Prologue
PROLOGUE
RAYNIER
Ang dagundong ng rotor ng aking Airbus H160 ay parang isang malupit na orkestra na bumabasag sa katahimikan ng kalangitan. Mula sa aking kinauupuan, tanaw ko ang kristal na asul na tubig ng Little Holand. Mula sa itaas, mukha itong isang inosenteng perlas na nakalubog sa gitna ng dagat—payapa, hindi pa nagagalaw, at tila nakalimutan na ng sibilisasyon.
Ngunit ang kapayapaan ay isang konsepto na matagal ko nang kinalimutan. Para sa akin, ang mundo ay isang malaking chessboard, at ang islang ito ang huling piyesang kailangan ko para makumpleto ang aking kuta. Ang Aiges ay nangangailangan ng seguridad, at ang Little Holand ang magsisilbing moog ko laban sa mga kaaway na gustong magpabagsak sa akin. O hindi kaya isang Isla na kapag gusto ko magpahinga at walang sinuman ang makaisturbo sa akin.
Ang Isla kung saan ko ikinulong si Mario at Danica, ibininta ko iyon, ayaw ko ng balikan ang lugar na iyon.
Inayos ko ang aking bespoke suit. Hinaplos ko ang tela nito—isang materyal na gawa sa pinakamahal na tela sa Italya, mas mahal pa sa pinagsama-samang halaga ng mga dampa na nakikita ko sa ibaba. Sa mundong kinagisnan ko, ang imahe ay lahat. Ang bawat lukot sa damit ay tanda ng kahinaan. At si Raynier Zeun Harris ay hindi kailanman nagpakita ng kahinaan. Ang aking mukha ay isang maskara ng yelo—walang emosyon, walang awa, walang puwang para sa pag-aalinlangan.
“Sir, we are descending. The ground team has secured the perimeter, but the locals... they aren’t exactly happy,” ulat ni John, ang aking head of security. Kalmado lang ang kaniyang boses, sanay na sa mga operasyong ganito kung saan ang luha ng mga mahihirap ay bahagi na ng background music.
“Does it look like I care about their happiness, John?” malamig kong tugon nang hindi siya tinitingnan. Ang aking mga mata ay nakapako sa luntiang kagubatan sa ibaba. “I didn’t pay a billion pesos to make friends. I bought this land to build a fortress. Isang kuta kung saan ang Aiges ay hindi maaabot ng kahit sinong kalaban. Ang kaligayahan nila ay hindi kasama sa kontrata.”
“Understood, Boss. Ang relocation papers ay handa na para sa pirma nila. Ang mga baranggay leaders ay naghihintay na sa dalampasigan.”
Sumandal ako sa aking leather seat. Limang taon. Limang taon na ang lumipas mula nang huli akong makaramdam ng kung anong emosyon na hindi galit o pagkamuhi. Ang puso ko ay naging isang matigas na bato. Simula nang mawala ang babaeng kaisa-isang nakatagos sa maskarang ito, ibinaon ko na ang lahat ng natitirang kabutihan sa akin.
Nang tumama ang skid ng helicopter sa puting buhangin, ang malakas na hangin na gawa ng mga elisi ay nagpatahimik sa mga huni ng ibon at nagpalipad sa mga dahon ng niyog. Bumukas ang pinto at sinalubong ako ng amoy ng alat at init ng araw. Lumabas ako, ang bawat hakbang ko sa puting buhangin ay isang deklarasyon ng pag-aari.
“Sino kayo?! Bakit kayo nandito?!” sigaw ng isang matandang lalaki na may hawak na itak. Ngunit bago pa siya makalapit, agad siyang hinarangan ng tatlo sa aking mga tauhan na armado ng mga submachine guns sa ilalim ng kanilang mga barong.
“Put that down, old man,” utos ni John habang naglalakad kami patungo sa gitna ng dalampasigan kung saan nagkakatipon ang halos sandaang residente. “This island is now the private property of Mr. Raynier Zeun Harris. You are all trespassers.”
Nagkaroon ng malakas na bulungan. Ang iyak ng mga sanggol at ang bulong ng mga nananalangin ay humalo sa tunog ng alon. Tiningnan ko sila isa-isa. Nakita ko ang desperasyon sa kanilang mga mata. Nakita ko ang poot. Ngunit higit sa lahat, nakita ko ang takot. At ang takot- ang takot ang pinakamabisang sandata ng pamilyang Harris.
“Listen to me!” sigaw ko, mas matalas ang boses ko sa kahit anumang patalim. Natahimik ang lahat, pati ang hangin parang tumigil sa pag-ihip. “I don't care how long your families have lived here. I don't care about your memories or your ancestors. I have the titles. I have the power. You have forty-eight hours to pack your lives into boxes and leave. Failure to comply will result in... forceful eviction.”
“Wala kayong puso!” sigaw ng isang babae mula sa likuran. “Saan kami pupunta? Ang islang ito ang buhay namin!”
“John, show them the relocation site photos,” bored kong utos. “May pabahay na akong inihanda sa kabilang probinsya. May semento ang mga pader niyo roon, hindi tulad ng mga dampa ninyong gawa sa nipa. Be grateful I’m even giving you a roof over your heads.”
Tinalikuran ko sila. Ayaw ko ng drama. Ang emosyon ng ibang tao ay nakakapagod at walang halaga sa business world. Ngunit bago pa man ako makahakbang pabalik sa silong ng helicopter, isang boses ang pumigil sa akin. Isang boses na hindi nanginginig, hindi umiiyak, kundi puno ng hamon.
“Hoy, Higanteng Kabaong!”
Napatigil ako sa gitna ng aking paglalakad. Ang mga bodyguard ko ay sabay-sabay ring huminto. Higanteng... ano?
Lumingon ako nang dahan-dahan, ang aking mga mata ay nanlilisik. Ngunit ang nakita ko ay hindi isang matapang na lalaki o isang galit na ina. Doon, sa gitna ng kalsadang buhangin, nakatayo ang isang batang babae.
Hindi siya lalampas sa apat na taon. Ang kaniyang buhok ay gulo-gulo na parang pugad ng ibon, may mantsa ng tsokolate sa gilid ng kaniyang labi, at suot ang isang sando na may print ng isang galit na kuting. Ang kaniyang maliit na kamay ay nakapamaywang, at ang kaniyang tingin ay diretso sa aking mga mata.
“Who are you talking to, kid?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang awtoridad sa aking boses sa kabila ng pagkabigla.
“Sayo! Ikaw ’yung kontrabida sa TV, ’di ba?” turo niya sa akin gamit ang maliit niyang daliri. “Sabi ni Lola Ester, ang mga taong nakaitim sa gitna ng initan ay alinman sa dalawa: magnanakaw o kabaong! At dahil mukha kang masungit, ikaw ’yong kabaong!”
Narinig ko ang mahinang pag-ubo ni John sa likuran ko. Alam kong pinipigilan niyang tumawa. Walang sinuman sa buong Maharlika, kahit ang mga pinakamataas na opisyal ng gobyerno—ang nangahas na tawagin akong kabaong.
“Get this child away from me,” malamig kong utos.
“Ayaw ko! Bad ka! Sabi ni Mommy, kapag may nakitang basura sa dalampasigan, dapat itinatapon sa tamang lugar!” sigaw ng bata.
Bago ko pa mapagtanto ang kaniyang gagawin, may dinukot siya sa kaniyang maliit na backpack na hugis rabbit. Isang malambot at mabigat na bagay ang lumipad sa ere. Ang bilis ng kaniyang paghagis ay nakakamangha—isang perpektong arc na tumama direkta sa aking dibdib.
SPLAT!
Ang tunog ay parang isang pagsabog sa gitna ng katahimikan. Naramdaman ko ang bigat sa aking suit. Pagkatapos ay dumating ang amoy. Isang malansang amoy, halo ng ihi, dumi ng bata, at kung ano pang masangsang na bagay na tila nabulok na sa araw.
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking tingin.
Isang maruming diaper. Isang punong-puno at ginamit na diaper ang nakadikit sa gitna ng aking $10,000 suit. Dahan-dahan itong gumulong pababa, nag-iiwan ng malapot at madilaw na mantsa sa aking puting polo bago tuluyang bumagsak sa aking mamahaling leather shoes.
Parang nawala ang hangin sa paligid. Ang mga residente ay naging estatwa. Ang mga bodyguard ko ay sabay-sabay na napahawak sa kanilang mga baril, ang kanilang mga mata ay nanlalaki sa gulat.
“Cresylda! Isang puntos! Target neutralized!” sigaw ng isang boses mula sa likod ng punong niyog.
Apat pang maliliit na ulo ang sumulpot mula doon. Apat na batang lalaki, magkakamukha—apat na kopya ng bawat isa. Lahat sila ay may suot na salamin na pang-swimming at bawat isa ay may hawak na- reserbang sandatahang mga diaper.
“Sugod, mga kuya! Protektahan ang isla mula sa dambuhalang kabaong!” utos ng batang babae na tinawag na Cresylda.
“What the hell is this?!” sigaw ko, ang galit ko ay sumabog na. “Jhon! Gawin mo ang trabaho mo! Dakpin niyo ang mga batang iyan!”
Nagsimula ang isang kaguluhang hindi ko kailanman nasaksihan sa kasaysayan ng pamilya Harris. Ang aking mga elite na sundalo, mga lalaking sinanay sa urban warfare at espionage, ay parang mga tangang naghahabol sa limang batang maliliit na kasing-bilis ng mga daga sa ilalim ng mga bangka.
“Aray! Ang mata ko!” sigaw ng isang bodyguard ko nang tamaan siya ng talsik ng kung anong likido mula sa tirador ng isa sa mga bata.
“Target locked! Putukan na!” sigaw ng isa sa mga batang lalaki habang mabilis na tumatakbo paikot sa akin, pilit akong binubuhusan ng buhangin gamit ang kaniyang maliit na pala.
“Cresylda! Rion! Riley! Ryder! Renz! Magsitigil kayo bago ko kayo ipakain sa mga pating!”
Isang matalas na boses ang pumailanlang mula sa isang maliit na dampa malapit sa puno ng narra. Mula roon, lumabas ang isang matandang babae. Maputi na ang buhok nito, suot ang isang kupas na daster, at may hawak na sandok na tila ba iyon ang pinakamapanganib na baril sa mundo.
“Lola Ester!” sabay-sabay na sigaw ng limang bata.
Agad silang nagtakbuhan at nagtago sa likod ng matanda. Ang batang si Cresylda ay sumilip pa mula sa likod ng binti ng matanda at binelatan ako.
Hinarap ako ng matanda. Wala siyang bakas ng takot. Sa katunayan, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang isa akong maduming insekto na nakapasok sa kaniyang kusina.
“At sino ka namang dayuhan ka na nanggugulo sa mga apo ko?” tanong niya, habang itinuturo ako gamit ang kaniyang sandok. “Hindi mo ba alam na oras na ng meryenda? Kita mo, nag-aaksaya ang mga bata ng diaper dahil sa 'yo.”
“Apo?” napangisi ako nang mapait habang pilit na pinupunasan ang mantsa sa suit ko gamit ang aking panyo, na ngayon ay puno na rin ng dumi. “I am the owner of this island. And these... these little monsters of yours just ruined a suit that costs more than your entire life savings, old lady!”
“Ay, sus! Suit lang pala, akala ko kung ano na,” singhal ni Lola Ester. “Ang suit, nalalabhan. Pero ang ugaling bulok, mahirap kuskusin. At huwag mong tawaging monsters ang mga bata. Sadyang matalas lang ang pang-amoy nila sa mga taong amoy lupa ang budhi.”
“Lola, mabaho po talaga siya! Amoy kabaong na may halong patis!” singit ni Rion, ang batang may suot na swimming goggles.
“Huminahon kayo,” utos ni Lola Ester sa mga bata, pero ang kaniyang tingin ay nananatiling nakapako sa akin. May kung ano sa kaniyang mga mata—isang matalas na pagsusuri na tila binabasa ang bawat kasinungalingan sa mukha ko. “Umalis ka na rito, iho. Habang hindi pa dumadating ang nanay ng mga batang iyan. Mas matindi ’yon magalit kaysa sa sandok ko. Baka hindi lang diaper ang ihagis sa 'yo niyon.”
“I’m not leaving until the relocation papers are signed,” mariin kong sabi, bagama't ang kumpas ng aking kamay ay nanginginig sa matinding pagpipigil ng galit. “I have the law on my side.”
“Ang batas ay gawa ng tao, pero ang katarungan ay gawa ng Diyos,” sagot ni Lola Ester nang may awtoridad. “Wala kang mapapapirmahan dito ngayon. At itong mga bata, hindi mo sila matatakot ng baril mo. Mas marami silang diaper kaysa sa bala mo.”
Lumingon siya sa mga bata na ngayon ay nagbubulungan na sa likuran niya. “Mga bata, pasok sa loob! Maghuhugas pa kayo ng kamay. Cresy, bakit mo naman ginamit ang diaper mo? Sayang iyon, ang mahal na ng bili natin sa bayan!”
“Kasi po, sabi ni Mommy, use your resources para sa mga bad guys! Saka hindi naman po sayang kasi gamit ko na. May poop ko na 'yon bago ko inihagis sa kaniya," sagot ng batang babae. Muli siyang sumilip sa akin, tila ba sinusukat ang aking pasensya. “Bye-bye, Mr. Kabaong! Balik ka bukas, may reserba pa kaming gamit na diaper!”
Naiwan akong nakatayo sa dalampasigan, ang aking mga tauhan ay nakatungo sa hiya, at ako ay nababalot ng amoy na hinding-hindi ko malilimutan. Ilang taon akong nagtayo ng isang imperyong kinatatakutan ng lahat, pero sa loob ng sampung minuto sa islang ito, dinurog ang aking dignidad ng limang bata at isang matandang may sandok.
“John,” tawag ko sa mababang boses na halos gumaralgal sa ilalim ng nag-aapoy na galit.
“Yes, Boss?”
“Cancel the meeting for today. At alamin mo kung sino ang nanay ng mga batang iyon. Gusto kong malaman kung anong klaseng babae ang nagpalaki ng mga halimaw na iyan at ganoon din ang kanilang ama.”
“Yes, Boss. Pero paano po ang suit niyo?”
“Burn it,” tipid kong sagot.
Tumingin ako sa dampa kung saan pumasok ang limang bata. Isang kakaibang kaba ang dumaloy sa dibdib ko—isang pakiramdam na matagal ko nang ibinaon. Ang batang si Cresylda... ang kaniyang mga mata. Ang katusuhan sa kaniyang pagkakangisi. Ang paraan ng kaniyang paghamon.
Sa tuwing haharap ako sa salamin, ganoon ang nakikita ko.
Hindi lang isla ang kukunin ko. Kukunin ko rin ang sagot kung bakit pakiramdam ko, sa bawat tawa at sigaw ng mga batang iyon, ay may bahagi ng aking nakaraan na pilit kumakawala mula sa pagkaka-libing.
“This island isn't just a business deal anymore,” bulong ko sa sarili habang tinatanaw ang papalubog na araw sa Little Holand. “It’s a battlefield. At hinding-hindi ako papayag na matalo ng limang bata.”
Ngunit sa kailaliman ng aking isip, alam ko. Ang amoy ng diaper na iyon ay simula pa lamang ng pinakamalaking gulo sa buhay ko. Dahil kung sino man ang mga magulang ng mga batang iyon, pagsisihan nila na hindi nila dinidisiplima ang mga anak nila ng maayos.
Ravenababe Note:
Ang simula ng laban sa pagitan ng makapangyarihang bilyonaryo at ng limang munting "diaper warriors." Sino nga ba ang ina nila? At bakit tila may koneksyon si Raynier sa mga batang hindi niya kilala? Abangan ang susunod na kabanata!