Chapter 26

2009 Words

TORN DANGER ROSS __ "Mr. Pierre..." tawag sa akin ni Veer nang tila may pagmamadali. Inubos ko ang laman ng isang basong alak at binaba iyon sa mesa bago bumaling sa kaniya. Humugot ito ng malalim na hininga na tila ba may malaking balita. "May... nangyari ho sa mansion ng mga De Vera..." "A thief again?" "Worst than that, Mr. Pierre... p-pinatay ho si Don Emmanuel." Hindi ako nakaimik agad. Inaasahan kong mangyayari iyon pero tila nabigla pa rin ako. Hindi ko lang inaasahan na ganoon kabilis at hindi ko naisip na hindi sa espesyal na araw. "Magpunta tayo sa mansion." "Ihahanda ko ho ang sasakyan." Humugot ako ng malalim na hininga bago tumayo mula sa silya. Nakasalubong namin si Viv bago tuluyang makalabas ng living room. She didn't say anything ngunit sigurado akong alam niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD