Episode 5

2183 Words
CHAPTER 5 Fernando Tahimik ang paligid, pero magulo ang isip ko. Nakaupo ako sa baitang ng aking kubo, nakayuko, nakasandal ang mga siko sa tuhod. Humugot ako ng malalim na hininga, saka dahan-dahang pinakawalan, parang umaasang kasama ng hangin ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Pero gaya ng nakaraan, wala ring nagbago. Napapunas ako sa aking labi. Mainit pa sa alaala ang pakiramdam—ang biglang pagkadampi, ang pagkagulat, ang sandaling hindi ko naisip kung sino ako at kung sino siya. Ang labi ng pamangkin ni Auntie Leonor. Hindi ko man binibigkas ang pangalan niya sa isip ko, malinaw na malinaw pa rin ang itsura ng mga mata niyang nagulat, ang paghinto ng mundo sa isang iglap. Gusto ko lang bigyan siya ng leksyon sa pagsabi niya na bakla ako. Alam kong isang malaking pagkakamali ang ginawa kong paghalik sa kanya. Isang pagkakamaling hindi ko inaasahan at mas lalong hindi ko hinanap. Ilang buwan na ang nakalipas mula nang tuluyan kong ilibing sa puso ko ang dalawang taong minsang bumuo ng mundo ko—ang kasintahan ko at ang sarili kong kuya. Sa isip ko, patay na sila. Mas madaling isipin iyon kaysa tanggapin ang katotohanang buhay sila at pinili nila ang desisyong pumatay sa akin araw-araw. Tumayo ako at dumiretso sa gawaan ng tubo. Kinuha ko ang itak, sinimulang hiwain ang mga tubo, paulit-ulit, mekanikal. Ang tunog ng paghiwa, ang amoy ng sariwang katas ng tubo, ang pawis na tumutulo sa aking sentido—lahat iyon ay pamilyar. Dito ko ibinubuhos ang galit na hindi ko mailabas. Dito ko pinapatay ang mga alaala. Pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin sila. Habang gumigiling ang pandurog ng tubo, unti-unting bumalik ang nakaraan mga alaalang pilit kong tinakasan pero kusang sumusulpot kapag hindi ko inaasahan. Masayang tumatakbo si Clarisa sa paanan ng bundok. Naririnig ko ang halakhak niya, malinaw, malaya. Ang buhok niyang mahaba ay hinahampas ng hangin habang tinatanaw namin ang malawak na dagat sa malayo. Asul na asul noon ang langit, at pakiramdam ko’y walang pwedeng sumira sa amin. “Fernando! Hindi mo ako mahahabol!” sigaw niya habang tumatawa. “Sigurado ka?” sagot ko, sabay bilis ng takbo. Nang mahuli ko siya, binuhat ko siya nang paikot-ikot. Natawa siya nang malakas, napahawak sa balikat ko, at sa sandaling iyon, pakiramdam ko’y hawak ko ang buong mundo. Umupo kami sa damuhan, hingalin, pawisan, masaya. Nakayakap siya sa akin, ang ulo niya’y nakasandal sa dibdib ko. Nakatanaw kami sa dagat habang pinapangarap ang bukas—ang simpleng buhay, ang malaking bahay, ang pagtanda naming magkasama. “Dito tayo tatanda,” bulong niya noon. Tumango ako. “Kahit saan basta kasama ka.” Puno kami ng pangarap. Puno ng paniniwala. Hanggang sa biglang nagbago ang lahat. Dumating ang ama ni Clarisa—matigas ang mukha, mabigat ang presensya. Kasunod niya ang Kuya Leonardo ko. Ang panganay sa aming limang magkakapatid. Ang kuya kong minsang hinangaan ko, iginalang ko, pinagkatiwalaan ko. Hindi ko makakalimutan ang mga salitang binitiwan nila. Ang kasal. Ang responsibilidad. Ang pangalan ng pamilya. Ang kasunduan ng mga magulang namin. Dahil panganay si Kuya hindi ko alam nauna pala siyang nagkagusto kay Clarisa Rita Perualila. At dahil panganay siya at si Clarisa ay nag-iisang anak ng isang gobernador na kaibigan ni Daddy sa ibang bayan, kaya si Kuya ang gusto nilang ipakasal kay Clarisa. Walang tanong kung mahal ba namin ang isa’t isa. Walang puwang ang damdamin ko. Walang saysay ang mga pangarap kapag ang mga magulang namin ang nagdesisyon Ipinakasal si Clarisa kay Kuya Leonardo. Sa isang iglap, gumuho ang mundo ko. Hindi lang ang relasyon namin ni Clarisa ang nawasak—pati ang pagiging magkapatid namin ni Leonardo. Mula noon, hindi ko na siya tinawag na kuya. Hindi na siya pamilya. Para sa akin, pareho silang namatay. Mas madaling mabuhay na may galit kaysa may sugat. Huminto ako sa paggiling, napasandal sa mesa. Humigpit ang hawak ko sa itak. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung alin ang mas masakit—ang ipagkanulo ng babaeng minahal mo o ng kapatid na dugo mo. Isang mahinang yabag ang pumukaw sa akin. “Alam kong nandito ka.” Napalingon ako. Si Ivan. Ang tanging taong hindi umalis. Ang kaibigang nanatili kahit itinaboy ko ang lahat. Nakatayo siya, may dalang bote ng alak, bahagyang nakangiti pero bakas ang pag-aalala sa mga mata. “Ang dami mong tubo. Parang balak mong patayin ang galit mo hanggang maubos ang taniman,” biro niya. Hindi ako ngumiti. “Ano’ng kailangan mo?” Lumapit siya at umupo sa baitang kung saan ako kanina nakaupo. “Hindi ba pwedeng dalawin ang kaibigan?” Tahimik kaming sandali. Binuksan niya ang bote at inabot sa akin. Tinanggap ko, uminom nang diretso. “May balita ka na naman tungkol sa kanila?” tanong ko, diretso. Umiling siya. “Wala, basta ang huli kong balita nasa Maynila ang Kuya mo..” Huminga ako nang malalim. “Kung gano’n, bakit ka nandito?” Tumingin siya sa akin nang matagal bago nagsalita. “May napapansin ako sa’yo.” “Wala kang napapansin. Pare-pareho lang ang araw ko,” masungit kong sagot. Ngumiti siya ng mapait. “Hindi. Iba ka na.” Hindi ako sumagot. “Fernando,” dagdag niya, mas seryoso ang tono, “hanggang kailan ka mabubuhay na parang patay?” Napatawa ako nang mahina, walang saya. “Mas madali ‘yon. Kaysa alalahanin ko ang mga taong trumaidor sa akin.” "Parang napakamalasnmo yata sa babae?" sabi niya. “Hindi,” mariin niyang sagot. “Mas madali lang tumakbo.” Tumahimik ulit kami. Ang hangin ay may dalang amoy ng tubo at alat ng dagat. Sa malayo, maririnig ang alon. “Ang malas mo yata sa babae," sabi niya. "Baka sa lalaki ka swerte?" natatawa niyang sabi. "Sira ulo ka. Tulungan mo kaya ako rito, kaysa naman tumunganga ka riyan," sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya ng malalim. Tinagisan niya ang baso ng alak pagkatapos ng uminom nilagyan niya itong muli at iniabot sa akin. "Oh, uminom ka pa. I-celebrate natin ang naudlot mong kasal," pang-asar niya pa. Umangat ang gilid ng labi ko. Hindi ako kumibo. Tahimik kong kinuha ang baso sa kamay niya at ininom ang alak. Ang init nito ay nananalaytay sa aking lalamunan. "Nakita mo na ba ang bride mo?" tanong niya. Parang may mga karayom na tumutusok sa aking dibdib. Humiling ako kay Ivan. " Hindi at pasalamat ako dahil tumakas siya. Kung hindi baka kawawa lang siya sa akin. At least, hindi ko ma kasalanan dahil ang mismong bride ang nawala sa araw ng kasal namin," seryoso kong sagot kay Ivan. Natawa siya. Umupo siya at hinawakan ang itak. Tinulungan niya akong putol-putulin ang tubo. "E 'di, tuwang-tuwa ka naman dahil malayan ka pa rin. Alam kong siya pa rin ang laman ng puso mo, pero hindi na siya para sa'yo," sabi niya. Lalong bumigat ang hangin sa paligid. "Nandito ka ba para sariwain ang sugat ko sa puso? O ipaalala na walang halaga ang dugo kapag kasakiman na ang nanaig?" Ngumiti siya, pero hindi masaya. Alam ko comcern lang siya sa akin. "Pareho siguro. Pwede bang mag-stay muna ako rito ng dalawang araw?" tanong niya. "Ikaw ang bahala. Ako lang naman mag-isa rito sa kubo. Alam mo naman na ayaw ko sa malaking bahay. Sinusumpa ko na kabilang ako sa anak ng mga Raval." Natawa si Ivan sa sinabi ko. Mas pinili kong manirahan dito sa probensya kaysa lasapin ang marangyang buhay sa syodad katulad ng mga kapatid ko. "Grabe ka naman. Dati proud na proud ka na isa kang Raval-'' “Dati ’yon!” mariin kong sabi, masyadong mabilis, masyadong madiin—parang may tinatakpan. Saglit niya akong tinitigan, para bang binabasa ang pagitan ng mga salita ko. Pagkatapos ay ngumuso lang siya at nagkibit-balikat. “Kung sabi mo,” aniya. “Ikaw ang bahala sa multo mo.” Wala na siyang idinagdag. Iyon ang gusto ko kay Ivan. Alam niya kung kailan titigil. Nagpatuloy na lang kami sa ginagawa, pinapasan ang katahimikan na parang normal lang, kahit alam naming pareho na hindi. Kinahapunan, habang papalubog ang araw at humahaba ang mga anino sa bukid, nagsimula na ang inuman. Dumating ang mga tauhan ko—mga lalaking sanay sa init, sa hirap, sa biro at tawanan. May mga baso, may tagay, may kantiyawan. Ang amoy ng alak ay humalo sa amoy ng lupa at tubo. “Fernando, tagay!” sigaw ng isa. Itinaas ko ang baso ko. Uminom. Isa pa. Hanggang sa medyo gumaan ang dibdib ko, kahit alam kong panandalian lang iyon. Dito sa farm walang tumatawag sa akin na boss o Dir. Gusto ko pantay-pantay kami dahil pareho lang kami nagta-trabaho. Isa pa ayaw kong malaman ng iba na isa akong Raval. Takipsilim na nang may dumating. Napatingin ako sa may daan. Si Andrea ang unang nakita ko may bitbit na supot—kasama ang pamangkin ni Auntie Leonora. Sandali akong napatigil. Hindi ko maalala ang pangalan niya. Hindi rin naman kasi ako interesado sa kaniya, pero kilala ko ang mukha niya. At mas kilala ko ang pakiramdam na biglang umakyat sa batok ko. Hindi ako tiningnan ng dalaga. Diretso lang ang lakad niya, parang wala ako roon. Siguro nahihiya. O galit. O pareho. Naalala ko ang sinabi ko kanina, ang pabiglang halik, ang insultong binitiwan ko pagkatapos. Bakla. Napangisi ako sa sarili ko. Isang salitang binitawan para lang itulak siya palayo. Para ipaalala sa sarili kong hindi ako dapat makaramdam ng kahit ano. May dala silang pulutan—inihaw, tuyo, kung anu-ano. Ibinaba ni Andrea sa mesa. “Para sa inyo,” masigla niyang sabi. “Salamat,” sagot ng isa sa mga tauhan. Si Ivan, na kanina’y walang pakialam sa paligid, ay biglang tumahimik. Nakatitig siya sa dalaga. Hindi ko pinalampas iyon. “Hoy,” sabi niya kay Andrea, nakangiti. “Hindi mo ba ako ipakikilala sa kasama mo?” Tumawa si Andrea. “Ay oo nga pala. Ivan, siya si—” Saglit na huminto ang dalaga, saka humarap. “Diana,” mahinang sabi. Diana. Hindi ko alam kung bakit ko inulit sa isip ko ang pangalan niya. “Tahimik mo naman,” dagdag ni Andrea, tinukso ang dalaga. Ngumiti si Diana kay Ivan—isang ngiting maayos, magalang. Hindi para sa akin. Para sa kaniya. At doon, hindi ko alam kung bakit, pero napataas ang kilay ko. Kaladkarin, pumasok sa isip ko. Hindi dahil ganoon siya—kundi dahil ayaw kong nakikita siyang ngumiti sa iba. Lalong-lalo na kay Ivan na halatang-halata ang paghanga. “Ang ganda mo, Andrea,” diretsong sabi ni Ivan, walang paligoy. Naghiyawan naman ang mga tauhan ko, lalo na si Zanjoe. Bahagyang namula si Diana. “Salamat,” sagot niya, yumuko nang kaunti. Tahimik lang ako. Umiinom at pinapanood sila. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakainis—ang ngiti ni Diana o ang tingin ni Ivan na parang may nakitang kayamanan. Maya-maya, dumating si Auntie Leonora at si Manang Solidad, may dalang kaldero ng kanin. Lumakas ang tawanan, mas naging magaan ang paligid. Kumain, uminom, nagkwentuhan. Sandaling naging normal ang lahat. Hanggang sa sumapit ang alas-nuwebe ng gabi. Isa-isang nagpaalam ang mga tauhan. Si Ivan naman ay sumama kina Andrea at Manang Solidad pauwi. Akala ko tapos na ang gabi. Akala ko mag-isa na naman ako sa kubo kong ito. Tahimik na ulit ang paligid nang marinig ko ang yabag ng paa. Paglingon ko, si Diana. Mag-isa lang siya. “May naiwan ka?” tanong ko, malamig ang boses. “Opo,” sagot niya, hindi pa rin ako tinitingnan. “’Yong lagayan ng ulam saka basket.” Tumango ako. “Nandiyan.” Kinuha niya ang mga iyon. Paalis na sana siya nang magsalita ako ulit. “Talaga bang lagayan ang binalikan mo?” tanong ko. “O ako?” Napatigil siya. Humigpit ang hawak niya sa basket. “Hindi po—” Hindi ko na siya pinatapos. Hinablot ko siya palapit sa akin. Isang iglap lang—mabilis, diretso. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. “Fernando—” “Bumalik ka ba,” mababa kong sabi, halos pabulong, “kasi gusto mo ulit?” Namula ang pisngi niya. Kitang-kita sa ilalim ng ilaw. Pero hindi siya umiwas. At iyon ang naging hudyat. Hinila ko siya at hinalikan. Hindi marahas. Hindi rin maingat. Isang halik na punô ng galit at kalituhan, ng mga damdaming matagal ko nang ikinukulong. Saglit lang, pero sapat para maramdaman kong hindi lang ako ang may apoy sa dibdib. Huminga siya nang mabilis nang maghiwalay kami. “Bakla pa rin ba ang tingin mo sa akin?" tanong ko. Hindi siya nakasagot. Nabigla siya sa ginawa ko. Mabilis niyang itinaas ang kamay niya at sampalin sana ako, pero nasalo ko ang kaniyang kamay. Ngumisi ako sa kaniya. "Alam ko naman na gusto mo ang halik ko," mapang-uyam kong sabi. Pagkatapos hinalikan ko siya ng mariin. Kahit nakainom ako, pero nasa tamang pag-iisip pa naman ako. Una ay nagpumiglas siya, pero hindi nagtagal tinugunan niya ang halik ko. At doon tuluyan na akong nalunod... sa pagkakataong iyon si Clarisa ang nakikita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD