
Blurb
Isang pag-ibig na sinubok ng langit…
isang maling salita ang naging mitsa ng pagkawasak.
Sa isang iglap, nahusgahan ang pagkatao ng taong minahal,
hindi dahil sa katotohanan, kundi sa maling narinig.
Naghiwalay silang baon ang galit, puot, at sugat na ayaw maghilom.
Ngunit muli silang pagtatagpuin ng kapalaran…
hindi para magsimula agad, kundi para harapin ang mga kasinungalingang sumira sa kanila.
Hanggang kailan mananatiling bato ang puso ni Reynold?
At hanggang kailan magtitiis at mangungulila si Crystal,
na nagkamali lang ng pinaniwalaan?
May pag-asa pa ba ang isang pag-ibig na nilamon na ng galit?
Paano muling paiibigin ni Crystal ang lalaking ngayon ay lubos siyang kinamumuhian?
At paano magpapatawad si Reynold,
kung ang alaala ng nakaraan ay mas masakit pa kaysa sa pagkawala?
Kapag ang pag-ibig ay muling kumatok…
bubuksan pa ba nila ang puso,
o tuluyan na itong isasara habang buhay?

