Kinaumagahan din ay pinuntahan ni Senyor Lucio ang kanyang kaibigan na may anak ng ipapangasawa kay Luis. Malugod siyang pinatuloy sa bahay ng mga ito. Nag-usap ang dalawa sa pinakasala ng bahay nila sa harap ng dalawang baso ng alak. "Oh kumpanyero napadalaw ka?" tanong ng kaibigan na si Rodrigo Sebastian. "Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa kumpanyero. Naalala mo 'yung sinabi ko sa 'yo noon patungkol sa mga anak natin? Mukhang magkakatotoo na." bulalas niya. "Anong ibig mong sabihin kumpanyero?" "Pumayag ang anak ko na makilala ang iyong unica ija at kung magkagustuhan sila ay magiging magbalae tayo balang araw." masayang paliwanag niya. Napangiti naman ang kaibigan niya sa galak. Sa totoo lang ay gusto din nito na makasal ang kanyang anak sa anak ni Senyor Lucio para maipamahagi din

