bata at ako lang mag-isa dito, sige sasama ako. Gusto ko din naman makatulong sa mga anak ko." sagot naman ng mama niya na kinatuwa niya. "Mabuti kung ganun. Hayaan mo at ipapakilala kita sa pangulo naming taga pitas dito para maisali ka. 'Yun lang ang kabuhayan ng mga tao dito kaya maganda kung susubukan mo din." Nang matapos silang kumain ay umuwi na ang mag-anak ni Tito Roman, sina Angela naman ay pinagpatuloy ang pag-aayos nila ng kanilang mga gamit. Kailangan nilang ito matapos para makapagsimula na silang mamuhay ng normal dito. Sa kabilang banda... Narating na ni Luis ang kinaroroonan ng kanyang Papa at Tito Manuel niya. Nakikipag-usap ang mga ito sa mga trabahador doon. Kitang kita niya ang pagyayabang ng kanyang tito sa 'di kalayuan. Lalong umasim ang mukha niya ng marinig niya ang pinagsasabi nito. "Alam niyo ba na sobrang yaman nitong amo niyo? Sa dami ng pera ay pinamimigay na lang niya, hindi ko na nga kailangang magtrabaho dahil lagi niya ako binibigyan." pagyayabang nito. "Manuel. Hindi mo naman kailangang sabihin ng ganyan. Hindi naman dapat ipagmamalaki pa yan." pakumbaba ni Senyor Lucio. Dinig na dinig iyon ni Luis. Kahit kelan talaga hambog itog sa isip niya. Lumapit si Luis sa kanila. Agad nabuhayan ng ngiti ang mga trabahador nila sa pagkakita sa kanya. "Sir Luis, mabuti po at napadalaw din po kayo dito." bati sa kanya ng pangulo ng mga trabahador nila. Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa mga ito. "Kamusta po tayong lahat dito?" "Okay naman ho Sir Luis!" halos sabay-sabay nilang wika. "Pa, pwede ba kita makausap?" baling niya sa ama. "Ano 'yun iho?" Giniya niya ang ama niya sa tabi para doon mag-usap at hindi marinig ng kanyang Tito Manuel. "Ano daw ba ang kailangan niya? Kailangan talagang magmalaki sa mga tauhan natin?" dismayado at galit na tanong niya sa ama. Ayaw na ayaw kasi niya na ipinagmamalaki ng kahit sino man sa kanila ang yaman na mayroon sila. Kaya mahal siya ng mga tao dito dahil sa ugali niyang mapagpakumbaba. "Hayaan mo na iho. Pagsasabihan ko na lang." Umismid siya saka inalalayan ang ama pabalik sa mga kumpulan ng mga trabahador nila sa manggahan. "May hinanda ho kaming maliit na salo-salo doon sa maliit ninyong kubo Sir Luis." wika ng isang trabahador. "Sana ho hindi na lang kayo nag-abala pa. Pero salamat na din. Maglilibot lang kami ng konti dito." wika niya. "Sige po sir." Sinimulan nilang maglibot sa ilang parte ng manggahan. Iba't ibang klase ng mangga ang tanim nila pero pinakamarami dito ang native mangoe na pang export at para sa iba't ibang mango products nila. Kahit papaano ay napapalago ng kanilang pamilya ang negosyo nilang ito. "Wala ho ba kayong problema dito sa manggahan Mang Karding?" tanong ni Senyor Lucio sa pangulo ng kanilang mga trabahador. "Salamat naman sa diyos Senyor wala naman po. 'Yung pinapagawa ho ninyong palaisdaan sa bandang expantion ho ng lupa may mga ilang trabahador na nakatutok doon sa parteng iyon. Magsisimula na ho ang anihan sa susunod na linggo." paliwanag naman ni Mang Karding. Matapos nilang maglibot ay dumiretso sila sa may kubo kung nasaan ang pagkaing hinanda ng mga trabahador. Marami ding hinanda ang mga ito. Lahat ay inanyayahan ni Luis para sumalo sa kanila. Hindi ramdam ng mga trabahador na mas mababa ang antas ng kanilang buhay dahil sa malugd na pagtanggap ng mag-ama sa kanila. Ang Tito Manuel naman niya ay mukhang naaalibadbaran sa mga tauhan nila ngunit wala itong magagawa dahil ang mag-ama ang may gusto na salu-salo sila. Matapos iyon ay nagpaalam na ang tatlo sa mga trabahador nila. "Paano 'yan mauuna na kami. Salamat sa pagkaing hinanda ninyo." nakangiting wika ni Senyor Lucio.. "Wala pong anuman yan Senyor, salamat din sa pagbisita dito." sobrang galak na wika ng mga trabahador. "Hayaan po ninyo dadalasan ko ang pagbisita dito. Medyo busy kasi ako ngayon sa pamamahala sa factory natin kaya matagal tagala na 'yung huli kong bisita." wika ni Luis na nakapagpangiti sa kanila. "Maraming salamat ho kung ganun Sir Luis." "Sige po mauuna na po kami!" paalam nila at sumakay na sa kani-kanilang sasakyan. Pagkauing pagkauwi nla Luis at ang Papa niya kasama ang tito Manuel niya mula sa manggahan ay nagpaalam na ang huli. Ngunit bago magpaalam ay may sinabi muna sa kanyang kapatid. "Kuya, 'yung sinasabi ko. Kahit isang milyon lang para sa negosyo." sambit nito. "Isang milyon? Aanhin po ninyo tito ang isang milyon? Ang laking pera niyan ah?" gulat na wika ni Luis. Kung makahingi ng pera ang tito niya ay parang pinupulat lang ng kanyang ama. "Luis iho!" pagpapatigil ng Papa niya. Tumigil siya agad bilang respeto dito. "Manuel. Ang laki naman ng hinihingi mo?" malumanay na wika ng kapatid. "Maliit lang naman iyan kuya kumpara sa maraming pera mayroon ka." "Pero Manuel......" "Sige kung ayaw mo kuya huwag na lang. Mangungutang na lang ako sa iba." may bahid pangongonsensiya pang wika nito saka tumalima. "Sige bibigyan na kita." pigil ng kapatid. Mukhang na-uto na naman sa dramang pinapakita ng kapatid ni Senyor Manuel.. "Pa!......." pigil naman ni Luis. "Hayaan mo na." agad na kumuha ng cheke ang matanda at parang namigay lang ng isang kapirasong papel sa kapatid. Dismayadong dismayado si Luis sa ginawa ng ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD