bc

A Mountain of Lust: Fernando's Secret Addiction (Series 1)

book_age18+
47
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
escape while being pregnant
fated
forced
second chance
friends to lovers
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
bxg
musclebear
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Paano kung sa tuwing tatawagin ka ng asawa mo sa gabi,

hindi ikaw ang hinahanap ng puso niya, kundi ang ibang pangalan?

Paano kung habang yakap ka niya,

ibang babae ang laman ng isip niya?

Habang ikaw ang nasa ilalim ng mga kamay niya,

Ibang pangalan naman ang binabanggit niya?

Isang asawang minahal nang buong-buo,

pero kalahati lang ang ibinalik.

Isang babaeng natutong manahimik

kahit gabi-gabi niyang nararamdaman

na siya’y pinipili lang, hindi minamahal.

Hanggang kailan ka magpapanggap

na sapat ka,

kung sa bawat gabi

ibang pangalan ang inuusal ng puso niya?

At sa oras na magising ka sa katotohanan

pipiliin mo bang manatili,

o lalabas ka sa kama

na matagal ka nang hindi sigurado kung iyo pa?

Ito ang A Mountain of Lust—kung saan ang pagnanasa ay hindi kahinaan, kundi simula ng kapahamakan.

chap-preview
Free preview
Episode 1
CHAPTER 1 DIANA Bisperas ng kasal ko. Dapat ay abala ako sa paghahanda, sa pagpili ng damit, sa pag-aayos ng buhok at make-up, pero heto ako, nakaupo sa gilid ng kama, nakayakap sa sarili, at pinagmamasdan ang orasan na parang bawat tik-tak nito ay bumibigkas ng aking takot. Bukas, ikakasal ako sa isang lalaki na ni hindi ko pa nakikita, kahit man lang sa larawan. Ang alam ko lang sa kanya ay masungit at pangit, pero mayaman. Ang pangalan ko ay Diana, at sa mga susunod na oras, magiging asawa ako ng isang estranghero. Isang lalaki na pinili ng pamilya ko para sa akin. Para sa kanila, sapat na ang kayamanan niya; para sa akin, isa itong bilang sa kamatayan ng aking sariling kalayaan. Nakatiklop sa tabi ko ang isang maliit na bag na may lamang mga dokumento, pera, at ilang mahahalagang bagay. Wala akong dalang suitcases o mga damit; ang suot ko lang na maxi dress ang kasama ko. Ang simpleng damit na ito ay tila panangga sa lamig ng takot na bumabalot sa akin. Napailing ako sa mga bulong ng mga kamag-anak sa bahay, sa mga kwento na ikinukwento tungkol sa aking magiging asawa. Parang balot ng panghuhusga at pangungutya ang bawat salita, at mas pinipili kong huwag marinig. Mas gugustuhin kong manatili sa katahimikan kaysa pakinggan ang kabuktot ng lipunan sa aking paligid. Sa tahimik ng gabi, may kumatok sa pinto—tatlong maingat na tapik, tila senyales ng isang lihim. “Pasok,” mahina kong sabi. Pumasok si Joy, ang sampung taong gulang kong kapatid. Sa kanyang mga mata, ramdam ko ang tapang at katalinuhan na higit pa sa edad niya. Umakyat siya sa kama, katabi ko, at niyakap ko siya nang marahan. Amoy bata at amoy tahanan pa rin siya, kahit na ang sitwasyon namin ay nagbago na sa isang iglap. “Hindi ka pa rin natutulog, Ate?” tanong niya, tahimik, ngunit may alam na intindi sa aking kalagayan. “Hindi ako inaantok,” sabi ko, kahit pareho naming alam na kasinungalingan iyon. Tahimik kaming nagkatitigan, at sa gitna ng katahimikan, sinimulan ko ang pag-aayos ng mga plano ko. “Joy,” sabi ko, pilit na pinatatatag ang boses ko, “makinig ka mabuti. Habang wala ako, magpakabait ka kay Papa at sa Mommy mo.” Tumango siya, ngunit halata ang alon ng kaba sa kanyang murang mukha. “Bakit parang matagal kang mawawala?” tanong niya. Huminga ako nang malalim. “Kailangan ko lang ayusin ang buhay ko,” sagot ko, at pinisil ang kamay niya para iparamdam ang katatagan sa kabila ng takot. Ang simpleng pagkilos na iyon ay tila nagbibigay sa kanya ng lakas upang maniwala na ang aking desisyon ay tama. “Handa na ‘yung ticket mo?” tanong niya, at alam kong nakahanda na ang lahat para sa aking pagtakas. Isang flight na magdadala sa akin sa kalayaan, kahit na panandalian lamang. Si Joy lang ang nakakaalam ng mga plano ko. Kung ang ibang step sister sa totoong buhay o kwento ay nag-aaway at nagsisiraan, pero kami ni Joy nagdadamayan kahit sampong taong gulang pa lamang siya. Tumango ako, pilit na pinipigil ang luha. Ilang oras na lang, lilipad na ako palayo sa tahanang ito, palayo sa kasal na hindi ko nais, at palayo sa lalaking hindi ko alam at hindi ko pinili. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Ate, mahal na mahal kita,” sabi niya, at halos lumuluha ang kanyang mga mata. “Pero kailangan mong umalis. Para sa sarili mo.” “Hindi kita iniiwan,” sagot ko. “Iniiligtas ko lang ang sarili ko. Pangko magbabalik ako. Magkikita pa tayo.” Sa likod ng kanyang maliit na katawan, nagturo siya sa ruta palabas ng bahay. Alam niya ang lahat ng lihim na paraan, mga pintuan at hagdan na bihira lang gamitin. Ang plano namin ay simple, ngunit puno ng panganib. Habang inilalakad ko ang landas na magdadala sa akin sa gate, ramdam ko ang bawat t***k ng puso ko. Ang hangin ng gabi ay malamig, ngunit mas mainit pa rin sa dibdib ko ang takot at excitement. Isang hakbang, dalawang hakbang, at naramdaman ko na ang bawat segundo ay mahalaga. Dahan-dahang binuksan ni Joy ang gate, at isang huling tingin ang ibinigay niya sa akin, isang tanda ng tapang at pagmamahal na walang kapantay. Pinaikot niya ang susi at bumulong, “Good luck, Ate. Para sa sarili mo. Ayaw ko ikasal ka sa monster na sinasabi nila.” "Mmi-miss kita, Joy. Mahal na mahal kita. Mag-aral ka ng mabuti," sabi ko at isang mahigpit na yakap ang iginawad konsa kaniya. Isang matapis na halik ang idinampi ko sa kaniyang pisngi. Napangiti ako, ngunit ang puso ko ay nanginginig. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa kabilang panig ng mundo, ngunit alam ko na mas gugustuhin kong maging isang estranghero sa buhay ng ibang tao kaysa maging asawa ng isang lalaking hindi ko minahal. Sa taxi na maghahatid sa akin sa airport, ramdam ko ang bawat segundo na lumilipas. Ang lungsod ay tahimik, ang mga ilaw ay kumikislap sa kadiliman, at ang hangin ay nagdadala ng pangako ng bagong simula. May kakaibang excitement sa bawat minutong lumalapit sa flight ko. May pangakong kalayaan sa bawat hininga. Habang pumapasok sa terminal, ang lahat ng nakasanayan kong buhay ay tila naglaho. Ang pamilya, ang kasal na nakalaan para sa akin, at ang lahat ng pangarap na hindi ko pinili—lahat iyon ay nanatiling alaala na lang. Ngayon, ako na lamang si Diana, isang babae na naglalakad patungo sa kanyang sariling kapalaran, bitbit ang maliit na bag na may mahalagang dokumento at pera, at isang puso na handang harapin ang lahat ng panganib para sa kalayaan. Sa harap ng security gate, hinigpitan ko ang strap ng bag, at napalunok ng malalim. Isang flight na lang, at babangon na si Diana mula sa anino ng mga inaasahan ng iba. Hindi na ako nobya ng isang estranghero, hindi na ako sanggol sa mata ng pamilya. Ngayong gabi, isinilang muli ako—bilang isang babae na kumakapit sa kanyang sariling buhay, sa kanyang sariling kalayaan, at sa pangarap na maging tunay na malaya. At sa bawat hakbang na papalapit sa gate, ramdam ko ang t***k ng puso ko na mabilis at matindi, punong-puno ng kaba, excitement, at pangakong hindi na ako babalik sa buhay na hindi ko pinili. Handa na akong sumabak sa bagong simula, handa na akong maging sarili ko, handa na akong lisanin ang lahat ng pumipigil sa akin. Habang naghihintay sa flight ko, tumawag si Tita Leonor. Tinatanong niya kung nasa airport na ba ako, at siya lang ang nakakaalam na tumakas ako. Habang nag-uusap kami sa telepono, biglang may bumangga sa akin—isang lalaking matipuno na tila nagmamadali. Parang wala siyang pakialam, hindi man lang humingi ng sorry, at parang ako pa ang may kasalanan na hindi tumitingin sa dinadaanan niya. "Uy! Watch where you're going!" sabi ko, medyo nagulat at napangiti sa sarili ko sa awkwardness ng banggaan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin sa umpisa, tuloy ang mabilis niyang paglakad. “Sorry, I didn’t see you,” saglit niyang naputol, ngunit may halong iritasyon sa tono. Tiningnan ko siya ng mas maigi. Matangkad, matipuno, may maitim na buhok at matalim na mga mata. Gwapo siya sa paraang hindi basta-basta, pero halata ang galit at sungit sa bawat kilos niya. “Hindi ba kayo tumitingin sa dinadaanan n’yo?” sabi ko, pilit na kalmado kahit inis. Tumingin siya sa akin sa wakas, nagkaroon ng pause. Ang kanyang mga mata ay matalim, tila sinusukat ako sa isang tingin, at may kung anong kakaibang init na dumampi sa puso ko. “Hmm. Well, watch where you’re going next time,” sagot niya, mas malambot sa dulo kaysa sa unang tunog ng boses niya. Hindi man siya ngumiti, ramdam ko ang kakaibang energy na nagpapakilig sa dibdib ko. Napangiti ako, kahit medyo nakakahiya. “Opo, I’ll make sure to watch,” sabi ko, at sa pagdaan niya, ramdam ko ang bawat kilos niya—ang determinasyon, ang tindig, ang paraan ng paghawak sa katawan niya. Parang may hangin na dumampi sa puso ko, isang kakaibang panginginig na hindi ko maipaliwanag. Habang lumalayo siya at tuluyang pumapasok sa arrival area, napapailing na lang ako. Gwapo nga siya, pero sungit. May kung anong bakas na iniwan ang presensya niya sa isipan ko—isang hindi inaasahang kilig at kakaibang curiosity. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa simpleng banggaan lang ay parang may humaplos sa dibdib ko, isang damdaming mabilis dumaan pero tumatak. “Diana? Okay ka lang ba?” biglang tanong ni Tita Leonora mula sa kabilang linya. “Parang may nakausap ka.” Napabuntong-hininga ako at bahagyang napatawa. “May nabangga lang po ako, Tita,” sagot ko. “Isang… arroganteng lalaki. Mukhang nagmamadali. At mukhang laging galit sa mundo.” “May nasaktan ba?” agad niyang tanong, halatang nag-aalala. “Wala naman po,” sagot ko. “Konting gulat lang.” Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. “Mag-ingat ka riyan, hija. At siguraduhin mong makakasakay ka sa flight mo.” “Opo, Tita,” sabi ko, mas mahinahon na ang boses. “Salamat po sa lahat.” “Tumawag ka paglapag mo,” bilin niya. “Opo. Mag-iingat din po kayo,” sagot ko bago tuluyang magpaalam at ibaba ang tawag. Hinigpitan ko ang hawak sa bag ko at patuloy na naglakad, pilit inaalis sa isip ang mukha ng lalaking iyon, kahit hindi ko maitangging may kung anong naiwan siyang bakas sa puso ko. Parang ang sarap naman sa pakiramdam na kusang tumitibok ang puso mo at hindi pilit. 'Yong tipong malaya ka kung sino ang mamahalin mo. Hindi katulad sa bahay na lahat kontrol ng ama ko. Ngayon, ako si Diana—hindi bilang nobya ng estranghero, kundi bilang isang babae na tumakas para sa kalayaan. Ang mundo ay bago, at sa bawat segundo ng flight na ito, nagiging mas malinaw sa akin na ang tunay na pag-ibig sa sarili ay nagsisimula sa pagtakas sa isang kadena ng takot at obligasyon. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin, ngunit nasisigurado ko nahindi ko na palalampasin ang pagkakataon na mabuhay sa sarili kong paraan. Ilang sandali pa ang lumipas sumakay na ako ng eroplano. Ang cabin lights ng eroplano ay kumikislap sa dilim, at sa bawat humahabang tunog ng jet engine, ramdam ko ang bawat pangarap na nagiging realidad. Mas gugustuhin ko pang harapin ang hindi kilalang mundo, kaysa manatili sa kasal na hindi ko gusto. Mas gugustuhin kong maging matapang, kaysa sunod sa takbo ng buhay na pinili ng iba para sa akin. Ngayon, ilang oras na lang, magsisimula ang bagong kabanata ng buhay ko—isang kabanata na isinulat ko para sa sarili ko, at walang makakapigil sa akin. Ang bag ko ay maliit, pero puno ng lahat ng kailangan ko para magsimula muli. Ang puso ko ay puno ng kaba, pero mas malaki pa rin ang pag-asa. Ang bawat t***k ng puso ko ay paalala na ako ay buhay at ako ay malaya. At sa bawat sandali bago umalis ang eroplano, napapangiti ako—dahil sa wakas, si Diana ay nagising mula sa mga pangarap ng iba, at handa nang lumipad patungo sa kanyang sariling kinabukasan. Doon ako paroroon sa Tita ko sa Antique, doon ako magsisimula bilang ako at walang ama na kumokontrol sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mang Julio (SSPG)

read
47.5K
bc

Angkol Douglas (SSPG)

read
30.7K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
103.2K
bc

SECRET AGREEMENT WITH MY HOT BOSS (SSPG)

read
7.8K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
111.9K
bc

Hot Nights with My Ex-Husband

read
112.7K
bc

The Sister's First Love (SPG)

read
73.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook