bc

Victoria's Secret-Spg

book_age18+
93
FOLLOW
1K
READ
dark
arrogant
mafia
billionairess
bxg
musclebear
assistant
like
intro-logo
Blurb

​Blurb:

​Sa likod ng amo ng kaniyang mukha at inosenteng ngiti, isang madilim na sikreto ang itinatago ni Victoria Dior. Para sa mundo, siya ang perpektong babae—mahinhin, kaakit-akit, at tila walang malay. Pero ang totoo, ang buong buhay niya ay isang malaking kasinungalingan.

​Hanggang kailan niya kayang panindigan ang huwad na katauhan para lang manatili sa piling ng lalaking mahal niya? Hanggang kailan siya magpapakabaliw sa isang pag-ibig na alam niyang hindi naman talaga para sa kaniya?

​Dahil ang lalaking kaniyang niloloko ay walang iba kundi si Zyross Rosso—isang malupit at makapangyarihang Mafia Lord na ang pinaka-kinasusuklaman ay ang mga sinungaling. Naniniwala si Zyross na si Victoria ang kaniyang childhood sweetheart, ang kaisa-isang liwanag sa kaniyang madilim na mundo.

​Ngunit paano kung ang matamis na pagsasama ay mabahiran ng katotohanan? Ano ang sasapit kay Victoria kapag natuklasan ng "Demonyo" na ang babaeng kaniyang pinoprotektahan ay isa lamang impostora?

​Sa mundong binuo sa kasinungalingan, kamatayan ba ang magiging kapalit ng kaniyang pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Third POV "Ano ka bang bata ka at palagi mo na lang pinapasakit ang ulo ko!" Nagagalit na sabi ni Nana Puring kay Victoria, nang puntahan niya ito sa barangay. Nakulong lang naman kasi ang dalagita dahil sa pandurukot na naman nila ng mga kasamahan niya. "Sinabi ko na kasi sa'yo na huwag ka ng sumama-sama riyan sa grupo ni Patrick. Bakit ba ang tigas ng ulo mo na bata ka? Akala ko naroon ka sa paaralan subalit lumiban ka na naman para sumama diyan sa grupo ni Patrick!" Paninermon pa rin ni Nana Puring sa alaga niya. Nakasimangot ang mga nguso ni Victoria, habang pinapagalitan nito ni Nana Puring. Nakayuko ang dalagita habang lumalabas sila sa sa opisina ni Kapitan. Nasangkot na naman kasi ito sa gulo. Nahuli ang mga kasamahan niya, at itinuro siya na siya ang nanguha ng pitaka ng isang mama na dayo lang din sa lugar nila. Siya nga ang kumuha ng pitaka at agad niya itong ibinigay sa mga kasamahan niya, subalit nahuli ang mga ito kaya nadamay na rin siya. "Sorry po, Nana Puring. Hindi na po mauulit," hingi ng paumanhin ng dalagita sa Yaya niya na kasama niya mula pa noong sanggol siya. "Palagi ka naman ganyan, Toyang. Hihingi ka sa akin ng sorry, sasabihin mo hindi na uulit, pero sa susunod na araw uulit ka na naman. Ano na lang ba ang gagawin ko sa iyong bata ka? Aba'y gusto mo yatang manirahan na lang sa kulungan habang buhay?" walang tigil na panenermon sa kanya ni Nana Puring. "Saka na po ako titira sa kulungan Nana Puring, kapag napatay ko na po ang mga pumatay sa mga magulang ko," sagot pa nito sa matanda na siya namang ikinagulat ni Nana Puring. Hindi iyon inaasahan ni Nana Puring, na sasabihin iyon ni Victoria. "Masama iyang iniisip mo, iha. Ipasa-Diyos mo na lang ang mga gumawa noon sa mga magulang mo. Ilang imbestigador na ang binayaran ko upang hanapin ang mga pumatay sa magulang mo, subalit wala man lang silang mahanap na lead kung sino," sabi ni Nana Puring sa bata. Nagpara ng tricycle si Nana Puring, at sumakay na sila ni Victoria. ''May palatandaan po ako kung sino ang pumatay sa mga magulang ko, Nana Puring. Nakita ko po ang tattoo niya sa kamay na isang cross at my ahas na nakapalupot roon. Tapos may nakasulat pa roon sa gilid na T-gang," wika pa ni Victoria sa Nana Puring niya. Naabutan niya noon kung paano pinagbabaril na walang awa ang kaniyang mga magulang. Simula noon nangaako siya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at hahanapin ang pumatay sa kaniyang mga magulang. "Kalimutan mo na iyon, iha. Mabuhay na lang tayo na tahimik. Mag-aral ka ng mabuti para pagdating ng araw, mapapatakbo mo ng maayos ang mga negosyo at mga ari-arian na iniwan sa'yo ng mga magulang mo," pagpapayo sa kanya ni Nana Puring, at hinaplos pa nito ang kanyang ulo. Simula ng mamatay ang kanyang mga magulang ay hindi na siya naalis sa pangangalaga ni Nana Puring. Para na siyang anak kung ituring ni Nana Puring dahil wala namang asawa at anak ang Yaya niya. Labing anim na taon na ngayon si Victoria. Subalit kahit isang sandali hindi niya kinalimutan ang pag-iisip na maghihiganti siya sa pumatay sa kanyang mga magulang. Kaya kahit bata pa lang siya ay sumali siya sa mga tournament sa paaralan. At pagtungtong niya ng high school, ay sumabak siya sa Arnis tournament. Pati ang taekwondo ay hindi niya rin iyon pinalampas. Palagi siyang nananalo. Habang nag-aaral siya sa high school sikreto siyang nagbabayad sa mga nagtuturo sa kanya sa karate at sa aikido. Lahat ng uri ng karate ay gusto niyang pag-aralan. Palagi na lang sumasakit ang ulo ng Nana Puring niya sa kanya, subalit hindi mapigil ni Nana Puring ang kagustuhan ni Victoria. Natatakot na nga si Nana Puring, dahil nasasangkot na ang alaga niya sa gulo. Ilang beses niya na itong sinundo sa barangay. "Kapag inulit mo pa ito, Toynang. Ipapakulong na talaga kita," pananakot sa kanya ni Nana Puring. "Pangako po Nana Puring, hindi ko na po uulitin," sabay taas niya ng kanyang kaliwang kamay sa matanda na sumusumpa na hindi na uulitin ang ginawa. Bumuntong hininga ng malalim ang matanda. "O, sige. Maghain ka na at kakain na tayo," utos sa kanya ng matanda. Sinunod naman ni Victoria, ang utos na iyon sa kaniya ni Nana Puring. Kumain silang dalawa. Kinabukasan fiesta sa bayan ng Roxas, kaya hindi pinalampas ni Victoria, ang mga nakakaaliw na palabas sa plaza. Kasama niya si Patrick, ang kababata niya. "Nagugutom ako, Patrick. May pera ka ba riyan?" tanong ni Victoria sa binatilyo. "Alam mo naman na binawi ang wallet na nadukot mo kahahapon. Kung hindi lang sana kumanta si Basilio, eh 'di, sana tiba-tiba tayo," sabi naman ni Patrick kay Victoria. Napahawak si Victoria sa kaniyang tiyan, talagang nagugutom na siya. Saktong-sakto at may misa ngayon. "Dito ka lang muna Patrick, ha? Sasamba lang ako, magbabawas lang ako ng kasalanan ko," paalam ni Victoria kay Patrick. "Sige, rito lang ako. Manonood lang ako ng mga palabas," tugon naman ni Patrick sa kaniya. Pumasok na nga si Victoria sa simbahan. Pumwesto siya sa isang bakanteng upuan na malapit sa Gobernador at sa mga bisita nito. Nag-sign of the cross si Victoria, ng makita niya ang nakausling wallet ng bisita ng Gobernador. Kung hindi siya magkamali parang labing-walong gulang na ang isa sa mga bisita ng Gobernador. Unti-unting lumapit si Victoria sa likod ng binata. Walang kahirap-hirap na dinukot niya ang wallet ng binata. Nag-sign of the cross siya bago lumabas ng simbahan. Nakangiti habang patungo siya sa banyo. Pagdating sa banyo binuksan niya ang wallet. Tumambad sa kanya ang sampung libo na nakalagay sa wallet pati ang lisensya ng binata. Namangha si Victoria, sa larawan na nakita niya roon. Medyo kupas na ang larawan na iyon subalit may nakapangalan doon. 'Zyross love Victoria' medyo kinilig pa siya ng mabasa ang pangalan na nakasulat sa larawan. Isang batang babae at batang lalaki ang nasa larawan kung hindi siya nagkamali Victoria, rin ang pangalan ng babae at Zyross, ang pangalan ng lalaki. Kinuha ni Victoria, ang pera subalit tinago naman niya sa kaniyang bag ang wallet. Lumabas siya ng banyo at kumaha ng isang libo. Pagkatapos ay nagtungo siya kay Patrick. "Patrick sa'yo na itong isang libo, oh! Bumili ka ng gusto mo uuwi na ako," paalam niya kay Patrick. Nagtataka na tinanggap ni Patrick ang pera na inabot niya. "Nandukot ka? Magkano 'yong nakuha mo?" tanong ni Patrick sa kaniya. "2,000 lang hati na tayo. Ikaw na lang ang bahala magbigay sa mga grupo. Sabihin mo kay Basilio, salamat kamo sa panlalaglag niya sa akin. Hindi muna ako sasama sa susunod ninyong lakad dahil mag-aaral muna ako," sabi ni Victoria kay Patrick. Hindi alam ng binatilyo na sampung libo ang nakuha ni Victoria sa wallet na iyon. Nakakunot non na lang si Patrick na tumingin kay Victoria habang paalis na ito. Umuwi si Victoria at itinago niya ang wallet na iyon na kinupit niya. Ilang sandali pa ang lumipas ay nag-order siya sa online ng hamburger at fried chicken. Wala si Nana Puring. Nasa plaza rin marahil ito at nanonood ng mga palabas. Pagsapit ng hapon hapong-hapo si Nana Puring na dumating. "Toyang, nariyan ka ba?" Narinig ni Victoria. Toyang, ang tawag na iyon ni Nana Puring sa kanya. Si Nana Puring, lang talaga ang pinahintulutan niya na tawagin siyang Toyang. Subalit kapag ibang tao na ay nagagalit na siya. Para sa kanya kasi panlalambing lang iyon ni Nana Puring sa kaniya. Lumabas siya ng kaniyang silid habang gulo-gulo ang kanyang mga buhok. "Bakit po, Nana?" tanong niya sa kaniyang yaya, habang kinukusot niya ang kanyang mga mata. "Lumabas ka ba ng bahay," tanong ni Nana Puring sa kaniya, habang nanlalaki ang mga mata nito. Nakunot ang noo ni Victoria. "Lumabas po ako kanina, Nana. Kasi nandilig ako ng mga halaman," sagot niya sa kaniyang Nana Puring. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Pumunta ka ba sa plaza?" Tumango-tango si Victoria, kaya lalo na namang sumakit ang ulo ni Nana Puring. "Pumunta po ako kanina, Nana. Pero umuwi rin ako kaagad kasi nagutom ako. Bakit po ba, Nana? May problema po ba?" tanong pa ni Victoria sa matanda. "Malaki talagang problema dahil nadukutan ng walletbang anak ng bisita ni Gobernador. Kaya lahat ng mandurukot pinapatawag ni Gobernadir, at isa ka na roon. Kaya sabihin mo nga sa akin ang totoo may kinalaman ka na naman ba sa pagdukot doon sa anak ng bisita ng gobernador?" Nangongonsuming tanong ni Nana Puring sa alaga niya. Agad na umiling-ilig si Victoria, sa tanong na iyon ng kanyang Nana Puring. "Wala po akong kinalaman doon, Nana Puring. Maghapon po akong tulog dito sa bahay," katwiran ni Victoria. Kung titigan mo siya parang napakainosente niyang bata. At sino ba naman ang maniniwala na isa siyang mandurukot dito sa bayan ng Roxas? "Huwag ka na sa akin mangatwirain! Magbihis ka na at humarap ka doon kay gobernador. Puro na lang sakit sa ulo ang binibigay mo sa akin na bata ka," utos sa kanya ni Nana Puring . Habang pakamot-kamot naman ito ng kanyang ulo. Ilan sandali pa dumating ang mga tanod ng barangay at ang first konsehal. "Nana Puring?" tawag ng konsehal. "Oh, bakit po? Pasok po muna kayo," anyaya naman ni Nana Poring sa mga ito. "Huwag na po Nana Puring. Pinapaimbitahan po pala ni Kap ang dalagita ninyo para humarap po doon kay gobernador," sabi ng first konsehal kay Nana Puring. "Pinapabihis ko na nga po, saglit lang! Maupo po muna kayo konsehal," alok ni Nana Puring sa mga taga barangay. Ilan sandali pa lumabas na si Victoria. Suot nito ang mini skirt niya at hanging blouse. Alam niya rin kasi na baka makaharap niya ang dinukutan niya gusto niyang magpa-impress dito. "Ano ba 'yang suot mong bata ka? Palitan mo nga iyan," saway sa kanya ni Nana Puring. "Maganda naman po ang suot ko, Nana Puring. Ayos lang po ito sa akin," pagmamatigas naman ng dalagita. "Hayaan niyo na po, Nana Puring ang suot ni Victoria. Baka naghihintay na si Gobernador," sabi ni konsehal. Wala na ngang nagawa si Nana Puring, kundi samahan na lamang ang alaga niya. Sumakay sila sa patrol na dala ng barangay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.4K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook