Habang pinagmamasdan ni Luis ang tulog na Angela ay bigla itong gumalaw. Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo ngunit hindi naman pala gising ang isa. Nangingiti siya habang kitang kita niya ang nakabukang mga labi ng asawa. Ayaw na niya itong gisingin kaya tinungo na lang niya ang kama at kinuha ang isa sa kumot. Ikinumot niya iton kay Angela saka natulog na tin. Wala na si Angela nang magising si Luis. Hindi niya alam kung nasaan ito, bumalik siya sa higaan dahil naramdaman niya ang kirot ng kanyang ulo. Pagkuwa'y bumukas ang pinto. Si Angela. "Gising ka na pala." aniya habang nilalapag ang cellphone sa mesa. "Saan ka galing?" tanong niya na bahagyang umupo sa pagkakahiga. "Diyan lang. Tumawag kasi si Philip rh tulog ka pa kaya lumabas na lang ako. Ang sarap pala ng hangin sa labas ka

