Chapter 12

639 Words
Napakunot ang noo ni Sabina ng mapansing tila nagbubulungan at napapatingin sa kanya ang mga kasabay nya sa elevator. Hindi man nya kilala ang mga eto ay namumukhaan naman nyang mga empleyado din sila ng Viltes Corporation at base din sa suot na ID lace ng mga eto. Pagpasok sa floor kung nasaan ang office nya ay nakita nya ang nangingiting mukha ng mga empleyado. Agad namang tumayo si Lyka para batiin sya at sumunod eto sa kanya sa loob ng opisina nya para ipaalala ang ilang meetings nya ngayong araw. Napatingin sya dito ng tila me gusto pa etong sabihin sa kanya. “What is it Lyka?” “Ah ma’am.. ano.. congrats pala..” “Hmm? Para san?” taka nyang tanong dito. “Ma’am kagabi po un first airing ng commercial na ginawa nyo ni Mr President, tapos pinost na din sa f*******: page ng company un video.. naku ma’am more than 1 million views na. Shinare ko nga po sa f*******: ko un eh.. gulat sila na boss ko kayo.” Kinikilig na sabi neto. “Ganun ba? Hindi ko alam wala akong facebook.” Matabang nyang sagot dito. Marami syang iniisip dahil sa pag launch ng Ocean Delight. Me event pa sila sa isang sikat na mall para sa promotion neto kaya busing busy sila. “Ay sayang naman.” Sagot ni Lyka. Nagpaalam na eto sa kanya at lumabas ng opisina nya. Inabala naman ni Sabina ang sarili sa trabaho. Nagulat pa sya ng tumunog ang celphone nya. Sinagot nya eto ng makitang si Moira ang tumatawag. “Busy?” tanong neto kaagad ng maghello sya. “Uhum.. as usual..” “Dinner tayo later.. dun na sa resto malapit dyan.. celebrate na agad natin un success nyo!” “Anong success?” “Wala ka kasi socmed account eh.. dami kaya views ng video nyo no.. saka wow dami positive comments..” “Well – ang gusto ko malaman if tataas ba sales namin after nyan.. “ problemadong sagot ni Sabina. Last week nila nilaunch ang product. Hindi agad naipalabas ang commercial na ginawa nila, pero nag promote na sila via social media platforms at chineck nila ang sales nila after that, at hindi eto ganun kaganda. “I would know. Isa ako sa unang makakapagsabi nyan.. remember me consignment kayo ng mga products nyo sa supermarket namin..” paaalalala ni Moira sa kanya. “Ok sige later.. kita tayo sa dati.” Nagpaalam na sya dito. Sunud sunod din ang messages at tawag na natatanggap ni Ash mula sa mga kaibigan at kakilala. Sa mga kaibigan nya ay bukod tanging si TJ lang ang nakakaalam na gumawa sya ng endorsement ng sarili nilang produkto. Kaya naman ngayon, either pagbati o kaya pang aasar ang narereceive nyang text o tawag mula sa mga eto. Pati ang kuya Lennon nya na nasa America ay napatawag para asarin sya. Hindi rin kasi neto alam na sya ang endorser ng Ocean Delight. “You did a good job my brother Ash.. hindi ko alam me pasabog kayong gagawin para sa bagong produkto natin.“ tumatawang sabi neto sa kanya. “Ayaw kasi ako tantanan ni Dad.” “Yeah knowing dad – even the cold Sabina agreed to do it! And I could’t imagine she could be that hot huh!” bulalas neto na sandaling ikinatahimik ni Ash. “Wala naman syang choice kundi sumunod kay daddy.” Malamig nyang sagot. “I know.. but wait bro – does she has a boyfriend?” nagulat sya sa tanong ng kuya nya. “Ang alam ko wala.. why are you asking suddenly?” “Nothing.. uuwi ako next month, remember. Pwede ko kaya sya I date?” “Kuya!” “Why?” “Me girlfriend ka di ba?” “Mhin and I broke up already. So I’m single.” “If – if you plan to date Sabina, you have to tell dad first.” “Oh well – dad likes Sabina a lot. He would be happy. Mabuti na lang hindi mo sya type.” Tumatawang sabi neto. Napapikit si Ash at napamura sya ng walang tunog. Nagpaalam sya sa kapatid pagkatapos ay tinurn off ang celphone. Gigil na gigil sya at hindi makapaniwalang pati ang kuya nya ay biglang magkakainteres kay Sabina. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD