CHAPTER 6 Diana Hindi ko alam kung paano kami umabot sa silid ni Fernando. Basta ang alam ko lang kanina nasa labas pa kami habang naghahalikan. Pero ngayon nakahiga na ako sa kama, habang nilulunod niya ako sa mga halik na hindi pamilyar sa akin. Bawat haplos nya sa ang katawan para akong nalalasing sa kakaibang kiliti na nararamdaman. Malambot ang mga unan, amoy niya ang buong silid, mainit, maskulado, at may bahid ng kung anong delikado. Ang ilaw ay mahina, sapat lang para makita ko ang anyo niya habang pinapapak ang malusog kong dibdib. Ilang sandali tumigil siya nakatingin sa akin na para bang ako ang tanging bagay na mahalaga sa sandaling iyon. “Clarisaa,” mahina niyang sambit. Hindi ko alam kung nabibingi ba ako o tama na Clarissa ang binanggit niyang pangalan? Tumigil ang p

