Chapter 25

2003 Words

EMMANUELLA ESTHER DE VERA __ "Kay ganda ng araw..." Kusang nabuo ang ngiti sa mga labi ko at dinala ang nagupit kong bulaklak sa basket na hawak ni Ama. Tumigil ako sandali dahil nakatitig lang ito sa kalangitan na puno ng pagkamangha. "I told you... kung gusto mo ay sasamahan kitang maglakad-lakad sa bakuran sa umaga." Mahina itong tumawa. "Hindi na, Apo. Alam kong madaling araw ka nang nakakatulog kaya naman tanghali ka na ring nagigising. Masakit na sa balat ang araw sa ganoong oras." "We can exercise, Ama, bago lumubog ang araw katulad ngayon." "Ngunit masarap lang pagmasdan ang araw lalo at palubog na." Kumuha pa ako ng isang bulaklak. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. "Gusto mong subukang mamitas, Ama?" "Basta't walang tinik." Binigay ko sa kaniya ang dala k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD