“Hindi ka pwede this weekend?” tumaas ang boses ni Ash matapos marinig ang sinabi ng girlfriend na me pasok eto sa weekend.
“Babe, sensya na me nirarush lang kami na mga gowns. Babawi ako next week promise!” ipinikit ni Ash ang mata. Sa halos dalawang linggo mula ng mag resign si Alexis sa kumpanya nila ay dalawang beses pa lang sila ulit nagkasama. Lagi etong busy sa trabaho at maging sya ay busy din pero gumagawa sya ng paraan para magka oras dito.
“Alexis, you said that last time!” inis nyang sabi dito.
“Babe sorry na please..”
“Pupuntahan kita sa shop mamaya.” Nagpaalam na sya dito pagkatapos. Tila nawalan na sya ng ganang kumain ng breakfast. Tumayo na lang sya at nagpaalam sa kayang kasambahay at pumasok na sa opisina.
Mag aalas sais na ng gabi ng iparada ni Ash ang kotse sa tapat ng shop na pinag tatrabahuhan ni Alexis. Bumaba sya at pumasok sa loob. First time nya ang pumunta dito. Agad napatayo si Raisa ng makita syang pumasok sa pinto.
“Si Alexis?” agad nyang tanong dito. Lumakad naman eto papasok sa bandang loob at narinig nyang tinawag neto si Alexis. Bumalik etong kasunod na si Alexis na me dala dala pang gunting.
“Babe!” agad etong lumapit sa kanya at niyakap sya. Pansamantalang nawala ang tampo nyang nararamdaman dito and he felt bad seeing Alexis looked tired.
“Hindi ka pa ba uuwi?’ masuyo nyang tanong dito. Hinalikan nya eto ng mabilis sa labi. May ilang customer na napapatingin sa kanila at maging si Raisa ay panay ang sulyap sa kanya.
“Kumain ka na ba?”
“Hindi pa, hinihintay pa namin si Jaya.” Sakto naman bumukas ang pinto at pumasok si Jaya dala na ang hapunan nila. “Eto na pala sya.”
Lumabas si ma’am Lia at ipinakilala ni Alexis si Ash sa mga eto. Inaya ni ma’am Lia na kumain si Ash at pumayag naman eto.
“Naku hindi ko alam Alexis, super papa pala ang jowa mo ha. Baka me kapatid si ser, pakilala mo ako.” banat ni Jaya habang kumakain sila. Tumawa lang si Alexis.
“Naku Jaya, babae kasi bunso nila. well, me kuya sya, pero nasa states at me girlfriend na din!” tumatawang sabi ni Alexis. Tumawa na lang din eto.
Agad ding nagpaalam si Ash dahil napansin nyang madami pang gagawin ang girlfriend. Hinatid naman sya neto hanggang sa kotse nya.
“Ingat ka babe..” yumakap ulit eto sa kanya bago.
“Take care too. Ikaw naman kasi, I told you I can help you - ..”
“Babe, nag usap na tayo.” Agad na putol ni Alexis sa sasabihin ng boyfriend.
“Alright. Whatever makes you happy.” niyakap nya eto at hinalikan at umalis na sya.