Chapter 7

2667 Words
EMMANUELA ESTHER DE VERA __ "Eva, ibigay mo ang gamot ni Ama." "Opo, Ms. Esther..." Naninikip ang dibdib nito dahil sa nawawalang vintage clock at lamp. "Hindi na natapos ang pagnanakaw dito sa mansion!" "You have to calm down, Ama." Lumalabas ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit. "Sa oras na mahuli ko ang magnanakaw na iyan, mananagot sa akin." Nilapitan din siya agad ni Eva para painumin siya ng gamot. Sa tingin ko ay kagabi pa nangyari ang pagnanakaw pero tanghali na nang mapansin ni Ama na nawawala ang mga iyon. "Tawagin lahat ng tauhan sa mansion!" malakas na sigaw nito. Nagmadali ang mga kasambahay pati na rin ang mga guwardya para tawagin ang isa't-isa. I remained calm ang composed. Nagtungo ako sa tabi ni Ama and crossed my legs. Sumenyas ako kay Sarem at alam niya nang kailangan ko ng alak. Ilang sandali pa, nakalinya na ang mga kasambahay at lahat ng tauhan sa mansion sa harap namin ni Ama. Inabot ko ang binigay sa aking baso ni Sarem. Nanatili itong nakatayo sa tabi ko sa halip na luminya sa mga ito. "Sino ang nagnakaw ng mga antique ko?" nagngangalit pa ring tanong nito. Yumuko ang karamihan sa mga ito na tila ba natatakot salubungin ang mga mata niya. "Mga hangal! Kapag hindi kayo umamin, magsasalop ang langit at lupa!" Muli akong uminom sa hawak kong baso bago ako magsalita. "Who was in charge of the area last night?" "Ako ho, Ms. Esther," mabilis na sagot ng lalaki sa gawing dulo habang nanginginig ang mga pisngi. "Alas cuatro hanggang alas dose ho bago ako palitan ni Urso." "Who's Urso?" Mabilis ding nagtaas ng kamay ang lalaking nasa tabi nito. "A-ako ho." "Then I conclude, alam ninyo kung sino ang kumuha?" Parehas silang napalunok, umiling at sinabing hindi. "Nawalan ho ng kuryente kagabi, Ms. Esther. Hindi ko ho napansin ang mga gamit na nawawala kung nasa puwesto pa. Alas cuatro na ho ng madaling araw nang bumalik ang kuryente." "Tontos!" muling sigaw ni Ama. "Let me ask the same question again, may napansin ba kayong kakaiba?" Hindi sumagot ang mga ito. Muling sinalinan ni Sarem ng wine ang baso ko. "I'm waiting for an answer." "N-napansin ko hong p-paikot-ikot si Sarem sa loob ng mansion." Agad napatigil si Sarem sa pagsasalin. Binaling ko ang tingin ko sa kaniya. Agad sumama ang mukha nito. "Señior, guwardya sibil, o kung ano ka man, nasa silid ng kaniyang Ama ang amo ko kagabi kaya'y kinakailangan ko siyang hintayin na makabalik sa kaniyang silid. Nagpaikot-ikot ako sa mansion sa pagkainip pero napansin mo man lang ba ang pagnanakaw kong iyong binibintang?" "Hindi ko ho kayo pinagbibintangan... sinagot ko lamang ang tanong ni Ms. Esther." "Puwes, pagbintangan mo na ang lahat huwag lang ako. Guwapo ka sana, pala-bintang ka lang," mahina pang bulong nito. "Si Pilar ho, nakita kong tila abala rin kagabi habang nakapatay ang mga ilaw." Hindi ko kilala ang tinutukoy niya pero napansin ko agad ang kasambahay na mabilis napaiktad sa pagsambit niya ng pangalan. "W-wala po akong kinukuha. Naubos na ho ang mga kandila kaya sinubukan kong maghanap ng paraan. Hindi lang naman ako ang naging abala. Nakita ko rin si Rosa at si Halor." Hindi ko na kailangan tanungin kung sino ang mga tinawag nitong pangalan dahil tila nabahala din agad ang mga ito. They started pointing fingers to one another hanggang sa maituro ng lahat si Mang Gilmore, ang hardindero. Tumingin ito sa mga kasamahan na tila ba nagtataka at kinakabahan. Madalas ko siyang makita sa garden lalo na kapag namimitas ako ng bulaklak. Sa tingin ko ay nasa mahigit singkuwenta na ang edad niya pero mas mukha pa siyang matanda kay Ama sa mga kulubot sa mukha niya. Mas mabilis rin ang hakbang ni Ama dahil pilantod ito. "Anong ginagawa mo sa mansion ng dis-oras ng gabi?" casual na tanong ko. Yumuko ito nang bahagya sa akin. "Hindi ho ako ang nagnakaw, Ms. Esther..." Hindi ako sumagot agad ngunit nanatiling nakatingin sa kaniya. Alam kong hindi na mapakali si Ama sa tabi ko dahil ano mang oras at sasabog na naman siya sa galit. "That's not the answer I needed to hear." "Ronaldo, anong ginagawa ng hardinero sa loob ng mansion sa dis-oras ng gabi?" malamig na tanong ni Ama. Yumuko ang mayordomo. "Pasensya na ho, Don Emmanuel sapagkat hindi ko rin alam. Ang mga guwardya ho ang dapat nagbabantay sa mga--" Hindi nito natapos ang sasabihin nang malakas na ihagis sa kaniya ni Ama ang tungkod niya. Tumama iyon sa ulo nito na noon ay mabilis dumugo. Lalo kong naramdaman ang kaba ng mga tauhan. "Estupido!" nagngangalit na sigaw ni Ama. "Ikaw at ang punong guwardya ang nangangasiwa sa mga kalalakihang tauhan dito sa mansion. Walang dahilan ang kahit sinong hardinero na pumasok sa loob ng mansion ko!" "P-pasensya na ho---" "Itikom mo ang bibig mo!" Marahas itong tumayo at itinuro ang hardindero. Mabilis na pinulot ng mayordomo ang tungkod na hinagis nito sa kaniya at maingat na inabot kay Ama. "Ikaw ba ang magnanakaw?" Tumingin ito sa paligid niya na tila ba naghihintay na may aamin sa kasalanan ngunit wala sa mga ito ang umimik. "W-wala ho akong kasalanan--" "Sinungaling! Damputin ninyo ang taong iyan at ikulong!" Mabilis lumapit ang mga guwardya at marahas na hinablot ang braso nito. "D-Don Emmanuel... w-wala ho akong k-kasalanan," anito habang hila pa rin ng mga tauhan. Naubos ko ang wine sa dala kong baso habang nanggagalaiti pa rin si Ama sa mga tauhan niya. "Sa oras na mahuli ko ang ano mang pagnanakaw dito sa mansion, wala akong sasantuhin sa kahit sino sa inyo. Naiintindihan ninyo?" "Wala po akong kasalanan, Don Emmanuel." "Wala rin po akong alam." "Hindi po ako magnanakaw sa inyo, Don Emmanuel." "Tumahimik kayong lahat!" Muling hinagis ni Ama ang tungkod niya at wala namang kahit sinong tinamaan. "Layas!" Mabilis nagsi-alisan ang mga ito sa harapan niya at bumalik sa kani-kanilang trabaho. Inabot ko kay Sarem ang dala kong baso at tumayo para haplusin ang balikat ni Ama. "Don't stress yourself too much. Your life is more important than a vintage clock and lamp." Nagbuga ito nang marahas na hangin at bumaling sa akin. "Hindi iyon ang ikinagagalit ko, Apo. Ayoko lang nang iniisahan tayo ng mga taong hindi natin kauri. Noon pa man, mainit na ang dugo ko sa mga magnanakaw." Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-abot ni Sarem ng tungkod niya. Ako na ang kumuha niyon mula sa kaniya at ako ang nagdala sa palad ni Ama pagkatapos ay hinaplos ko ang kamay niya. "Natandaan mo pa ba ang palagi kong sinasabi sa'yo?" Muli itong humugot ng malalim na hininga at pinakawalan din iyon. Ginawa niya iyon nang tatlong beses. "You did great, Ama." "Mabuti na lang nandito ka... kung hindi ay baka kanina pa ako inatake sa puso. Puntahan natin ang magnanakaw na iyon. Gusto kong masigurong mapaparusahan siya." Unang beses kong bumaba ng basement at unang beses ko ring nakita ang mga selda roon. Narinig ko agad ang pagdaing ni Mang Gilmore na para bang pinaparusahan ng mga tauhan. Tiningnan ko ang buong paligid hanggang sa makarating kami sa dulong selda. Nakita kong nakagapos ang mga kamay nito sa itaas gamit ang makapal na lubid habang salit-salit ang mga tauhan sa pagsuntok at pagtadyak sa kaniya. "Puwde ko bang malaman... kung bakit may mga selda rito, Ama?" "Ang lolo mo... o ang ama ko noon ay istrikto. Sinadya niyang magpagawa ng mga selda rito para sa mga tauhan niyang sumusuway sa utos niya o nagtataksil sa kaniya." "Do you usually do this to punish your people, Ama?" Nagtangis ang bagang nito. "Isang beses ko lang itong ginamit at pangalawa ngayon." "When was the first one?" Nakita ko ang apoy sa mga mata niya na para bang may nangyaring masama sa nakaraan na ikinagagalit niya pa rin hanggang sa kasalukuyan. "Mabuti nang hindi mo na siya nakita." "Sino ho?" "Ang ama mo. He's a thief." He never talked about him before pero narinig ko na ang kuwento sa mga naabutan kong kasambahay na wala na ngayon sa mansion. "Isa siyang magnanakaw at kasalanan niya kung bakit nawala ang Inay mo. Pati ito ay ginusto niyang nakawin sa akin." "Hindi mo pa naikukuwento ang tungkol sa kanila, Ama." "Nagnakaw siya ng malaking pera rito at isinama niya ang Inay mo. Sanggol ka pa noon... Apo. Hanggang ngayon iniisip kong siya ang pumatay sa Inay mo. Kung hindi niya ito itinakas... baka kasama pa natin siya ngayon." Bumaling ako sa matandang nasa loob ng kulungan. Tumingin ito sa mga mata ko na tila ba puno ng pakikiusap. "Wala pa tayong ibidensya, hindi ba?" "Ngunit sinong hardinero ang papasok sa ating mansion sa dis-oras ng gabi?" Tumutulo na ang dugo sa bibig nito at halatang wala ng lakas. "Ama... let's not hurt people out of the conclusion." "Sa tingin mo ba ay hindi siya ang magnanakaw?" "Him or not, we don't have evidence." Bumaling din ako sa kaniya. "I also don't want to see you letting others get hurt, regardless if they are guilty or not." His face immediately softened. I gave him time to compose himself. "Pasensya na, Apo. Alam mo namang hindi masamang tao si Ama, hindi ba?" Tinitigan ko siya sa mga mata bago ako nagsalita. "¡Basta!" Naramdaman ko agad ang pagtigil ng mga tauhan. Kinuha ko ang pisngi niya. "Thank you for being kind." "Alam mong ikaw at ikaw lang ang maiiba." Muli kong tiningnan ang matanda bago kami lumabas mula sa basement. Sinamahan ko si Ama sa silid niya at pinangakong ako ang aayos ng lahat ng gulo. Araw na ng pagpapalit ko ng mga bulaklak kaya naman kinuha ko na ang luma sa vase na nasa silid niya. Hindi ko na kailangang kuhanin ang sa akin dahil lumapit sa akin si Sarem at ngumiti. "Tinapon ko na ho." Nagtungo ako sa hardin at nagsimulang mamitas ng bulaklak, tutal ay palubog na ang araw. Iilan pa lang ang nakukuha ko nang mapansin ko ang dugo sa sahig. Sinundan ko iyon hanggang sa makita ko si Mang Gilmore na nakaupo sa isang plant box habang tila sinusubukang punasan ang mga sugat niya. Tila naramdaman niya agad ang presensya ko at bumaling sa akin. "M-Ms. Esther... m-may hinahanap ka bang bulaklak?" Hindi ako sumagot. Bahagya naman itong yumuko. "Salamat ho sa iyong pagliligtas." "Maaari ko bang malaman kung anong ginagawa mo sa mansion noong nakaraang gabi?" Nanatili itong nakayuko. "P-patawarin n'yo ho ako... sinubukan kong ipasok ang inyong mga paboritong bulaklak." Hindi ako nakapagsalita agad. Unti-unti rin ito nag-angat ng tingin. "Sa hating-gabi?" "Humingi ako ng permiso sa mayordoma." "At bakit hindi niya pinaalam kay Ama?" "Galit na ang iyong, Ama. Kapag galit siya ay wala nang pinapakinggan bukod sa iyo." Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. Kinuha ko ang dala niyang bimpo at ako na ang nagpunas niyon sa mukha niyang puno pa rin ng dugo. Nakita kong natigilan ito sa ilang sandali. Marahil hindi inaasahan ang ginagawa ko. "Hindi ho ako ang nagnakaw..." mahinang sambit niya. "Alam mo ba kung sino?" Natahimik ang paligid bago ito mahinang bumulong. "Maraming magnanakaw rito..." Ako naman ang natigilan at tiningnan siya sa mga mata. Nandoon pa rin ang peklat sa kanang mata niya na tila ba maliit na hiwa. "Bakit hindi ka magsumbong?" "Walang maniniwala sa akin..." "Nakita mo na na silang lahat?" "Hindi... pero alam ko marami sila." I just stared at him in this eyes hanggang sa marinig ko ang tinig ni Sarem. "Ms. Esther, bakit naman ikaw pa ang gumagamot ng sugat ni Mang Gilmore? Ang sabi ho ng Ama ninyo, maghanda na kayo at muling bibisita si Mr. Pierre." Binitiwan ko ang hawak kong bimpo at sumunod na rin kay Sarem. Naligo ako at nagbihis. Si Sarem naman ang tumuyo ng buhok ko at nagsulak niyon. "Alam mo, simula noong dumating ka rito ang dami nang nawawalang gamit. Hindi kaya ikaw ang magnanakaw, Ms. Esther?" Tiningnan ko siya nang matalim sa salamin. "Biro lang!" Humagikgik ito. "Parati na lang mainit ang ulo mo. Ikaw ang tagapag-mana. Siyempre naman ay hindi ikaw ang magnanakaw." "You were one of the suspects, remember?" "Aba, kung magnanakaw lang naman din ho ako ay sana noon ko pa tinangay ang mga ginto at diyamante ninyong alahas gayong hinahayaan mo akong hawakan ang mga iyon. Nga pala, naitago n'yo ho ba 'yung kwintas n'yo na may malaking bato? Hindi ko na nakikita, e." "Hindi mo na iyon kailangang pakialaman pa." "Sungit n'yo naman po. Hindi ka na ba nagdududa sa akin?" "You will remain a suspect." Bumusangot ito. "Bakit naman?" Sinuot ko ang kumikinang na hikaw na mayroong maliliit na diamonds sa butas ng tainga ko. "Because thieves... always have to build trust." "Ah, basta, bahala ka na riyan. Nagsasalita ka na naman ng lenguwahe na hindi ko masyadong maintindihan pero kapag ako ang hindi mo maintindihan, e para bang ako ang pinaka-masamang tao sa balat ng lupa." "Akala mo ba ay hindi ko narinig na tinawag mo akong cheap sa harap ng lalaking iyon?" "Hindi ho ba?" Muli ko siyang tiningnan nang matalim sa salamin. Sa lahat ng kasambahay, siya lang ang natutong sumagot ng pabalang at para bang siya ang amo ko. "E kasi naman, Ms. Esther, hindi mo pa pala nobyo pero kung makalingkis ka e para bang kakakasal n'yo lang. Noong panahon ng mga lolo at lola natin, kapag nahalikan ka na ng lalaki, kailangan magpakasal na kayo agad-agad!" "I'm not old-fashioned." Bumungisngis ito. "Marami akong natutunang salita sa mga telenovela. Narinig kong sabi ro'n, you are nothing, bara second raiding crying hard coffee cats! Gusto ko ho 'yung mga ganoong dating. Tutal e kanang kamay n'yo ho ako, baka naman p'wede akong mang-api o manampal ng kasambahay kahit isang beses lang?" "If you will allow me to slap you first." "Ay, kalimutan n'yo na ho. Ayusin na lang natin itong buhok mo para 'di bale nang cheap basta maganda." "Pagkatapos nito, pumunta ka sa fountain." "Ano hong gagawin ko ro'n?" "Magmumog ka." Narinig kong nag-uusap na si Mr. Pierre at si Ama habang papunta ako sa kusina. "May magnanakaw rito sa aking mansion." "It's sad to hear that it happened again, Don Emmanuel." "Apo, halika't maupo ka." Tumingin din ito sa direksyon ko at tumayo para ipaghila ako ng silya. He was very graceful as usual. Para bang hindi kinakabahan at walang kahit anong sense of urgency. "Masaya akong makitang mukhang maayos ka lang. Sana pala ay nanatili ako rito sa buong magdamag." Mas maayos ang buhok niya at tila ba pinaghandaan ang gabing iyon sa maganda at maayos niyang itim na suit. "We can protect ourselves here. We don't need a savior." Bumaba ang tingin nito sa katawan ko na tila hinagod ako nang tingin. I felt uncomfortable. "Gorgeous..." He simply whispered bago muling bumaling kay Ama. "Kaya ba si Belinda at Rafael lang ang kasama ko sa mansion." "Halos lahat ng luma naming kasamabahay ay tinanggal ko na sa trabaho. Napapadalas ang pagnanakaw dito sa mansion." "And you suspect that the culprit is here... staying with you?" "Ganoon na nga." Hinaplos nito ang hawak na baso ng wine habang tila ba interesadong nakatingin kay Ama. "Nakilala mo na ba siya, Don Emmanuel?" Napahawak ako sa dibdib ko nang tila ba naninikip iyon at hindi ako makahinga. Naramdaman ko naman agad ang palad nito sa braso ko. "What's wrong?" "I can handle this..." Tumayo ako agad at lumabas ng kusina. "Ms. Esther, kailangan n'yo po 'yung gamot n'yo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sarem. "No, don't follow," malamig na sambit ko at naramdaman kong huminto rin ito agad. Dumiretso ako sa silid ko. Hinanap ko sa drawer ang gamot ko. Nakita ko rin iyon agad at akmang iinom pero nakarinig ako ng mga kaluskos sa labas ng silid. Kabisado ko ang bawat kaluskos sa mansion at alam ko kung anong normal at hindi. Muli kong binuksan ang drawer at kinuha ang isa sa mga punyal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD