Chapter 8

2066 Words
TORN DANGER ROSS __ Napatigil kami ni Don Emmanuel nang makarinig kami nang malakas na sigaw. Nataranta agad ang mga kasambahay pati na rin ang mga guwardya. Hindi pa nakakabalik si Esther kaya binitiwan ko rin ang mga hawak kong kubyertos at inatras ang silya ko. "Ano ang nangyayari?" tanong ni Don Emmanuel. "Titingnan ho namin." Tila malayo ang tinig ng sigaw at sa palagay ko ay nasa ikalawang palapag pa iyon. Humakbang ako palabas ng kusina at dumiretso na ako paakyat ng hagdan. Sinundan ko ang mga kasambahay hanggang sa makarating ako sa lounge na nandoon. Nakatipon ang mga kasambahay habang kani-kaniya ang pagbulong na may pagka-dismaya sa mga tinig. Binigyan naman ako ng daan ng ilan sa mga ito. Napatigil din ako agad nang... makita ko ang isang kasambahay na nakahandusay sa sahig habang umaagos ang dugo mula sa butas sa leeg na para bang sinaksak ng kutsilyo. Nakamulat ang mga mata nito at pilit pa ring inaabot ang kamay na tila ba nanghihingi ng tulong. "Anong nangyayari rito?" narinig kong tinig ni Don Emmanuel. Mabilis itong binigyan ng daan ng mga kasambahay. Napatigil din ito nang makita ang tauhan niya sa sahig. Pinagmasdan ko kung paano nalukot ang mukha niya at kung paano siya namutla. "Eva..." Sumiritsit pa ang dugo sa bibig ng kasambahay bago ito tuluyang nawalan ng buhay. Bumukas ang bibig ni Don Emmanuel at nagsimulang manginig ang kamay niyang nakahawak sa tungkod. "Anong tinatayo-tayo ninyo riyan? Bakit hindi n'yo agad tinulungan si Eva? Dalhin siya sa ospital!" Dinaluhan ito ng mga guwardya. Tiningnan ng isa sa mga ito ang pulso ngunit tumigil din sila agad nang umiling ang lalaki, senyales na wala na itong buhay. Halos bumagsak si Don Emmanuel. Mabuti at naalalayan ito ng kasambahay sa tabi niya at iginiya itong maupo sa couch na nasa likod nito. "Dios mío... "Ipasara lahat ng labasan sa mansion," casual na sambit ko. Tumingin lang sa akin ang mga ito na tila ba nakikiramdam pa. "Ano pang hihintay ninyo!" muling malakas na sigaw ni Don Emmanuel. "Ipasara ang mga labasan!" Humakbang agad palayo ang mga guwardya niya. Napahawak sa dibdib si Don Emmanuel. Pinainom naman agad siya ng tubig at pinakalma. Akmang hahawakan ng isang kasambahay ang bangkay pero nagsalita ako. "Leave her alone. Hintayin ninyong dumating ang mga pulis at mag-imbestiga." "Sino ang gumawa niyan Kay Eva? Sino ang ang pumatay?" nanginginig pa rin ang tinig na tanong ni Don Emmanuel. "Sino!" Halos napaiktad ang mga kasambahay niya. Umalingawngaw ang tinig nito sa buong silid. "K-kasama n'yo ho ako sa kusina kanina, Don Emmanuel..." "Ako rin po..." "Nasa baba po ako at nagpupunas ng mga lamesa, Don Emmanuel." "Nasa kusina naman ho ako at naghahanda pa ng inyong inumin." Kani-kaniya ang naging pagtatanggol ng mga ito sa sarili. "Sino ang naka-toka rito sa itaas? Magtungo sa harapan ko." Mabilis pumila ang mga ito sa harapan niya at isa-isang binanggit ang ginagawa nang mangyari ang krimen. It was stupid to ask all of them dahil siguradong wala sa kanila ang aamin. "Ikaw ang nakakita sa kaniya, hindi ba?" "O-opo... pero n-nakahandusay na ho siya sa sahig at wala na po akong ibang nagawa kung hindi ang sumigaw." "Ituro mo sa akin ang mga kasambahay na nakita mo malapit rito bago mo makita si Eva." Sunod-sunod na napalunok ang kasambahay habang hinihimas ang kamay niya. Hindi naman mainit sa loob pero tila ba pawis na pawis ito at hindi magawang magbanggit ng pangalan. "Sabihin mo sa akin,.huwag mo akong paghintayin," muling malamig na sambit ni Don Emmanuel. "Si... Si--" "What's happening here?" Napatigil ang lahat at napatingin sa direksyon ni Esther. Narinig ko ang takong nito na papalapit. Muling nahawi ang mga kasambahay. Napatigil din ito nang makita ang bangkay na nasa sahig. Pinagmasdan ko nang maigi ang mukha niya. Alam kong nagulat siya pero nagawa niya ring gawing natural ang emosyon niya. "Sinong pumatay kay Eva?" mahinang tanong nito. Pinilit tumayo ni Don Emmanuel at nilapitan siya. "Ayos ka lang ba, Apo?" Bumaling siya rito at tumango. "Ayos lang ho. Nagpatawag na ho ba kayo ng mga pulis?" "Siguradong ginawa na ng mga kasambahay. Nagiging malala na ang sitwasyon dito sa mansion. Hindi na ligtas para sa atin. Kailangan itong maibestigahan." She nodded bago muling tumingin sa bangkay. Nag-iwas din siya ng tingin. "Lumayo na tayo rito, Ama. Hintayin natin ang mga pulis sa baba." Tiningnan ko ang kasambahay na hindi magawang tumingin sa kniya nang diretso bago ko sila sinundan ng tingin ni Don Emmanuel habang papalayo. Saan ka nanggaling, Esther? I asked in my head. Ilang sandali akong nanatili roon pati na rin sina Viv at Veer. Tiningnan ko ang sugat ng kasambahay at ang katawan nito. She was killed unexpectedly. Walang sinyales ng panlalaban. Marahil naisaksak agad ang kutsilyo sa leeg niya. And she wasn't killed in that very exact place and position. Nagawa pang maglinis ng ebidensya ng salarin at hindi ko na kailangang isiping kasama pa rin namin ito sa loob ng mansion. Bumaba na rin ako. Hindi nagtagal dumating na ang mga pulis at nag-imbestiga. Walang umalis sa mga kasambahay. Lahat ng mga ito ay kinapkapan at in-eksamena. Wala silang nakuhang kahit anong ebidensya sa mga ito pero may dumating pang pulis na may bitbit na isang clear bag kung saan nakalagay ang isang mamahaling punyal. I knew it was expensive at first look. "Alam n'yo ho ba kung kanino ito?" Mabilis nagbulong-bulungan ang mga kasambahay. Nakita ko naman agad ang kaguluhan sa mukha ni Don Emmanuel." "N-niregalo ko iyan sa apo ko..." Tiningnan ko ang reaksyon ni Esther pero tila wala itong kahit anong emosyon o wala man lang sa plano ang dumipensa. "Ito po ang ginamit sa pagpatay." "S-siguro ba kayo? Sa apo ko iyan..." "It's been missing for a week now," sagot nito na walang bahid ng kaba sa tinig o mukha. Sunod-sunod na napalunok ang kasambahay na nasa tabi niya. "P-pagbibintangan na naman ba a-ako?" "Bakit labis kang kinakabahan, Sarem?" tanong ni Don Emmanuel rito. "E kasi, ako lang ang madalas pumasok sa loob ng silid n-ni Ms. Esther." "You don't have to worry. Naiwala ko sa gubat ang punyal na iyan." "Mamahalin ho itong punyal ninyo, hindi n'yo ho ba sinubukang hanapin?" "I tried ngunit hindi ko na ginustong magsayang ng oras. Are you interested in seeing my collections?" "Puwede ho ba naming malaman kung nasaan kayo nang mangyari ang krimen?" Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin sa pulis na nasa harapan niya. "Shh... shh..." Nagsalubong ang kilay ni Don Emmanuel. "Pinagbibintangan mo ba ang apo ko?" "Hindi naman ho sa ganoon, Don Emmanuel. Para lang ho ito sa pag-iimbe--" "Huwag na huwag kang magkakamali. Kilala ko ang apo ko. Hindi siya papatay ng kasambahay. Naiintindihan mo? Sinabi niyang nawala ang punyal niya. Huwag ka nang magtanong pa." Yumuko ito. "Pasensya na ho." They also asked me bago sila umalis. Lumalalim na rin ang gabi ngunit pinili kong manatili. "Sigurado ka bang hindi ka pa uuwi, Mr. Pierre?" tanong sa akin ni Don Emmanuel." "Posibleng hindi pa nakakalabas ang kriminal. Gusto ko lang makasigurong..." Bumaling ako sa babaeng umiinom ng wine sa couch, "ligtas si Esther." Binaling niya ang mga mata sa akin. Nahirapan akong basahin ang mga iyon ngunit nagsisimula na akong makaramdam ng kung anong bagay tungkol sa kaniya. Hindi ko tinanggal ang tingin sa kaniya ngunit nagdilim ang buong paligid. Nagkagulo na naman ang mga kasambahay. Hindi ako umalis sa puwesto ko ngunit pinakiramdaman ko ang paligid ko. Ilang yabag ang narinig ko na pabalik-balik sa paligid hanggang sa makakita na ako ng ilaw. Lumapit sa amin ang isa para magdala ng liwanag pero isa lang ang mabilis kong napansin... wala na si Esther sa upuan niya kanina. Nagtangis agad ang bagang ko at nagsimulang humakbang para hanapin ito. Hinablot ako ng gasera sa isang kasambahay. Hindi ako sigurado kung saan ko siya hahanapin sa luwang ng mansion pero siguradong hindi iyon nalalayo kung saan nangyari ang krimen. Sa isang gilid, napansin kong nakalagay doon ang sapatos niya. She was walking barefoot... for what? Agad akong bumaling sa kaliwa ko nang makarinig ako ng kaluskos. Nakita ko ang dulo ng suot niyang puting dress. Sinundan ko agad ang direksyon na iyon. Habang patuloy ako sa paghakbang, nararamdaman ko na para bang hindi lang siya ang hinahanap ko at hindi lang siya ang nasa paligid ko. Lalong lumakas ang mga kaluskos at ang yabag na para bang may dalawang taong naghahabulan. It was quite hard for me to follow dahil hindi ko kabisado and mansion at para bang alam nila kung saan pupunta. Ganoon pa man, sinundan ko lang ang pakiramdam ko at ang talas ng tainga ko. Nakarinig ako ng tila nabasag na vase. Sinundan ko ang tunog ngunit wala na akong naabutan doon. Naririnig ko pa rin ang mga yabag ngunit palabas na ng silid. Nagpatuloy ako sa pagsunod hanggang sa hindi ko namalayang nakababa na ako ng hagdan at nakalabas na ng bahay. Wala akong nadaanang kahit sino sa mga kasambahay o guwardya. Maraming nilikuan at dinaanan na para bang sikretong pasikot-sikot sa mansion. I focused on my senses. Nararamdaman kong malapit lang ito sa akin dahil naamoy ko ang pamilyar niyang pabango. Madilim ang paligid at pakiramdam lang ang tanging inaasahan ko. Kusang gumalaw ang kamay ko nang maramdaman ko siya. Hinigit ko ang braso niya. Napahinto siya at napaharap sa akin pero ramdam ko ang pagkabog ng dibdib niya marahil sa hingal. Nasalubong ko ang mga matang iyon. "You're walking too fast like you know the evidence." "And you're staying here like you are curious about the crime." Marahas niyang binawi ang braso sa akin at tinabig ang dala kong gasera. Nabasag agad iyon sa sahig. "It's better for you to go home." Muli siyang humakbang palayo pero sinundan ko pa rin siya. "Mierda..." She was too fast. Mabilis siyang nawala sa paningin ko at kinailangan ko siyang pakiramdaman ulit. Nakarinig na naman ako ng mga gamit na nababasag. Naging malakas ang bawat kaluskos nang makapasok ako sa silid. Naririnig ko ang bawat yabag, ang paghawi sa mga gamit, pati na rin ang pagbaon ng punyal sa dingding. Alam ko sa mga sandaling iyon na may hinahabol siya. Nilabas ko ang isang blade mula sa loob ng coat ko. Nagsimula akong lumapit kahit hindi gaanong nakikita and paligid. Sinubukang kong tingnan kung sino ang taong hinahabol niya pero hindi ko maaninag ang mukha nito. Tumama ang paa niya sa kamay ni Esther dahilan para mabitiwan nito ang dalang punyal. Ito naman ang naglabas ng punyal at sinugod si Esther. I knew she could defend herself pero lumapit pa rin ako para hablutin ang braso niya mula rito pero naging huli pa rin dahil nahagip siya ng talim sa balikat. Naging mabilis ang kamay kong maghagis ng blade rito. Akmang susugod pa pero nahuhot ko rin agad ang baril sa tagiliran ko at tinutok iyon sa kaniya. Natigilan agad ito. "Who are you?" malamig na tanong ko. Sa halip na sumagot ay tumakbo ito palayo. Sinundan ko siya ng baril pero hindi ko hinila ang gatilyo. Nanatili akong nakayakap sa balikat ni Esther. Nang maramdaman kong tuluyang nakaalis, itinago ko rin ang dala kong baril at mula sa sinag ng buwan, tiningnan ko ang galid ng balikat nitong dumudugo. Natapyas ang manggas ng suot niyang dress dahil sa talim ng punyal. "You are not as strong as you think." Binaba ko rin ang palad ko sa kamay niya at sinimulan siyang hilahin. Simple kong pinindot ang button sa ilalim ng necktie ko nang makapaghanda na si Viv at Veer sa pag-alis. "Bitiwan mo ako..." tutol niya. Hindi ko siya pinakinggan at lalong hindi ko binitiwan ang kamay niya kahit pa pilit niya iyong binabawi sa akin. Nakarating din kami agad sa sasakyan na nasa harap ng mansion. "Get inside." She looked at me in disbelief. "Bakit ako sasama sa'yo?" "Because I want to protect the woman I'll marry." "Don't fool me." "Get in now," maawtoridad na utos ko. "I'll make sure your grandfather is safe." "Sinabi nang bitiwan mo ako," nagpumiglas siya sa akin pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "Hindi ko kailangan ang tulong mo at hindi ako aalis--" "Shut up, or I'll give you the right to slap me again in exchange for a kiss." Hindi ito nakasagot pero nakipagsukatan ito ng tingin sa akin. My jaw clenched, "choose."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD