bc

Unexpected Forever

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
fated
student
sweet
campus
realistic earth
naive
like
intro-logo
Blurb

Pagkatapos ng aksidente sa maynila, naisipan ni Krish na magbakasyon sa kanilang probinsya para magpagaling at ituloy ang kanyang pagaaral. Ang di nya alam Doon nya pala matatagpuan ang taong babago sa kanya at sa kanyang buhay.

chap-preview
Free preview
A new beginning
Habang nakatanaw sa daan, aliw na tiningnan ni Krish ang magagandang tanawin na nadadaanan ng kanilang sasakyan. Maya maya pumasok na sa isang gate ang kanilang sasakyan. Sa wakas! Nandito na rin! Hilo na ko sa haba ng biyahe sakit na rin ng pwet ko! Haha Ako nga rin ate eh. Hahaha grabe walong oras na biyahe, kaloka! Hay nako Kris, tulungan mo na kong ibaba to dali para makapasok na tayo. Sandali ate, hilo pa ko. Mga Apo! Lola! Sabay kaming napatakbo ni Kris palapit kay Lola para yakapin. Lola namiss ka namin! Oo nga Lola, tagal na rin kaming di nakabakasyon dito ni ate. Pero ngayon La, di na bakasyon dahil dito muna kami haggang makagraduate kami. Nakangiting sabi ko. Nako mga Apo, itinawag na ng mama nyo yan. Nagulat nga ako at kaninang umaga lang sinabi buti at nakapag pahanda pa ako ng mga paborito nyong pagkain. Nako talaga si mama La, sabi ko isusurprise ka namin eh. Oo nga La, sinira plano namin ni ate matawagan nga si mama at ng masermunan. Hahaha Hahahaha. Pasaway na bata. Pasok na at ng makakain na tayo. Sabay sabay na nga kaming pumasok sa loob. Sa habag, nagkahanda ang longganisa na may sawsawang kamatis, sibuyas at bagoong, dinengdeng, itlog at sinangag Nako La, mauubos namin to. Gutom na gutom na kami pano natulog lang kami sa byahe. Oh, sige upo na at ng kumain na tayo. Magiliw kaming kumain ni Kris dahil na rin sa pagod sa byahe. Dalawa lang ang nakatira dito sa Bahay ni Lola, si Lola at ang kanyang kasambahay na umuuwi rin kada linggo at bumabalik lunes ng umaga. Noong mga bata pa kami ni Kris lagi kaming nagbabakasyon dito tuwing summer break. Nakakatuwa dahil kahit palagi naman kaming nagbabakasyon, naaamaze pa rin kami dito sa probinsya. Siguro dahil sa Manila at dito sa probinsya ay sobrang magkaiba. Dito kami mag aaral ni Kris, kambal ko. Dito kami magkokolehiyo dahil mas tahimik at para may kasama rin ang Lola. Si mama at papa, naiwan sa Manila. Business. Apo, pasasamahan ko kayo kay Christian at Crissa mageenroll din kasi sila para maipasyal at maging pamilyar kayo sa lugar. Sige po La, kaso nakakahiya La di naman po namin sila close La. Baka maabala namin kung ipapasyal pa po kami. Nako, mababait yung mga pinsan nyo na iyon at saka may sasakyan naman kayo. Si Christian nalang ang mag drive. Ang tagal nyo kasing di nagbakasyon dito kaya nangangapa kayo sa mga pinsan nyo. Oo nga po La, simula po kasi ng magka business si mama at papa naging sobrang busy na po. Korek La, minsan nga po feeling ko di na nila kami kilala ni ate puro work nalang po sila. Ano ba yan Kris, naiintindihan ko naman sila mama, di naman lahat ng nasstart ng business lumalago kaya nung lumago ang business nila mama tinutukan nila at saka di naman na tayo bata dami mo na ngang manliligaw. Hahaha, ate tumigil ka nga baka maniwala si Lola pagbawalan na ko, strict pa naman si Lola, ano po La no? Hahahaha, tong mga batang ito. Pumanhik na nga kayo at ng makapagpalit at pahinga na kayo. Napalinis ko na yung kwarto nyo. Yung dati pa rin. Sige po La at ang daldal na naman ni Kris. Ako ba ate o ikaw hahahahaha Umakyat na kami Kris sa ikalawang palapag ng bahay. Two storey ang bahay ni lola. Sa baba ay ang salas, kusina. Sa taas ang mga kwarto. Anim na kwarto. Ate, excited na kong mag enroll. Sabi ni mama malaki daw yung University dito. Madami kayang kwago or gwapo? Hahahaha Baliw ka talaga. Maglinis na tayo ng katawan at ng makapahinga na tayo. Saka mo na problemahan ang kwago gwapo na yan pag naka enroll na tayo. Eto talaga si ate, kj. Hahaha, sige na. Pahinga na ko. Pumasok na ko sa banyo bago pa humaba ang usapan namin ni Kris. May pagka pilya at madaldal kasi masyado ang kambal ko na iyon. Pag sagot ka ng sagot malayo ang mapupuntahan nyo. Pagkalinis ng katawan, humiga na ko. Kailangan kong matulog at marami kaming aasikasuhin para sa enrollment namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook