Episode 3

1124 Words
CHAPTER 3 Diana Tahimik ang daan pauwi mula sa dagat. Magkatabi kaming naglalakad ni Andrea, bitbit ang maliit na timba ng mga shell na nakuha namin habang low tide. Basa pa ang laylayan ng daster ko, at may buhangin ang pagitan ng mga daliri ko sa paa, pero kakaiba ang gaan ng pakiramdam ko. Matagal na rin noong huli akong nakaramdam ng ganitong katahimikan, 'yong tipong hindi mo kailangang tumakbo, hindi mo kailangang magpanggap, at higit sa lahat, walang humahabol na obligasyong ayaw mong harapin. “Masarap talaga dito, no?” sabi ko, basag ang katahimikan. Ngumiti si Andrea. “Oo. Kaya kahit mahirap ang trabaho, tinitiis ng mga magulang ko. Iba ang hangin dito. Parang hinuhugasan ka.” Kung alam lang niya kung gaano karumi ang pakiramdam kong dumating dito, takot, pagod, at punô ng tanong kung tama ba ang pagtakas ko. Pagdating namin sa bahay kung saan namamasukan si Tita Leonora, agad na lumihis si Andrea. “Dito na ako, ah. Magluluto pa ako ng pagkain. Hati tayo sa nakuha natin,” sabi niya bago tuluyang pumasok sa sarili nilang maliit na bahay sa bandang kanan ng hacienda. “O sige. Salamat kanina,” sagot ko. Naiwan akong mag-isa, hawak ang timba ng shell. Diretso akong pumasok sa kusina ng malaking bahay. Tahimik. Walang ilaw. Walang bakas ni Tita Leonora. “Mukhang wala pa si Tita,” bulong ko sa sarili. Hindi ko na inisip pang ilagay sa ibang lalagyan ang mga shell. Pagod na rin ako at wala namang nagsabi kung saan dapat. Kaya inilagay ko na lang ang mga iyon sa lababo, binuksan sandali ang gripo para mahugasan ang buhangin, saka isinara. Pagkatapos, dumiretso na ako sa silid na pansamantala kong tinutuluyan. Humiga ako sa kama, kinuha ang cellphone, at nagbukas ng online novel—isang love story na pilit kong inuunawa pero paulit-ulit lang lumulutang sa isip ko ang isang tanong: Ano kaya kung natuloy ang kasal ko sa isang lalaking ni minsan hindi ko nakita, hindi ko nakilala, at hindi ko minahal. Napapikit ako sandali. Kung hindi ako tumakas, baka nakulong na ako sa isang relasyon na hindi ko ginusto, siguro kasama ko na ang lalaking ni minsan hindi ko pa nakita. Isang malakas na lagabog ang biglang umalingawngaw mula sa kusina. Kasunod noon ay isang malutong na pagmumura ng isang lalaki. “Ano bang—!” Napabalikwas ako sa kama. Kinabahan ako. Wala si Tita Leonora. At siguradong hindi iyon si Andrea. Agad akong lumabas ng silid. Pagdating ko sa kusina, lumaki ang mga mata ko Ang lalaki. Ang lalaking nakabangga ko sa airport. Ang lalaking nakita kong bumaba sa bangka kanina lang. Nakatayo siya sa gitna ng kusina, hubad ang pang-itaas, at wala ring suot na pang-ibaba. Basa ang buhok, tila kakagaling lang sa dagat. Hawak niya ang isang basag na pinggan, at may bahid ng galit ang mga mata niya. Natulala ako. Literal. Hindi dahil wala siyang suot bagamat oo, malaking dahilan iyon, kundi dahil sa presensiya niya. Parang puno siya ng bigat. Parang kahit ang hangin sa paligid niya ay takot gumalaw. Bigla siyang lumingon sa akin. “Ikaw ba ang naglagay niyan?!” pasigaw niyang tanong, sabay turo sa lababo. Nataranta ako. “A-ano?” nauutal kong sagot. “'Yong mga shell!” tanong niya ulit. “Ikaw ba?!” Tumango ako. “O-opo!” Lumaki ang mga mata niya sa galit. “Alam mo bang gumagapang ‘yan?!” galit niyang sabi. “Naapakan ko!” Parang gusto kong maglaho sa hiya at takot. “P-pasensya na hindi ko po alam na gumagapang mga 'yan. Hindi ka kasi tumingin sa a DE ang panga niya. Magsasalita sana siya nang biglang dumating si Tita Leonora, hingal na hingal. “Anong nangyayari rito?” tanong niya, agad na tumingin sa amin. “Auntie Leonora,” mariing sabi ng lalaki, “ang pamangkin mo nilagay ang mga shell sa lababo. Gumapang, kaya ayan! Muntik na akong nadapa at nasugatan!” Napaawang ang bibig ko. Gusto kong sabihin na ang tanga naman niya dahil tumitingin sa dinadaanan niya. Pero bakit alam niya na pamangkin ako ni Tita Leonora? Hindi kaya siya ang amo ni Tita Leonora? Paano niya nalaman? Humingi agad ng paumanhin si Tita Leonora. “Pasensya ka na, Fernando. Hindi niya alam.” Fernando? So, iyon ang pangalan niya. Napasimangot ako. Gwapo sana matangkad, matipuno, matalim ang mga mata, pero napakasungit. Hindi ko napigilan ang sarili ko. “Hindi mo naman kailangang sigawan ako,” sabi ko, matigas ang tono. "Saka kasalanan mo rin dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." Biglang humarap sa akin si Fernando. “At hindi mo kailangang magkalat ng kung anu-ano sa kusinang hindi mo bahay.” “Excuse me?” uminit ang ulo ko. “Kung umasta ka akala mo kung sino—” “Sino ka ba?” direkta kong tanong, bago pa makapagsalita si Tita Leonora. Sasagot sana si Tita, pero nauna si Fernando. “Ako ang tauhan sa hacienda na ito,” malamig niyang sabi. “At ako ang pinagkatiwalaan ng bahay habang wala ang amo.” Napangisi ako ng pilit. “Tauhan lang pala,” sabi ko, hindi na maitago ang irita. “Pero kung umasta ka parang ikaw ang may-ari.” “Diana,” saway ni Tita Leonora. Pero huli na. Lumapit si Fernando, hanggang sa isang hakbang na lang ang pagitan namin. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang galit na halos pisilin ang hangin. “Ayusin mo ang pamangkin mo, Auntie Leonor” sabi niya kay Tita Leonora, hindi inaalis ang tingin sa akin. “Dahil kung hindi, itatapon ko siya sa dagat ng buhay.” Parang may humigpit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung pananakot ba iyon o babala. Pagkasabi noon, lumabas siya ng bahay. Napakuyom ang kamao ko. “Ano bang problema niya?!” galit kong tanong. Napabuntong-hininga si Tita Leonora. “Si Fernando ‘yon.” “So?” balik ko. “Umiwas ka sa kanya,” mariing bilin ni Tita. Napakunot ang noo ko. “Bakit?” “Masungit ‘yon. Walang trabahador dito ang kasundo niya.” Tumaas ang kilay ko. Sa kabila ng inis ko, may kung anong kakaibang hamon ang umusbong sa dibdib ko. “Kaya ko siyang paamuhin,” sabi ko, may kumpiyansang hindi ko alam kung saan nanggaling. Napailing si Tita Leonora. “Mapapahiya ka lang, hija.” Hindi ako sumagot. Pero sa loob-loob ko may kung anong damdamin akong nararamdaman sa kaniya. May problema lang siguro siya, kaya ganoon siya kasungit. Sa isip ko mapapaamonkonrin siya. Hindi ako tumakas mula sa isang kasal para lang matakot sa isang lalaking hubad, masungit, at punô ng galit. Kung siya ang unang unos sa Mountain of Lust, Handa akong salubungin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD