Prologue 2

1393 Words
Prologue 1/2 Third POV Pagdating nila doon sa opisina ni gobernador naroon ang grupo ni Patrick. Masama naman ang tingin ni Victoria kay Basilio dahil nilaglag siya nito kahapon. "Isa ito sa mga kasama ninyo?" Agad na tanong ni Mr. Ronaldo Sebastian. Ang ama na dinukutan ni Victoria. "Magaling po mandukot ang batang iyan, Mr Ronaldo. Sa katunayan po kalalabas niya lang kahapon sa barangay," sabi ni kapitan sa bisita ni Gobernador. Nariyan din si Zyoss. Hindi ito makapaniwala na magawa ng babaeng ito na dukutan siya kung sakali man. Naagaw talaga ni Zyross, ang atensyon ni Victoria. Panay pa-cute ng dalagita sa binata. Panay ang hawi ni Victoria ng kanyang buhok, habang walang kakurap-kurap na nakatingin siya kay Zyross. "Ikaw, iha. Ikaw ba ang dumukot ng wallet ni Zyross?" agad na tanong ni Gobernador kay Victoria. Agad naman itinanggi ng dalagita ang pagkumpronta na iyon sa kanya ng gobernador. "Hindi po. Nasa bahay lang po ako. Anong oras po ba siya ng wala ng pitaka?" tanong ni Victoria sa gobernadorm habang nakatingin ito kay Zyross. Bumaling naman ang gobernador kay Zyross. "Hindi ko po tiyak, Tito. Basta napansin ko na lang na nawala ang pitaka ko noong lumabas na tayo sa simbahan," sagot naman ni Zyross. Tumaas ang kilay ni Victoria nang marinig ang sagot si Zyross. "Hindi ka pala tiyak sa oras. Kaya bakit po kami ang pinagbibintangan ninyo? Baka naman po wala kayong dalang pitaka at nakalimutan niyo lang kung saan inilagay." Napunot ang noo ni Zyross, sa pagmamaldita na iyon ni Victoria, sa kanya. Para bang pinapalabas nito na kasalanan niya na nawala ang kanyang wallet. "Hindi ako ulyanin, Ening. Noong pumasok ako sa simbahan nariyan pa ang wallet ko. Pero noong paglabas ko wala na. Kaya imposible na mawala iyon kung walang kumuha!" naiinis na sabi ni Zyross kay Victoria. "Eh, malay mo kinuha ni Papa Jesus at binigay niya kay Mama Mary. Nakita mo ba isa sa amin na pumasok sa simbahan?" tanong ni Victoria sa binata. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Zyroos sa sinabing iyon ni Victoria. "Ikaw dinamay mo pa talaga si Papa Jesus at Mama Mary. Kababae mong tao mandurukot ka! Hindi mo ba alam na isa kayo ng salot sa lipunan?" nanggigigil na sabi ni Zyross kay Victoria. "Bakit nakita mo ba na nandukot ako? May ebedensiya ka? Hindi mo nga ako nakita na pumasok sa simbahan kanina, hindi ba?'' pagtatanggol naman ni Victoria sa kaniyang sarili. "Kayo pumasok ba kayo sa simbahan?" tanong pa ni Victoria sa mga kasamahan niya. Agad naman tumanggi ang mga kasamahan niya. Subalit alam ni Patrick na siya lang ang pumasok sa loob ng simbahan kanina at paglabas nito ay inabutan niya ng pera si Patrick, subalit alam ni Victoria na hindi siya ilalaglag ni Patrick. "Hindi ba magkasama tayo Patrick kanina? At hindi tayo nakapasok sa simbahan? Umuwi nga ako dahil nagugutom ako tapos hindi na ako nakabalik?" sabi pa ni Victoria kay Patrick. Tumango-tango naman ang binata sa kanya. "Nanonood lang po kami kanina ni Vikay, ng palabas sa plaza. Saka hindi po kami nakapasok sa loob ng simbahan," wika ni Patrick sa mga kaharap nila. "Well, wala namang magnanakaw na umaamin. Hayaan na lang natin iyon, Dad. Pero I suggest you, Tito na maglagay kayo ng cctv sa bawat lugar para sa susunod na may madukutan makikita kung sino talaga ang mandurukot. Karmahin din ang kumuha ng wallet kong iyon. Sana mapilayan na lang siya o 'di kaya maputulan ng kamay," sabi ni Zyross sa gobernador. Naubo bigla si Victoria sa sinabing iyon ni Zyross. Bigla niyang kinontra sa isipan niya ang sinabing iyon ni Zyross. 'Lord, huwag naman po sana. Last ko na po mandukot hindi na po ako uulit," bulong ni Victoria sa kanyang isipan. Tiningnan siya ng makahulugan ni Zyross. Subalit nginitian niya lang ito at nagpapa-cute pa siya. Lalo lang naiinis ang binata sa kanya dahil malakas ang instinct ni Zyross. Sa pag-ubo na iyon ni Victoria, para kay Zyross ay guilty ang dalagita. Subalit wala siyang sapat na puwerba na magpapatunay na ito ang kumuha ng kanyang wallet. Pinakawalan na lang sila ni gobernador. Dahil wala namang sapat na ebidensya na sila nga ang nandukot sa pitaka ni Zyross. "Ang gwapo niya, ano? Nakangiti na sabi ni Victoria kay Patrick, nang makalabas na sila sa gobernador office. Nakunot ang noo ni Patrick, habang nakatingin kay Victoria. Hindi ka pwede ma-inlove roon dahil mayaman iyon. Ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap," pambabara ni Patric kay Victoria. Ngayon lang nakaramdam si Victoria, ng paghanga sa isang lalaki at nararamdaman niya iyon kay Zyross. "Alam mo Patrick? mali ang kaisipan mong iyan. "Ang mayaman para sa mahirap, para ang mahirap maging mayaman gano'n lang 'yon. Kapag nag-asawa ako pipiliin ko 'yong mayaman para lalo pa ako maging mayaman," sabi ni Victoria sa kababata niya. "Ewan, ko sa'yo! Huwag kang mag-ambisyon ng mataas. Mabuti pa mag-aral ka na lang ng mabuti. Tigilan na natin 'yong pandurokot dahil mamaya baka ito pa ang dahilan para masawi tayo," sabi pa ni Patrick sa kaniya. "Alam mo kahit hindi na ako mag-aral dahil mayaman naman ako. Kaso sabi ni Nana, kailangan ko pa rin mag-aral para may matutunan ako at magamit ko sa paglaki ko," sabi pa ni Victoria kay Patrick. "Ayan ka na naman, nangangarap ka na naman ng gising. Kung mayaman ka hindi sana kayo nakatira ni Nana Puring sa tagpi-tagping bahay. At sana palaging bago ang mga suot mong damit. Punit-punit nga 'yong mga damit mong suot." Hindi na lang nagsalita pa si Victoria sa sinabing iyon ni Patrick. Tama nga naman si Patrick dahil kung mayaman siya hindi sila magtitiis ni Nana Puring, sa isang tagpi-tagping bahay na nakatirik pa sa gilid ng tulay. Oo, natatandaan niya na mayaman siya noong bata pa siya dahil lahat ng gusto niya binibigay sa kanya ng kanyang mga magulang at mansyon ang tinitirahan nila noon. Masasarap na pagkain ang nakahain palagi sa lamesa. Pagdating ni Victoria sa kanilang bahay tinanong niya si Nana Puring. "Nana Puring, sabi niyo po mayaman ako, pero bakit ganito po yong buhay natin?" Nagsalubong naman ang kilay ng matanda sa tanong niyang iyon. "Kaunting tiis na lang, iha. Isang taon na lang makukuha mo na ang pamana sa iyo ng iyong mga magulang. Pagsapit mo ng labing taong gulang, pwede mo ng mahawakan ang kompanya ng iyong ama. Pwede mo na rin ma-withdraw ang pera na pinamana nila sa'yo. Ang pwede mo lang kasing makuha ay ang educational plan mo, kaya iyon ang ginagamit natin sa ating pang araw-araw at sa pag-aaral mo. Kaunting tiis na lang, anak. Makukuha mo na rin ang mansyon ninyo sa bangko kapag dumating ka na sa tamang gulang," paliwanag pa sa kanya ni Nana Puring. Subalit para kay Victoria, gawa-gawa na lang iyon ni Nana Puring, para hindi siya malungkot. Tanggap naman ni Victoria ang buhay nilang dalawa ni Nana Puring. Lumipas pa ang ilang araw habang naglalakad si Victoria at si Patrick, sa plaza bigla na lang may huminto na van sa kanilang tabi. Isinakay roon si Victoria at naiwan si Patrick. Sobrang kinabahan si Victoria ng nasa loob na siya ng van dahil may mga babae roon na kasama niya at umiiyak. Tahimik lang siyang nakaupo. Habang pinapakinggan ang ingay ng iyak ng mga kabataan na nasa kanyang tabi. Tinatakpan na lamang niya ang kanyang tainga. Hanggang ibinaba sila sa tabi ng dagat at may barko roon na naghihintay sa kanila. "Saan niyo kami dadalhin?" matapang na tanong ni Victoria sa lalaking humahawak sa kanyang braso. Nakapiring ang kanilang mga mata. Alam niya na nasa tabi sila ng dagat dahil sa hampas ng alon sa dalampasigan at sa mga buhangin na kanyang inaapakan. Nakapaa lang siya dahil ang tsinelas niya ay nawala nang bigla siyang isakay sa Van. "Manahimik ka at sumunod ka na lang!" sabi sa kanya ng lalaki na humahawak sa kanya. "Wala nng magawa si Victoria, kundi tanggapin ang kanyang kapalaran, na ang mundong ito hindi patas ang buhay. May ipinanganak na swerte at mayroong ipinanganak na malas. Para sa kanyang isip ito ang kabayaran ng lahat ng kasalanan na nagawa niya. Subalit hindi siya na panghinaan ng loob, bagkus umaasa siya na darating pa rin ang araw na makamit niya ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD