Napamulagat si Alexis ng marinig ang sinabi ng boss nya sa kanya. Hindi sya makapaniwala sa magandang balitang sinabi neto sa kanya.
“To-totoo po ma’am Lia?”
“Oo naman bat naman ako magsisinungaling sayo? Eto na ang application form. Fill out mo na yan agad, tapos mamayang hapon, pupunta tayo sa condo ni Angela.” Nakangiting sagot neto.
Si Angela ay pamankin ni ma’am Lia na nakabase sa Paris at executive secretary eto ng sikat na fashion designer na si Hailey Hunter, isang British American. Eto rin ang host ng show na pinapanuod lagi ni Alexis, show ng search for the next fashion designer. Ang mga nananalo dito ay nagkakaroon ng chance na magtrain personally under Hailey Hunter at mag trabaho din sa kanya. Hindi nya sukat akalain na pamankin pala ni ma’am Lia ang executive secretary neto. Magkakaroon daw ng next episode ng search neto at mag oopen sila for Asian wannabees. Nang malaman eto ni ma’am Lia ay agad sya netong naisip dahil hanga eto sa galing at dedikasyon nya.
“Naku ma’am.. kinakabahan po ako.” Nahihiya nyang sagot.
“Alexis, matagal na ako sa trabahong eto. Nagtrabaho na ako sa iba’t ibang rtw companies bago ako nagtayo ng sarili kong shop, at sa unang beses pa lang na nag sketch ka, nakita ko na ang talent mo iha. Saka hindi mo ba napapansin, ang dami gusto magpagawa sayo.” Nakangiting sagot neto sa kanya.
“Salamat po ma’am Lia. Sana makapasa ako sa audition.”
“Makakapasa ka, me tiwala ako sayo. Ayusin mo na rin agad ang passport mo, sa Singapore eto gagawin, wag ka mag alala free accommodation hanggang matapos ang show.”
Napatango si Alexis. Halo halo ang nararamdaman nya. Mahigit na anim na linggo pa lang sya kay ma’am Lia pero Malaki na ang tiwala neto sa kanya. Marami na din syang natutunan dito mula ng magtrabaho sya dito. Kung makapasa sya sa audition, tatakbo ang contest ng eight weeks at kung mananalo sya, me 1 year contract sya under Hailey Hunter. Biglang napaisip si Alexis. Papayagan kaya sya ng kasintahan? Madalas na nga eto magreklamo dahil halos wala na silang time sa isa’t isa. Pero sasayangin nya ba ang pagkakataon?
“Sagutan mo na yan Alexis habang hindi pa marami customer.” Napabalik ang ulirat ni Alexis ng muling magsalita si ma’am Lia. Tumango sya at nag umpisang sagutan ang application form.
“Hindi ka na ba mapipigilan?” seryosong tanong ni Ash kay Alexis matapos nyang sabihin dito ang inapplyan audition. Dinalaw sya neto sa apartment nila.
“Hindi mo ba ako susuportahan babe?” balik tanong nya dito.
“Alexis, halos hindi na tayo nagkikita. Kapag nakapasa ka sa audition, mag e stay ka sa Singapore. Kung dito sa Pilipinas halos wala ka ng time sakin, paano na kung andun ka sa ibang bansa?”
“Babe, alam mo naman ang mga pangarap ko diba?”
“Paano tayo? Hindi ba ako kasama sa mga pangarap mo?”
Natahimik si Alexis. Mahal na mahal nya ang kasintahan pero hindi nya rin kayang bitawan ang pangarap na matagal nan yang gustong maabot. Nagalit ang magulang nya ng malamang nagresign sya at napagalitan din sya ng ate at kuya nya. Bagamat lumambot din ang mga kinaulanan, alam nyang hindi pa rin masaya ang mga eto na naging assistant sya kahit na isa syang CPA. At ngayong, me pagkakataon syang mapatunayan sa mga eto na me mararating sya, papalagpasin nya ba un?
“Akala ko ba susuportahan mo ako sa kung anuman ang magpapasaya sakin?”
“Oo pero paano naman ako?”
“Ash, saglit lang naman to. Please?”
Napabuntong hininga si Ash. Ang totoo ay mas natatakot sya para sa sarili dahil habang tumatagal na nawawalan sila ng time ni Alexis sa isa’t isa, mas nagkakaroon ng pagkakataon na maconfuse sya sa totoong nararamdaman. He loves Alexis and yet, he could not stop thinking about Sabina. Alexis is his dream girl – she was timid, submissive but right now, she is changing into someone else. Ayaw nya sa career woman, ayaw nya sa babaeng masyadong competitive but it seems that Alexis has changed a lot since she started chasing her dreams.
“If I say you won’t go, would you not go?”
“Ash!” nanlalake ang mata ni Alexis.
“Don’t go .. please?”
“Ash you are being selfish! Why are you not supporting me to reach my dreams?” napaiyak ni si Alexis dahilan para mapalabas sa kwarto si Betina dahil narinig netong tila nagtatalo ang dalawa sa sala. Bumalik din eto sa loob agad ng makitang natahimik ang dalawa.
Napabuntong hininga si Ash.
“We’ll talk again next time. Uuwi muna ako.”
“Babe.. “ tumayo si Alexis at yumakap kay Ash. “Uuwi ka ba ng magkagalit tayo?”
Ash hugged her back and kissed her hair. He melts everytime maglalambing si Alexis. Isa eto sa mga katangian ni Alexis na gustung gusto nya. Hindi eto pumapayag na magtagal ang samaan nila ng loob.
“No.. I just want us to rest na. I know you’re tired and so do I. Let’s go out next time hmmmm?” sabi nya dito habang nakayakap sya dito.
“Thank you babe. I love you.” Nakangiting sabi ni Alexis.