Episode 4

1675 Words
Chapter 4 Diana Mabilis na lumipas ang mga araw linggo, at halos isang buwan na ako rito sa Hacienda Raval. Sa bawat araw na lumilipas unti-unti ko rin natutunan ang pamumuhay rito, oo iba siya sa buhay ko sa Maynila, subalit dito walang tumidikta kung ano ang gagawin ko, walang nagpe-pressure sa akin na dapat pakasalan ko ang isang tao na hindi ko naman kilala. Dito malaya kong magagawa ang gusto ko. Sa umaga tanging huni ng mga ibon ang naririnig ko at sariwang hangin ang nalalanghap ko. Maaga akong nagising, dito pa lang sa aking silid na amoy ko na ang barakong kape na pinitas galing sa puno, patutuyuin, isasangag pagkatapos bayuhin at ilalaga. Pagdating ko sa kusina naabutan ko si Fernando, nagkakape siya at may pandesal. Bihira lang siya pumupunta rito. "Good morning," bati ko sa kanya kahit na hindi niya ako pinapansin. As usual malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Para bang galit siya sa mundo. Tumayo siya, hindi man lang gumanti ng bati sa akin. "Antie Leonor, pakihatiran mo na lang ako ng pagkain sa bukid," sabi niya kay Tita Leonora, parang hindi niya ako nakikita. "Sige, iho," tugon ni tita sa kanya habang abala ito sa pagsasaing. Kinuha niya ang tasa ng kanyang kape at bitbit din ang isang balot ng pandesal saka lumabas ng kusina. Napabuntong hininga na lang ako at lumapit kay Tita Leonor. "Gising ka na pala, iha. May cocoa riyan sa maliit na thermos nilaga ko na. Ikaw na ang magtimpla akong lalagyan mo ng fresh milk." Ngumiti ako at kinuha ang thermos. Kumuha rin ako ng tasa at isinalis roon ang mainit pa na cocoa. "Tita, bakit ba napakasungit ni Fernando? Galit ba siya sa akin?" tanong ko kay Tita. "Sa tuwing pumupunta siya rito at binabati ko, hindi man lang niya ako pinapansin." Nilagay ni Tita sa ang kaldero sa kalan. "Gano'n talaga si Fernando. Ayaw niya sa mga babae na kumikiringking. At ayaw niya rin sa mga babae na nagpapapansin sa kaniya,'' sabi ni Tita at nagbukas siya ng ref. "Kaya ikaw kung ano man ang nararamdaman mo sa kanya huwag mo nang ituloy. Mabibigo ka lang. Kumusta na ka pala? Tumawag ka ba sa inyo?" Napabuntong hininga ako. Ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa bahay. Alam ko naman na ayos lang sila. At alam ko okay lang si Joy, hindi naman siya pababayaan ng Mommy niya. At bahala si daddy na mag-isip kung nasaan ako. Hindi ako magpapatali sa isang relasyon na hindi ko naman gusto. Pagkatapos kong lagyan ng fresh milk ang cocoa umupo ako. "Tita, ayaw kong tumawag sa bahay. Hayaan mo muna na namnamin ko ang buhay dito sa probinsya. Saka tungkol kay Fernando, pasasaan ba at lalambot din ang puso niya," sabi ko kay Tita habang nakangiti. Hindi ako susuko hangga't hindi ako mapapansin ni Fernando. "Naku, ikaw! Huwag ka nang umasa na mapansin ka pa ni Fernando. Mailap sa babae iyon." Kibit balikat lang ako sa sinabi ni Yaya. Sandali lang akong napangiti sa sinabi ni Yaya, pero sa loob-loob ko, may apoy na hindi ko kayang patayin. Hindi ako susuko. Hindi ngayon. Hindi kailanman. Hindi ko rin maipaliwanag kung kailan at paano nagsimula—basta isang araw, paggising ko, pangalan na niya ang unang pumasok sa isip ko. Si Fernando, tahimik siya, mailap, at mapanganib kung tititigan. Parang bundok na hindi mo alam kung yayakapin ka o lulunurin sa bangin kapag sinubukan mong akyatin. At ako? Ako ang babaeng handang umakyat kahit duguin ang mga paa basta maabot lang siya. Hindi pa ako kailanman nakaramdam ng ganito. Hindi sa mga manliligaw sa Maynila. Hindi sa mga lalaking pilit ipinapakilala sa akin ni Daddy. Ngayon lang—ngayong nandito ako sa lugar na akala ko’y pansamantala lang. Pero parang gusto ko na lang habang buhay dito tumira. Humigop ako ng mainit na cocoa. Kumalat ang init sa dibdib ko, pero hindi pa rin sapat para pakalmahin ang kabog ng puso ko. Para bang may sariling isip ang damdamin ko, ayaw magpigil, ayaw makinig sa saway. Matapos uminom, kinuha ko ang walis. Ang tunog ng tambo sa lupa ay paulit-ulit, halos nakakabingi sa katahimikan ng umaga. Pagkatapos ko magwalis diniligan ko ang mga halaman sa harap ng bahay mga halamang matagal nang nandito, matatag, sanay sa araw at ulan. Saglit akong napatigil. Ganito kaya si Fernando? Matatag, tahimik, pero kapag napabayaan tinutusok ng tinik. “Diana.” Napalingon ako. Si Tita Leonora. May bitbit na basket, natatakpan ng puting tela. Alam ko na ang laman ng basket kahit hindi ko silipin. “Aalis po kayo?” tanong ko. “Oo,” sagot niya. “Dadalhan ko lang ng pagkain si Fernando sa kubo.” Parang may pumitik sa loob ng dibdib ko. “Ako na po,” mabilis kong sabi sabay lapit. Kinuha ko ang basket bago pa siya makatanggi. “May gagawin pa po kayo, ’di ba? Ako na lang.” “Diana—” “Sandali lang po,” giit ko, may ngiting hindi ko mapigilan. “Gusto ko rin pong maglakad-lakad.” Tiningnan niya ako, parang binabasa ang laman ng isip ko. Sa huli, bumuntong-hininga siya. “Bahala ka. Pero mag-ingat ka roon.” Tumango ako. Hindi ko na napigilan ang ngiting sumilay sa labi ko. Tuwang-tuwa akong nagtungo sa tubuhan. Mahaba ang lakad, at habang papalapit ako sa paanan ng bundok na tinatawag nilang A Mountain of Lust, lalo kong nararamdaman ang kaba. Ang hangin dito ay iba, mas mabigat, mas mainit. Parang may lihim na nag-aabang sa bawat hakbang. Kahit medyo malayo ang kubo ni Fernando, ayos lang. Sa bawat yabag, iniisip ko ang mukha niya. Ang mga matang parang laging may galit kahit wala naman akong ginawa. Ang boses na mababa, may bigat, at kayang patahimikin ang buong paligid. Pagdating ko roon, tumigil ako. Nandoon siya. Sa camarin, ang gilingan ng tubo na ginagawang asukal. Pawis ang noo, hubad ang braso, bakat ang bawat galaw ng kalamnan. Para akong nakalimot huminga. “Fernando,” tawag ko, halos pabulong. Lumingon siya. Madilim ang tingin niya sa akin, parang ulap na handang magbuhos ng ulan. Ngunit agad din siyang lumapit, mabilis ang hakbang. “Bakit ikaw ang nagdala niyan?” singhal niya sa akin. Napaurong ako nang bahagya, pero pinilit kong maging matatag. “May ginagawa po si Tita. Kaya ako na ang nagdala ng pagkain mo. Isa pa wala naman akong ginagawa.” Kinuha niya ang basket nang may diin, halos mabitawan ko. Hindi niya ako tiningnan. Parang hangin lang ako sa harap niya. “Umalis ka na,” malamig niyang sabi. Parang sinampal ako ng hangin. Pero hindi ko nagawang gumalaw. “Bakit?” tanong ko, mas matapang kaysa sa nararamdaman ko. “Ano bang nagawa ko sa’yo?” Huminto siya. Lumingon muli ngayon, mas madilim ang mga mata. “Ayaw ko sa mga babaeng papansin.” Tumayo ako nang tuwid. “Hindi ako nagpapapansin. Gusto ko lang mamasyal dito sa tubuhan. Saka dinalhan ka na nga ng pagkain ang sungit mo pa. At gusto lang naman kita makilala.” Isang mapait na tawa ang lumabas sa labi niya. “Wala akong interes na makilala ka.” Para akong sinaksak, pero hindi ako umatras. Sa halip, may init na umakyat sa ulo ko. “Bakit ka ba ganyan?” tanong ko. “Ano bang problema mo sa akin?” Lumapit siya, halos magkadikit na kami. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang amoy ng asukal at pawis. “Umalis ka,” mariin niyang sabi. Sa inis ko at para bang napapahiya ako, at may konting kirot akong naramdaman, may kung anong pumutok sa loob ko. “Siguro bakla ka,” bigla kong nasabi. Nanlaki ang mga mata niya. Nandilim ang paningin niya—literal kong nakita ang pagbabago. “Ano’ng sinabi mo?” tanong niya, mababa ang boses, pero puno ng babala. Hindi ako umatras. “Narinig mo ako. Bakla ka siguro kaya ayaw mo sa babae. Lalaki ang gusto mo.” Sa isang iglap, na-corner niya ako sa pader ng camarin. Isang kamay niya ang nakapwesto sa gilid ng ulo ko, ang isa’y nakahawak sa pader. Wala akong takas. Mabilis ang t***k ng puso ko. Hindi sa takot lang, kundi sa kung anong mas delikado. “Ulitin mo,” bulong niya, halos sa labi ko na. “Bak—” Hindi ko na natapos. Hinila niya ako at hinalikan nang mariin. Napasinghap ako. Nagulat at nanigas. Ang labi niya ay mainit, mapang-angkin, parang gustong patunayan ang isang bagay. Ang mundo ay parang umikot. Ang lahat ng tunog ay naglaho. Ang bilis ng t***k ng puso ko—parang sasabog. Bumitaw siya bigla. Nanlalaki ang mga mata ko, nanginginig ang mga tuhod. “Masarap ba?” tanong niya, may ngising mapanganib. “Masarap ba ang halik ng isang bakla?” Hindi ako nakasagot. Ang isip ko’y magulo. At may bahagi sa akin na ayaw aminin ang naramdaman. Sa gulat at galit, nasampal ko siya. Pak! Saglit siyang natigilan. Pero sa halip na umatras, muli niya akong hinila, mas mariin, mas mapangahas. Ang halik ay mas malalim, mas mapusok. Para bang gusto niyang burahin ang lahat ng sinabi ko, ang lahat ng akusasyon. Hindi ko alam kung paano ako tutugon. Ang isang bahagi ko’y gustong itulak siya. Ang isa’y parang ayaw na matapos ang sandaling iyon. Nang bumitaw siya, pareho kaming hinihingal. “Umalis ka,” ulit niya, pero ngayon, may kakaibang tono—parang galit na may halong bagay na hindi niya kayang pangalanan. Tinitigan ko siya, nanginginig ang dibdib ko. Agad akong tumakbo sa sobrang hiya. Hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik sa malaking bahay. Naramdaman ko pa rin ang halik niya sa labi ko. Nang malayo na ako, napahinto ako. Halos maubos ang hininga io. Hapong-hapo ako, pero bandang huli napangiti ako at napahawak sa aking labi, na para bang naroon pa rin labi niya sa labi ko. Gusto kong kiligin, may kung anong init ang dumaloy sa buo kong pagkatao. "Mapapaamo rin kita Fernado. Mapapasaakin ka rin." Tanging nasabi ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD