Magbasa ayon sà gusto ng isipan huwag sa mabigat ang kalooban.
Dahil ako ay nagsusulat lang ayon sa aking kinahihiligan.
Libreng mang-bash pero katamtaman lang.
___Ravenababe
“Choose me or lose me. I’m not a backup plan and definitely not a second choice.”
Part 2 of Mr. Johnson: The Secret Billionaire in Maharlika. -SPG
Ano man katatag ang pagsasama at pagmamahalan ng mag-asawa kung may salot na sisira sa inyong dalawa, mawawasak ang itinayo ninyong pamilya. Buong akala ni Crystal, lubusan na siyang maging masaya nang alukin siya ni Reynold ng kasal. Sa apat na taon nila bilang mag-asawa masaya naman silang nagsasama. Subalit kahit ano pa katatag ang pagmamahal nila kung may salot na sisira sa pagsasama nila at maging marupok ang isa, masisira at masisisira ang pamilya na itinatag nila. Paano ni Crystal kakayanin ang lahat ng pagsubok sa buhay niya? Masakit bilang ina ang mawalay sa mga anak. Subalit mas masakit kung araw-araw na lang dinudurog ang puso niya dahil sa asawang lubos niyang minahal subalit inakala niyang pinagtaksilan siya.
#My Dangerous Lover contest. Babaeng nagrebelde sa kaniyang ama at sumanib sa kalaban ng kaniyang ama at napunta sa Secret Black Market. Isang pangit na doktor at CEO ang bibili sa kaniya. Subalit paano kung ang misyon niya patayin ang Doktor na nagligtas sa buhay niya? Piking kamatayan, tatsulok na pag-ibig, aagawin ang lahat para lang mapasa kaniya ang babaeng inibig, ngunit binalewala niya noon. Muling mabubuhay upang itama ang pagkakamali. Isang Prinsipe na halos mawalan ng buhay upang mailigtas lamang ang babaeng minamahal. Kilalanin Si Alvira Bianco Eacobar at Si Lander Mariano Diez Bilang si Vitorio Casadie: The beast Boss of KOW DARK ROMANCE
Blurb
Sa likod ng kaniyang mukha may mga nakatagong sekreto. Ang buhay ng tao nakasalalay sa mga kamay niya. Siya si Doktor Lander Diez. Isang gwapong doktor na kinababaliwan ng maraming babae. Ang akala ng iba isa lang siyang simpleng doktor, subalit ang tunay niyang pagkatao puno ng misteryo. Bukod sa guwapo niyang mukha nagiging pangit ito kapag may gustong manakit sa kaniya lalo na sa mahal niya sa buhay. Sa likod ng kaniyang pagkatao makilala si Vitorio Casadie ang lalaking walang awa kung pumatay at walang sinasanto. Paano kung ang babaeng umalay ng katawan nito sa kaniya bilang si Dr. Lander Diez ay siya pa lang papatay sa kaniya? Ano ang gagawin niya kung malaman na ang Killer Queen na lagi niyang kasama sa kama ay ang babaeng mahal siya at kinaiinisan niya? Mahuhulog kaya si Lander kapag nalaman na si Alvira Bianco Escobar ang Killer Queen ng buhay niya?
Alvira Bianco sa unang pagkakataon tumibok ang puso niya kay Lander Diez. Tumakas sa ama upang maiwasan ang ipapakasal sa kaniya at sumama sa kaibigan niya sa Amerika. Subalit magbabago ang kapalaran niya nang mamatay ang kaibigan niya. Mula sa babaeng inosente magiging hired killer siya at wala rin siyang awa kung pumatay. Gusto na umalis ni Alvira sa organisasyon dahil natuklasan niya ang nangyari sa likod ng kamatayan ng kaniyang kaibigan. Subalit paano kung ang huli niyang mission at kapalit ng kalayaan niya ang patayin si Vitorio Casadie? Magagawa kayang patayin ni Alvira si Vitorio kung malaman niya ang tunay nitong pagkatao? O siya ang mahuhulog sa patibong ni Vitorio at siya ang papatayin nito sa sarap sa kama?
Isang pagkakamali ang nagawa ni Olivia Eunice na isinuko ang sarili sa isang tao na hindi naman niya kilala. Nagbunga ang nangyari sa kanila ni Alexander. Ikinasal sila para hindi maging bastardo ang anak nilang dalawa at ayaw ng pamilya Moran na madungisan ang iniingat-ingatan nilang pangalan, kaya pilit nila na ipakasal si Alexander kay Olivia.
Subalit paano kung kailan na kasal si Alexander, saka naman niya malaman na buntis din pala ang kaniyang nobya? Ano ang gagawin ni Alexander at sino ang pipiliin niya? Ang asawa niya na ngayon niya lang nakilala? O ang kasintahan na noon pa lang ay child hood sweetheart niya na at pinangakuang papakasalan kapag lumaki na sila? Paano kung malaman ni Alexander ang katotohanan na iba pala ang taong inalayan niya ng kaniyang pagmamahal? At kung kailan nalaman niya ang totoo saka naman siya iniwan ng asawa niya dahil sa pananakit niya sa damdamin nito? Ano ang gagawin ni Alexander kung ang tunay niya pa lang minahal ay dumating na sa buhay niya subalit pinakawalan niya pa ito. May pag-asa pa ba siya sa puso ng minamahal niya o tuluyan na siya nitong kamumuhian.
Abangan ang buhay ni Alexander Moran at Olivia Eunice sa My Husband Greatest Love (Las Palmas Series 1”)
SPG-Ngipin sa ngipin, mata sa mata, laman sa laman, walang titigil hangga't walang masasaktan at masasawi sa kanila. Ubusan ng lahi hangga't walang matitira sa bawat isa. Gano'n ang pamilya Escobar at pamilya Diez.
Si Angela ang nagd*sa sa kas*lanan ng kaniyang ama na si Lucio Diez. Ang akala ni Darius si Lucio ang pumatay sa kasintahan niya. Bukod pa roon kitang-kita ni Darius noong bata pa siya kung paano utusan ni Lucio na g*h*sain ang kaniyang ina. Sa mura niyang edad nais niya makapagh*ga*nti sa mga tauhan at kay Lucio mismo. Nang malaman ni Darius na may nag-iisang anak na babae si Lucio, iyon ang ginamit niya upang paghiga*nt*iha*n si Lucio Diez. Subalit sa hindi inaasahan nagustuhan siya ng dalaga at kusa nitong ibinigay ang sarili kay Darius nang malasing ang binata. Pinalabas ni Darius sa pamilya Diez na pin*tay niya si Angela. Subalit nalaman ni Darius ang buong katotohanan na walang kinalaman si Lucio sa pagka*ma*t*ay ng kaniyang kasintahan. At ang buo niyang pinasisishan ay nas*akta*n niya na ang kalooban at physical ang anak ni Lucio na si Angela. Bilang pambawi sa mga kasalanan na nagawa niya sa dalaga binalik niya ito sa pamilya Diez at bumalik siya sa Italy upang makalimutan ang nangyari. Subalit ilang taon ang nakalipas muli silang pinagtagpo ni Angela at may anak na ito at siya ang ama. Mapapatawad kaya siya ni Angela at matatanggap kaya siya ni Daniela na kanilang makulit na anak kapag nagpakilala siya sa anak nila ni Angela na siya ang ama nito? Magkakaroon kaya ng kapa*tawa*ran ang lahat ng kas*am*aan na ginawa ni Darius kay Angela? Saan hahantong ang lahat sa kanilang dalawa kung tadhana na ang naglapit sa kanila?
Abangan ang The Vengeance of the Mafia Lord.
Warning: May mga salitang brutal at pangyayari na hindi angkop sa murang edad na mambabasa. Ang pangyayari, lugar, pangalan at kaganapan sa kuwentong ito ay pawang likhang isip lamang at hindi sinasadya kung may pangyayari sa totoong buhay.
SPG- Ikakasal na sana si Shany sa anak ng kaibigan ng kaniyang mga magulang nang maisipan niyang magbakasyon muna mag-isa bago siya ikasal. Sa buong buhay niya pakiramdam niya ngayon lang siya nakalaya nang payagan siyang magbakasyon mag-isa ng mga magulang niya. Subalit isang trahedya ang naganap sa kaniya. Na-crash ang helicopter na sinasakyan niya at masuiwerte siya na nakatalon siya at buhay pa na bumagksak sa lupa. Natagpuan siya ni Lorenzo sa kakahuyan at dinala sa bahay nito. Nang maimulat ni Shany ang kaniyang mga mata hindi siya makapaniwala na ang lalake na nakapulot sa kaniya ay ang lalaking matagal niya ng crush at laging nasa panaginip niya. Nagpanggap siyang walang maalala upang manatili siya sa piling ng binata at matakasan ang kasal na inaalok ng mga magulang niya sa kaniya. Pinili niya na manatili sa piling ng lalakeng gusto niya, subalit nalaman niya na may iba ng tinitibok ang puso ng binata. Inalok siya ng kasal ni Lorenzo upang panagutan ang nangyari sa kanilang dalawa. Pumayag siya na magpaksal sa binata kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang pagmamahal niyang iyon kay Lorenzo. Sa pitong buwan na paninirahan ni Shany sa piling ni Lorenzo, iniwan niya ito nang malaman niya na nakipagbalikan ito sa dating ex-girlfriend nito. Umalis siya upang baguhin ang yugto ng kaniyang buhay, ngunit sa muli nilang pagkikita ano ang mangyayari kung sila pala ang itinadhana ng mga magulang nila na ikasal sa isa't isa? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagtatagpo?
Hanggang kailan mo ipaglalaban ang lalaking minamahal mo? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit alam mo na hindi naman talaga ikaw ang mahal niya kundi ang Ate mo.
Buong akala ni Almira papanig sa kaniya ang kapalaran. Nagawa niyang siraan ang relasyon ng Ate Alena niya at sa nobyo nitong si Samuel. Akala niya mamahalin siya ni Samuel nang nagbunga ang nangyari sa kanila. Ikinasal nga siya sa binata subalit pagtitiis at pagdurusa naman ang naranasan niya sa piling ni Samuel. Hanggang kailan siya sa tabi ni Samuel? Hanggang kailan siya aasa na mamahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa Ate niya? Hanggang kailan niya iibigin si Samuel, kung wala naman itong pag-ibig sa kaniya?
SPG
Patnubay ng bukas na kaisipan ay kailangan. Read at your own risk. Kung hindi kaya ang mga eksina ay manahimik at matulog na lang.
Plagiarism is a crime
Pagkakamali ang tingin ni Ruby Rose sa pagmamahal na nararamdaman niya para kay Enrico. Kailan man ay hindi nababagay ang isang alipin sa isang katulad ni Enrico na mayaman at kayang bilhin pati ang buhay niya.
Ang buhay niya na puno ng mga pangarap para sa kanilang mag-ama ay biglang naglaho. Ang pag-iibigan nila ni Enrico, biglang mapapalitan ng galit at sama ng loob dahil sa kalupitan ng binata. Paano mapatawad ni Ruby Rose si Enrico, kung matuklasan niya ang lalaking minahal ay siyang naging dahilan ng pagkawalay nilang mag-ama?
At ito rin ang dahilan na muntik na silang mapahamak mag-ama pati ng mga sanggol na nasa sinapupunan niya.
Paano harapin ni Enrico ang babaeng lubos na minahal kung anak pala ito ng tao na muntik niya na ipapatay? May pag-asa pa kaya na lumigaya sila o wawakasan na ang lahat sa kanilang dalawa?
Sa Mundong ito puno ng paghihirap, sasayaw ka na lang kasabay ng alon sa dagat. Aanurin ka ng nagraragasang tubig sa ilog at ihahampas sa masilamuot na hinaharap. Ang yaman, salapi at karangyaan hindi sapat na kaligayahan para sa taong naghahanap ng tunay na pagmamahal. Ganiyan ang nararamdaman ni Emerald sa kaniyang buhay. Ang tanging hangad niya lang malaman ang tunay niyang pagkatao. Paano kung sa kabila ng paghahanap niya sa tunay niyang mga magulang matutuklasan niya ang tinatagong lihim ng lalaking lubos siyang minahal? Saan hahantong ang lahat sa kanila ni Daniel Carters; Ang lalaking magbibigay daan upang makilala niya ang kaniyang pinagmulan, subalit ang lalaking ito rin ang dudurog ng kaniyang puso. Masisilayan kayang muli ni Daniel ang mga matamis na ngiti ni Emerald, kung puno ng galit ang nararamdaman ng puso ng asawa para sa kaniya?
Abangan ang kuwento ng pag-ibig ni Daniel at Emerald dito sa Holand Series. Mr. Carters: The Sinful Business Tycoon (Holand Series 11)
Kapag minalas ka nga naman tuloy-tuloy pa. Ninakaw na nga ang bagay na iniingatan mo ng matagal, nag-iwan pa siya ng bagay na makapagpapaalala sa isang gabi mong katangahan. Nabuntis ka lang naman ng isang misteryosong lalake na nagsamantala sa’yo at dinala ka sa isang hotel. At dahil sa kalasingan mo wala kang magawa kundi matangay ng espirito ng kamunduhan. Ang masaklap pa kahit mukha niya hindi mo maalala dahil sa sobrang kalasingan. At ito pa ang pinakamalala, nabuntis na nga at nanganak ka pinalayas ka pa ng tiyahin mong akala mo palaging may regla. Itong baliw mo kasing kaibigan na si Emerald kung makayaya, wagas! Minsan na lang nga kayo magkita iiwanan ka na lang bigla! Kaya, ayon kung sinong demonyong nilalang ang bigla na lang bumitbit sa’yo at kunin na lang basta-basta ang iniingatan mong katawan. Sa isang gabing katangahan nag-iwan pa ng kamalasan. Paano mo hahanapin ang ama ng iyong anak kung ang tanging singsing lamang ang kaniyang iniwan?
Description
Hindi lahat ng relasyon ay perpekto. Mayroong mga tukso na dumadating sa pagmamahalan ninyo. Sa bawat relasyon ay maraming pagsubok ang pinagdadaanan bago masabi na matibay ang pagmamahalan ninyo.
Paano kung dumating sa punto na bigla na lang mawala ang pagmamahal mo sa kaniya at itinulak mo siya palayo? Ngunit kung kailan nakahanap na siya ng higit sa 'yo ay doon mo marerealize na kailangan mo pala siya, at ang pagmamahal na akala mong wala na ay nariyan pa pala?
Ano ang gagawin mo kung natukso na siya sa iba at nahanap niya rito ang pagkukulang mo? Paano kung kailan nasa piling na siya ng iba ay saka mo mararamdaman na hindi mo kayang mabuhay na wala siya? Kung kailan na handa na siyang lumigaya ay saka mo naman naisip na hindi mo kayang makita na masaya siya kasama ng iba?
Handa ka bang palayain siya? O aagawin mo na lang siya mula sa bago niyang kapiling? Kaya mo bang magpakumbaba at bawiin ang lalaking pagmamay-ari mo noon? Kaya mo kayang makisama muli sa kaniya kahit iba na ang tinitibok ng kaniyang puso?
Paano kung makatagpo ka ng isang secretary na maganda, sexy at habulin ng lalaki ngunit wala naman itong common sense in short tanga? 'Yong gusto mo na siyang sipain palabas ng opisina ngunit hindi mo magawa dahil ito ang lucky charm mo sa tuwing may bidding na gaganapin ay nanalo ka. Masasabi mo sana na perpekto na ito ngunit yon nga lang at may katangahan ito. 'Yong tipong ang ganda na ng paliwanag mo sa kaniya ay hindi niya naman naiintindihan lahat. Hanggang kailan mo pagtiyagaan ang ganitong uri ng secretary? Lahat yata ng katangahan ay sinalo niya. Matatanong mo na lang sa isip mo kung may utak ba talaga ito o wala na?
Ngunit paano kung ang kaniyang katangahan ay matutuklasan mo na may malalim pa lang dahilan? Intindihin mo na lang kaya siya o hayaan na lamang siya? Paano kung sa kabila ng kaniyang katangahan ay mahulog ka na lang sa angkin niyang kagandahan?
"I may look ugly in your eyes, but eventually, you will love me still." That’s what Thalia said to her mate, Alpha Aldric. Thalia grow up in the orphanage after her parents died. She becomes Omega despite being born with Gamma blood from her father and Alpha blood from her mother. It is because she is ugly due to the curse of her father's ex-girlfriend, a witch. She thought her destiny will change once she meet her mate. That turned out to be just the beginning of her intense suffering because her mate did not accept her ugly appearance. How can she make the Alpha of Blood Rose fall in love with her if he treats her worse than the Omega? What is the cure for the curse that will help her to turn back her true beauty? Follow the lives of Thalia and Alpha Aldric here in The Alpha and His Ugly Luna.
Julie Ann Celikol & Mark Navarro.
Sa edad kong 35 ay kailangan ko ng madiligan. Dahil kung hindi ay baka mamatay na lang ako sa mundo na hindi matikman ang biyaya ng kalangitan. At 'yong sinasabi nila na masarap marating ang langit. Kaya, naman nang makita ko si Mark Navarro ay hindi ko na mapigilan na humanga sa kaniya. Kaya, nang magkaroon kami ng pagkakataon ay hindi na ako nagpakipot pa nang yayain niya akong makipag-s*x sa kangkongan. Tatanggihan ko pa ba ang alok niyang langit sa akin? Kahit na alam kong matanda ako sa kaniya ng pitong taon ay wala akong pakialam. Basta matikman ko lang ang langit na sinasabi nila.
Ngunit paano kung dumating ang araw na malaman ko na may girlfriend na pala siya? Lalayo na lang ba ako kung siya na mismo ang tumataboy sa akin? O ipaglalaban ko ang kabaliwan ko sa kaniya? Lalo na kung hinahanap-hanap ko na ang langit na pinagsaluhan namin.
Abangan ang kuwento namin ni Mark sa Cougar Series.
Isang bulag na bilyonaryo at isang simpleng dalaga ang pagtatagpuin ng tadhana. May mawawala ngunit may higit na darating. Magsasakripisyo ang isa para muling makakita ang minamahal. Sa muling pagkakita ng bulag na mga mata ay hindi na makikita ang tunay na minamahal at aalis ang nagpapanggap lang. Pag-ibig sa una ay masaya lang subalit magbabago ang lahat kapag ang katutuhanan ay lilitaw. Sa muling pagtatagpo ay paano ipapaliwanag kung paano kayo nagkaroon ng mga anak kung hindi ka man lang niya nakilala at ngayon ka lang niya nakita? Saan magsisimula at paano harapin ang galit ng isang bulag na muling nakakita?
Abangan ang kwento ni Rafael Morisson at Elena Welson sa Las Palmas Series 2
SPG read at your own risk not edited so bahala na kayo umintindi.
Jasmine Delatore, siya ang anak mayaman na papalit-palit ng boyfriend. Subalit hindi lahat ng lalake ay magugustuhan siya. Wala na yatang mas masakit pa kung ang lalake na pinakasalan niya ay hindi siya gusto at may mahal na itong iba. Simula nang ikinasal sila ni Mike, malamig na ang pakikitungo nito sa kaniya. Hanggang kailan ni Jasmine hihintayin ang pag-ibig ni Mike? May pag-asa ba na liligaya siya sa piling nito? O matatapos ang kasal nila sa hiwalayan? Gayo'ng ang sarili niyang mga magulang ay itinakwil siya dahil sa inakala ng mga ito na nagtaksil siya kay Mike. Paano patunayan ni Jasmine sa kaniyang asawa at mga magulang niya na hindi siya nagtaksil? Mapapatawad pa ba niya ang mga taong dapat sana iyon ang karamay niya sa paghihirap niya?
Para kay Zoey hindi basihan ang mukha para mahalin mo ang isang tao ng tapat at totoo. Sa kabila ng lahat na kasungitan ng kaniyang asawa na si Raydin Zayn Harris at sa kapangitan nito ay pinatunayan ni Zoey na handa niya itong mahalin ano man ang mukha nito. Para sa kaniya ang pag-ibig walang pinipili. Guwapo man o pangit kung titibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito.
Sa kabila ng pag-ibig ni Zoey kay Raydin, galit naman at puot ang naramdaman ni Raydin Zayn kay Zoey dahil sa pagkawala ng kakambal niyang si Raynier. Binago niya ang kaniyang mukha upang gawing miserable ang buhay ni Zoey. Paano kung sa kabila ng kabaitan ni Zoey ay puro lang pala kasinungalingan ang sinasabi ng mga tao sa paligid niya? Mapapatawad pa kaya niya si Raydin kapag natuklasan niya ang buong katotohanan sa likod ng mukha nito?
# Desperate wife
Don't trust too much
Don't love too much
Don't hope too much
Because that ''too much'' can hurt you so much.
Masama ba na agawin ang boyfriend ng matalik mong kaibigan? Masama ba magmahal at tikman kung ano ang lasa ng pag-ibig na ikaw lang ang nakakaramdam? Para kay Cristy, huwag magmahal ng sobra, huwag umasa sa pagmamahal na hindi naman para sa kaniya, at huwag magtiwala ng labis sa iniisip na mamahalin ka rin ng taong lubos mong minahal. Dahil ang labis na pagmamahal may kakambal na kabiguan at sa huli ikaw din ang labis na masasakta. Iyon ang naranasan ni Cristy sa piling ni Janzel. Matapos niyang ibigay sa binata ang kaniyang sarili ng buong-buo kahit iba ang tinitibok ng puso nito, umaasa pa rin siya na mamahalin siya nito. Sa bawat araw na magkasama sila umaasa siya na mahalin din siya ni Janzel, katulad ng pagmamahal nito sa matalik niyang kaibigan na si Jasmine. Subalit sabi nga nila hindi natuturuan ang puso. Ipagpatuloy niya kaya ang pagmamahal na siya lang ang lumalaban kahit wala naman talaga siyang kalaban-laban? Hanggang kailan siya magiging desperada sa pagmamahal na gusto niyang maasam mula kay Janzel? May pag-asa pa ba na liligaya siya sa piling nito o papalayain niya na lang ito?
Pag-ibig na susubukan ng langit. Huhusgahan ang pagkatao ng minamahal dahil lang sa maling narinig. Maghihiwalay na puro puot ang mararamdaman sa isa't isa. Mulling pagtatagpuin ng kapalaran upang itama ang maling iniisip. Hanggang kailan magmamatígas ang puso ng bawat isa? At hanggang kailan magtitiis, at mangungulila ang nagkamali ng inaakala? Saan hahantong ang kanilang pagmamahalan? May pag-asa pa ba na magkaayos sila, kung ang nasa puso ng isa ay puro puot at galit na lang ang nararamdaman? Paano ni Crystal muling paiibigin si Reynold? Mapapatawad pa kaya siya ni Reynold sa mga maling panghuhusga niya sa taong lubos siyang minahal noon? Subalit paano siya mapapatawad kung labis siya nitong kinakasuklaman ngayon?
EROTIC ROMANCE- SPG
COLLABORATION WITH
Dani Alba
Ms_julieAnn
Silvermixt
Ms. Sagittarius
Spg
Paano kung nasa edad 35 years ka na ay hindi ka pa rin nadidiligan? 'Yong tipong mga kaibigan mo ay nakapag-asawa at may mga anak na. Samantalang ikaw ay still virgin pa.
Paano kung sa isang gabing nalasing ka ay naisuko mo na lang ang virginity mo sa hindi mo kilalang tao? At ang masklap pa ay nagising ka na lang sa gitna ng mga badjang na parang si Eva na walang saplot sa katawan. Pero saan si Adan na kasama mo nang gabing iyon?
At sino siya? Saan siya galing? Ano ang mukha niya? 'Yan ang mga katanungan sa katulad kong nalasing at nilasing sa isang kaligayahan na akala ko ay panaginip lang.
SPG
Si Jasmine Delatore ay nagmahal lang naman sa isang lalaking walang ginawa kundi insultuhin ang pagkatao niya. Sa kabila ng pasakit na idinulot sa kaniya ng kaniyang asawa na si Mike Buenaventura ay nagawa niya itong tanggapin muli. Sa lahat ng mga pinagdaanan niya ay lalo siyang naging matatag, matapang, at handang lumaban at bumangon mula sa pagkadapa.
Ang mahalaga sa kaniya ay ang mga taong nasa paligid niya na nagmamahal sa kaniya. Kaya kahit anong problema ang dumating sa buhay nila ng kaniyang asawa na si Mike ay hindi siya sumuko. Lalo na at nawalan ng ala-ala si Mike at naging malamig ulit ang pakikitungo nito sa kaniya. Pero sa halip na sumuko siya ay lumaban siya. Mapapasuko niya ba sa kaniya ang asawa niya? Ano ang gagawin niya sa asawa niya upang ito naman ang magiging baliw na baliw sa kaniya?
Abangan ang paghihiganting gagawin ni Jasmine sa kaniyang asawa na si Mike Buenaventura.
SPG
Paano kung nahulog ka sa isang patibong na hindi mo inaasahan na kagagawan ng lalaking akala mo ay minahal ka? Pero 'yon pala ay puno nang paghihiganti ang nasa isip at puso niya.Paano ka pa makakabangon kung dinorog ka na niya ng palihim? Gayo'ng mahal mo na siya nang higit pa sa buhay mo.
Paano na kung kaylan na may dinadala ka ng sanggol sa sinapupunan mo ay saka mo pa nalaman ang totoong binabalak niya sa'yo?
Ituloy mo pa kaya ang pinagbubuntis mo sa lalaking nanloko at nanakit sa puso mo? Na ama ng magiging anak mo na siyang mag-uugnay ulit sa inyo o ipalaglag mo na lang para tuluyan mo na siyang makalimutan? Nang sa gano'n ay maghilom na ang sugat na siyang may kagagawan. Maghihilom nga ba o lalo pang lalalim ang sugat na dinulot niya sa'yo sa muli niyong pagtatagpo? May puwang pa kaya para sa inyong dalawa? Gayo'ng isinilang mo ang mga sanggol na nabuo sa paghihiganti ng ama nila para sa nobya niyang namatay nang dahil sa kagagawan mo.
Mrs. More: The Queen of my Heart (book 2)
Isang babaeng walang maalala basta na lng siya nagising at naging isang sikat na Fashion designer sa New York. Isang babaeng hindi alam kung ano ang nakaraan niya, hindi alam kung ano ang tunay niyang pagkatao. Nagising sa isang kasinungalingan ng mga taong nakapaligid sa kaniya at lubos niyang pinagkatiwalaan ang daddy niya ang kaibigan niya at ang mama niya. Isang babae na pinagkaitan ng asawa at mga anak, siya si Areana de Villa isang fashion designer na nakatago sa likod ng maskara. At muli pinagtagpo sila ni Finn Gabriel Moore ang may ari ng kumpanyang pinagta-trabahuhan niya sa New York at dito sa Bansang Maharlika sa Holand City. Magbibigay kaya liwanag kay Areana de Villa ang pagkikita nila ni Gabriel? O magdudulot ito ng pagkamuhi sa kaniyang damadamin at sakit na nararamdaman sa kaniyang puso?
SPG
Ang kasal ay isang sagrado na para lang sa mga taong nagmamahalan pero paano kung ikinasal ka na lang sa taong kinaiinisan mo at pareho ninyo hindi mahal ang isa't- isa? lalayo ka ba o patuloy na makisama sa kanya? Gayong ang puso mo ay natuto nang ibigin siya.
Sa unang pagkakataon ay umibig si Gabriel kay Allysa Henderson. Ito ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.Subalit nagbago ang lahat ng malaman niya na anak ito nang taong kinamumuhian niya, ang ama ni Allysa na si Mr. Herman Henderson.
Pinakasalan niya ang dalaga para makahiganti sa ama nito.
Ang buong akala niya ay inagaw ng ama nito ang kumpanyang pinaghirapan ng ama niya. At naging sanhi ng pagkamatay ng ama niya.
Natutunan siyang mahalin ni Allysa subalit pinipigilan ni Gabriel ang nararamdaman para sa asawa.
Pero paano na lang kung dumating ang araw na kung kaylan niya na ito handang mahalin ay saka naman nawala si Allysa sa kanyang piling?
Gagawin kaya niya ang lahat para muling makapiling ang babae o hahayaan niya na lang itong mawala sa kanya?
SPG
Paano kung bigla na lang siya dumating sa buhay mo ngunit bigla na lang rin siya nawala sayo? Ano ang gagawin mo? Subalit makalipas ang panahon ay muling bumalik siya para pahirapan ka.
Si Sheina Del Monte ay nakatira sa Isla Del Monte na pag-aari ng kaniyang papa at ang kambal nito na si Tita niya Luciana.
Lumaki siya sa simpleng pamumuhay lamang pero dumating sa buhay niya si Mr. Henderson na hindi naaalala ang nakaraan dahil nagka-amnesia ito, nagmahalan sila at nagpakasal.
Isang araw ay hindi na bumalik ang lalaki sa kaniya dahil sa pagkakaalam niya ay namatay na ito sa isang aksidente. Ngunit Isang araw ay muli silang pinagtagpo ng tadhana pero hindi na siya nito maalala.Ipaglalaban niya kaya ang sinimulan nilang pagmamahalan noon o lalayo na lang siya dahil sa pananakit nito sa kaniyang damdamin?