CHAPTER 2
DIANA
Paglapag ng eroplano sa Iloilo, parang sabay na bumagsak ang bigat na matagal ko nang pasan. Unang beses kong huminga nang maluwag mula nang tumakas ako. Walang magarbong kasuotan, walang alahas, walang kasamang pamilya—ako lang, ang bag kong may lamang dokumento at pera, at ang desisyong binago ang takbo ng buhay ko.
Habang papalabas ako ng arrival area, may narinig akong pamilyar na boses.
“Diana?”
Napalingon ako at nakita si Tita Leonor. Halos tumakbo siya papalapit sa akin, at bago pa ako makapagsalita ay niyakap na niya ako nang mahigpit.
“Salamat sa Diyos, hija. Salamat at ligtas kang nakalapag,” nanginginig niyang sabi.
Hindi ko napigilan ang mapaluha. “Tita…”
Maraming mata ang nakatingin sa amin, pero wala na akong pakialam. Sa yakap na iyon, ramdam ko ang pagtanggap—isang bagay na matagal kong ipinagkait sa sarili ko. Naalala ko si Mommy sa kaniya. Magkahawig sila ng mukha. Si Tita Leonora, kapatid ng Mommy ko. Panganay si Tita Leonor. Matandang dalaga siya.
“Kumustanka na, Iha?” tanong niya habang pinupunasan ang luha ko. “Akala ng guard, anak kita.”
Napangiti ako. “Pwede na rin po,” sagot ko, at sabay kaming natawa.
Sa biyahe namin palabas ng airport, sunod-sunod ang tanong niya.
“Kumain ka na ba?”
“Hindi pa po," sagot ko seryoso.
“Hayaan mo may inihanda akong pagkain. Pero roon na tayo sa bahay kakain," wika niya. Ang tagal na rin namin na hindi nagkita ni Tita.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong niya.
Doon ako napatingin sa bintana ng sasakyan. “Opo, Tita. Ayaw ko na pong bumalik. Ayaw ko makasal sa lalaking hindi ko kilala. At base sa kwento nila ang sungit daw iyon at kinakatakutan ng maram."
Hindi na siya nagtanong pa.
Mula Iloilo, bumiyahe kami patungong Antique. Mahaba ang daan, pero hindi ko naramdamang nakakapagod. Unti-unting nagbago ang tanawin—mula sa siyudad, naging palayan, bundok, at malalawak na damuhan. Ang hangin ay presko, may halong alat ng dagat at bango ng lupa.
“Dito ako nagtatrabaho,” sabi ni Tita Leonor nang tumuro siya sa unahan. “Mountain of Lust ang tawag.”
Napakunot-noo ako. “Mountain of Lust?”
Ngumiti siya. “Huwag ka nang mag-isip ng kung ano. Lumang pangalan na ’yan.”
Pagdating namin sa farm, napaawang ang bibig ko. Malawak ang taniman ng tubo, umaabot hanggang sa paanan ng bundok. May mais at mani sa kabilang bahagi. Sa unahan, tanaw ang dagat—asul, payapa, at parang walang katapusan.
Paglapit namin sa bahay, lalo akong namangha. Isa itong malaking bahay na yari sa kahoy at bato, simple pero elegante ang disenyo. Malapad ang veranda sa harap, may mga upuang kawayan at lumang mesa na tila saksi sa maraming umaga at hapon ng katahimikan. Bukás ang mga bintana, at malayang pumapasok ang hangin-dagat, dala ang amoy ng alat at sariwang simoy ng probinsya.
Pagpasok namin sa loob, agad akong sinalubong ng malamig na hangin at liwanag ng araw na pumapasok mula sa malalaking bintana. Mataas ang kisame, may mga lumang kahoy na biga na halatang matibay at inaalagaan. Simple ang mga kasangkapan—isang mahabang mesa sa gitna, ilang upuang kahoy, at mga antigong kabinet na puno ng pinggang puti at tasa na may bitak na ngunit malinis.
Sa dingding ay may mga lumang larawan ng farm at ng dagat—mga alaalang tahimik na nakabitin, parang binubulong ang kasaysayan ng lugar. Sa bandang likod ng bahay, tanaw mula sa bintana ang malawak na taniman ng tubo, mais, at mani, na para bang walang hanggan ang lupang sinasakop nito.
“Dito ka muna,” sabi ni Tita Leonor habang itinuturo ang isang maliit ngunit maaliwalas na silid. May simpleng kama, puting kurtina, at bintanang direktang nakaharap sa dagat.
Tumango ako, bahagyang napangiti.
Sa loob ng bahay na iyon, sa harap ng dagat at bukirin, pakiramdam ko’y unti-unti kong natatagpuan ang katahimikang matagal kong hinahanap—isang tahanang hindi ko inaasahang makikita.
“Ang ganda…” bulong ko.
“Heto ang damit ko,n" sabi ni Tita Leonor habang inaabot sa akin ang isang daster. Galing siya sa kabilang silid. “Pasensya ka na, ’yan lang muna ang suotin mo. Bukas pupunta tayo sa bayan para bumili ng mga damit mo.
“Okay lang po itong damit mo, Tita.” sagot ko. “Salamatnpo talaga.”
Nang gabing iyon, nag-usap kami sa malaiit na kusina sa pang katulong. Malaki naman kasi doon sa dining area.
“Ano ang plano mo, Diana?” tanong ni Tita.
Huminga ako nang malalim. “Dito muna po ako sa inyo. Tutulong ako sa farm. Gusto kong magtrabaho, Tita. Gusto kong magsimula ulit. Sabi ko habang naghahanda siya bg makain namin.
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. “Pwede ka rito. Wala ang amo ko ngayon—nasa Maynila. Hindi ko rin alam kung kailan babalik. Basta, kapag dumating siya dito ka lang sa kusina, ayaw niya kasi na may ibang tao na pumaroon parito sa loob ng bahay kapag nandito siya," sabi ni Yaya. Inilapag niya ang platera na may lamang kanin. " Sinabi ko na rin sa kaniya na may pamangkin ako na pupunta rito."
“Salamat po.”
Sa unang pagkakataon parang may nabunot na ilang tinik sa dibdib ko. At makakatulog na rin ako ng mahimbing.
Kinabukasan maaga akong nagising sa ingay ng mga tauhan. Alas kwarto pa lang ng umaga gising na ang mga tao rito.
Iminulat ko ang aking mga mata. Nanatili pa rin ako sa aking higaan. Naririnig ko ang kwentuhan nila.
"Sana hindi masungit 'yong mapapangasawa ni Boss," narinig kong sabi ng isang boses ng matandang lalaki.
"Sana nga. At sana hindi na magsusungit si Boss. Simula ng mag-asawa ang girlfriend niya ng iba, nagiging masungit na siya at hindi palakibi," boses naman ng isang babae.
Iniunat ko ang aking mga kamay, saka bumangon. Dumiretso ako sa kusina, kung saan naririnig ko ang mga tawanan at usapan nika.
Apat silang nakaupo sa lamesa. Pang lima kay Tita. Isang matandang lalaki at isang matandang babae. Isang dalaga at isang binata na halos kasing edad ko.
Napako ang paningin nila sa akin. Parang ngayon lang sila nakakita ng maganda😂.
"Good morning." Ako na ang unang bumati sa kanila.
"G-good morning, Ma'am. A-akala namin-"
"Pamangkin ko iyan," agad na putol ni Tita sa matandang lalaki na siguro pitongput taong gulang.
"Gising ka na pala, Iha. Halika magkape ka. Ano ang gusto mo? Gusto mo ba ng cocoa?" tanong ni Tita sa akin.
"Kahit ano lang po," nakangiti kong sagot kay Tita. Hindi pa ako nakapagmumog, kaya tipid lang akong ngumiti sa mga naroon.
Habang nagtatagis si Yaya ng cocoa sa mug ipinakilala niya ako sa mga kasamahan niya.
"Si Diana pala, pamangkin ko. Diana, si Manong Juan, si Manang Solidad, si Zanjo at Andria."
"Kumusta po kayo?" nakangiti kong bati sa kanila.
"Napakaganda mo naman, Diana. Ang puti-puti mo pa. Pwede mo ba akong turuan paano pumuti?" nakangiting tanong ni Andria sa akin.
Hindi pa nga ako nakasagot, sumabat na si Zanjo. "Nako, Andria. Hindi ka na matablan ng kahit anong pampaputi."
Inirapan ni Andrea ang pangangatyaw ni Zanjo sa kaniya.
"Tatay, oh! Si Zanjo," sumbong ni Andrea kay Manong Juan.
"Kayong magpinsan tumigil nga kayo. Parang wala kayong kinatandaan," saway sa kanila ni Manang Solidad.
"Mauna na ako sa inyo. Diana, kung may kailangan ka huwag kang mahiyanmagsabi sa akin," nakangiting wika ni Zanjo sa akin. Tumango ako at ngumiti rin sa kaniya, bago ko tinikman ang cocoa na bigay ni Tita sa akin.
"Sos, pa cute ka pa kay Diana. Hindi ka bagay sa kaniya, unggoy!" Pahabol pang sabi ni Andrea kay Zanjo.
Napapangiti na lang ako sa kanila. Parang napakagaan ng buhay dito sa probensya. Para akong nakatakas sa isang bilangguan na walang ibang batas kundi si Daddy. Siya ang palaging nasusunod. At sigurado akong isusumpa niya ako bilang anak niya kapag nalaman nila na tumakas ako.
Ngayong araw dapat ang kasal ko sa isang lalaking kahit minsan ay hindi ko pa nakita o nakilala. Kung hindi ako tumakas, malamang ay suot ko ngayon ang puting bestida—nakangiti sa harap ng altar, habang unti-unting namamatay ang sarili ko sa loob.
Pero heto ako ngayon, nakaupo sa mesa sa kusina, humihigop ng mainit na coca na nilaga ni Tita Leonor, habang dinig ang hampas ng alon mula sa labas. Sa harap ng bahay may malawak na dagat. Pero sa tawid ng highway.
“Malalim yata iniisip mo,” sabi ni Andrea habang inaayos ang tasa niya.
Napalingon ako sa kanya. “Ah… wala lang. Iniisip ko lang kung gaano kabilis magbago ang buhay.”
Ngumiti siya, parang may nababasang hindi ko sinasabi. “Gusto mo bang maglakad sa dagat?” aya niya. “Low tide ngayon.”
Parang biglang lumiwanag ang umaga ko. “Talaga?” sabi ko, hindi maitago ang tuwa. “Gusto ko talaga ang dagat.”
Tumawa siya. “Halata nga. Tara.”
Lumabas kami sa gate at tumawid sa kalsada. Naglakad kami patungo sa dalampasigan. Mababa ang tubig, at lantad ang mga batuhan at buhanginan na puno ng kabibe. Yumuko agad si Andrea at may dinampot.
“O, tingnan mo,” sabi niya sabay abot sa akin ng maliit na shell. “Kapag wala kaming ulam, dito kami nangunguha.”
Napanganga ako. “Talaga? Kinakain ’yan?”
“Oo naman,” sagot niya na parang normal na normal lang. “Sinigang, ginisa, minsan inihaw. Depende kung ano ang trip.”
Napatawa ako habang yumuyuko rin para mamulot. “Grabe… sa amin, pang-display lang ’to.”
“Dito,” sabi niya, “kahit simpleng bagay, may silbi.”
Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Tama iyon, hindi lang tungkol sa shell.
“Tuwang-tuwa ka yata,” tukso niya.
“Hindi ko alam kung bakit,” sagot ko, hawak ang mga shell sa palad ko, “pero pakiramdam ko, ang gaan ng dibdib ko.”
Ngumiti siya. “Ganyan talaga ang dagat. Kinukuha niya ang bigat, kahit hindi mo sabihin.”
Tumingin ako sa malayo, sa lawak ng asul na parang walang hanggan.
“Salamat,” bulong ko.
“Para saan?” tanong niya.
“Sa pagdadala sa akin dito.”
Hindi na siya sumagot. Ngumiti lang siya, at sabay kaming naglakad sa mababaw na tubig, habang ang araw ay dahan-dahang umaakyat at sa bawat hakbang ko sa buhangin, pakiramdam ko’y mas palayo ako sa buhay na hindi ko pinili.
May dala si Andrea na plastic. Lahat ng napupulot namin inilagay niya roon.
"Alam mo, parang ayaw ko na umalis sa lugar na ito. Napakaganda rito. Parang ang gaan ng buhay," Nakangiti kong sabi kay Andrea, habang may hinuhukay siya sa buhangin.
"Maganda talaga rito. Sinasamantala ko nga na pumunta rito habang bakasyon pa. Kasi kapag pasukan babalik ulit ako sa Iloilo."
Napatango ako sa sinabi niya. "Nag-aaral ka?" tanong ko.
"Oo, ga-graduate na ako sa susunod na taon sa kurso kong engineering," sagot niya sa akin. "Huminto kasi ako sa pag-aaral dahil kapos sa pera," dugtong niya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Mabuti at nagpatuloy ka," sabi ko sa kaniya.
"Mabuti kamo isa ako sa napili na scholar ng isa sa mga anak ni Mr. Edward Raval," sabi niya kahit hindi ko kilala ang tinutukoy niya.
"Gano'n ba? Mabuti kung gano'n," sabi ko at nagpatuloy kami sa pagpulit ng mga shells.
***
Lumipas ang dalawang araw na puno ng simpleng gawain—pagwawalis, pag-aayos ng ani, pakikinig sa kwento ng mga tao sa farm. Tahimik ang lugar. Walang sigawan, walang utos na may halong galit. Parang gumagaan ang dibdib ko araw-araw.
Maaga akong nagising isang umaga at nagpasiyang pumunta sa dagat. Wala si Andrea. Sa bayan daw ito natulog. Pag-apak ko sa dalampasigan. Malamig ang buhangin sa paa ko. Tahimik ang paligid, tanging hampas ng alon ang maririnig.
May napansin akong bangka na paparating.
Tumigil ako.
Nang bumaba ang sakay, napaawang ang labi ko.
Isang binata—matangkad, matipuno, walang suot na pang-itaas. Pawis at tubig-dagat ang bumabalot sa katawan niya. May hawak siyang balde na punô ng isda.
Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nanlamig ang katawan ko. Pamilyar ang mukha niya.
Parang pasan niya ang buong mundo sa balikat. Malalim ang mga mata, mabigat ang tindig. Dumaan lang siya sa tabi ko, ni hindi ako sinulyapan.
At doon ko naalala. Siya ang lalaking nakabangga ko sa airport.
“Hindi maaari…” bulong ko.
Naglakad siya palayo, tahimik, malamig, parang may galit na ayaw ilabas. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
"Taga rito siya?" tanong ko sa aking sarili. Sinundan ko siya ng aking paningin. Hanggang sa umahon siya sa kalsada.
Nakita ko si Zanjo na nagtatalinng bangka. Pero hindi na ako lumapit upang magtanong kung sino ang lalaking kasama nila.