bc

A Heartless Marriage (Las Palmas Series)

book_age18+
23
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
opposites attract
second chance
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
serious
like
intro-logo
Blurb

"Papakasalan kita, Sarah. Pero huwag mong asahang mamahalin pa kita."Iyon ang unang sinabi ni Hector Villamore kay Sarah Moreno sa araw ng kasal nila.Nagpakasal si Hector hindi dahil mahal niya si Sarah. Kundi para sa anak nila, ang batang walong taon niyang hindi nakilala dahil itinago ito ni Sarah. At para sa pamilya nilang gustong buo sila.Akala ni Sarah, sapat na ang kasal para patawarin siya ni Hector. Pero nagkamali siya.Araw-araw, sa loob ng mansyon nila, pinaramdam ni Hector ang galit. Ang lamig. Ang inis nito sa kaniya. Ang panunumbat na iniwan siya ni Sarah noon at ipinagkait ang anak nila.Asawa siya sa papel, pero estranghero sa paningin ni Hector.Paano niya mapapalambot ang pusong galit na galit sa kanya? Paano niya muling makuha ang puso ni Hector na may mahal ng iba?At paano kung ang puso niyang pagod nang masaktan ay siya pa ring pipiliing mahalin si Hector?

chap-preview
Free preview
Episode 1
Chapter 1 SARAH "Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa'yo, Sarah?" Parang yelo ang boses ni Hector Villamore na bumasag sa katahimikan ng sala namin. Nanginginig akong nakatayo sa gitna, yakap-yakap si Ella na walong taong gulang. Tulog na siya sa balikat ko kanina pa, pagod sa buong araw na paglalaro sa garden, kasama ang mga pinsan niya. Pero alam kong magigising siya sa sigawan na mangyayari ngayong gabi. Nasa harap ng mamahaling coffee table sina Daddy at Mommy. Nasa tabi nila si Jonathan, ang kakambal ko. Si Jonathan na best friend ni Hector, na hindi ko man lang alam. Ang best friend na hindi alam na ang pamangkin na araw-araw nilang binibilhan ng dragon temporary tattoo ay anak pala ng best friend niya. At ako. Ako na parang kriminal na pinapalibutan. "Hector, ano ba 'tong ginagawa mo? Gabi na, natutulog na ang bata," bulong ko, pilit na pinapatatag ang boses ko. Pero hindi ko maitago ang takot sa mga mata ko. Hindi siya sumagot. Ang mga mata niyang dati'y kay amo, 'yong mga matang tinititigan ako na parang ako lang ang mundo niya walong taon na ang nakakaraan, ngayon ay puno ng galit. Purong galit at panunumbat. Inilapag niya sa mesa ang isang brown envelope. Malakas at madiin. Para bang bomba na sasabog anumang oras at alam kong ako ang puputok. Napatayo si Jonathan. "Pare, anong—" "Buksan mo, Tito Arthur." Putol ni Hector, pero sa akin pa rin siya nakatitig. "Para malaman niyo kung anong klaseng anak meron kayo." Nakita kong nanginginig na kinuha ni Daddy ang envelope. At si Jonathan ay napaawang din ang mukha. Kinuha ni Daddy ang papel sa loob. Nakasulat doon Las Palmas Medical report. At isang linya na nagpabago sa lahat. Kahit malayo ako, nabasa ko. DNA PATERNITY TEST - 99.99% POSITIVE MATCH. Alleged Father: Hector Luis Villamore Child: Ella Marie Moreno Nabitawan ni Mommy Helen ang hawak na tasa. Bumagsak ito sa sahig at nabasag. Parang puso ko na unti-unti rin nababasag. "Ano-anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses ni Mommy, tumingin sa akin, tapos kay Hector. "Sarah?" Si Jonathan naman, natulala sa papel na inagaw niya kay Daddy. "Ella? Si Ella ang- Pare, si Ella anak mo?" Hindi na ako makahinga. Hindi ko inaasahan ito. Hindi ko iniisip na magsasagawa ng DNA test si Hector. Walong taon kong tinago ang tungkol sa ama ni Ella. Kusang tumulo ang luha ko. Ang sikreto na walong taon kong itinago, walong taon kong binuhat mag-isa, ngayon ay nasa harap na nilang lahat. Akala ko hindi niya maisip magpa-DNA test dahil may girlfriend na siya, may iba na aiyang mahal. "Hindi... hindi totoo yan. Hindi—" 'Yon lang ang nasabi ko. Paulit-ulit kong tanggi, kahit alam kong wala nang maniniwala sa akin "HINDI TOTOO?!" Sa unang pagkakataon, sumigaw si Hector. At nang sumigaw siya, nagising si Ella sa balikat ko at nagsimulang umiyak nang mahina. Ang gwapo niyang mukha na mala-Turkish, na hinahangaan ng lahat ng babae sa Las Palmas, ngayon pulang-pula. "Hanggang ngayon, Sarah? Hanggang ngayon magsisinungaling ka pa rin sa harap ng mga magulang mo?" Lumapit siya sa akin. Kinuha niya sa bulsa ang isang maliit na plastic na may buhok. "Alam mo ba kung ano to? Buhok ni Ella. Kinuha ko sa suklay niya no'ng isang araw. No'ng nagpunta ako para bilhan na naman siya ng temporary tattoo na paborito niya. 'Yong dragon tattoo, tanda mo? Ako at si Jonathan, lagi kaming bumibili no'n sa kaniya. Akala ko pamangkin lang siya ng best friend ko. Akala ko anak siya ng kung sinong lalaki na nanloko sa'yo!" Doon ako tuluyang nanginig. Kaya pala. Kaya pala ilang araw na siyang kakaiba kay Ella. Tinititigan niya si Ella nang matagal. Kaya pala sekreto siyang kumuha ng buhok ng anak ko. Lingid sa kaalaman ko, habang binibilhan niya ng tattoo ang anak ko, kumukuha na pala siya ng ebidensya laban sa akin. "Hector, please... wag dito. Wag sa harap ng bata—" Pakiusap ko, mas hinigpitan ang yakap kay Ella na umiiyak na. "Mommy, bakit ang ingay?" tanong ni Ella. Halatang inaantok pa. "Huwag sa harap ng bata? Ikaw pa talaga may ganang magsabi niyan? Walong taon, Sarah! Walong taon mong tinago sa akin ang anak ko! Walong taon na ipinagkait mo sa anak natin na walang ama!" galut niyang sabi. Bawat salita ni Hector, parang sampal sa mukha ko. At bawat sampal, mas lalo akong nasasaktan. Si Daddy, galit na tumingin sa akin. "Sarah! Totoo ba to? Si Hector ang ama ni Ella? Ang sabi mo sa ibang bansa ang ama ni Ella. Bakit ka nagsinungaling sa amin?" Yumuko ako, hindi ko kayang salubungin ang tingin ni Daddy. Parang sasabog ang puso ko. Paano ko ba ipagtanggol ang sarili ko? "Hindi ko... hindi ko sinasadya, Dad—" Hagulgol ko. "Hindi mo sinasadya?!" Sabay sigaw nina Hector at Daddy. Si Mommy, umiiyak na. "Sarah, anak, bakit? Bakit mo nagawa sa amin to? Bakit kay Hector pa? Kaibigan siya ng kakambal mo!" Doon na tuluyang bumigay ang tuhod ko. Lumuhod ako, kahit karga ko pa rin si Ella. Ang anak na bunga ng pagmamahalan namin ni Hector noon. Walong taon na ang nakalipas, bago ako umalis at iniwan si Hector. Tumigil ako sa pag-aaral ko at pumunta ng Americ, para doon ipagpatuloy ang pagbubuntis ko. Sinadya kong layuan siya para matupad niya ang mga pangarap niya, ayaw ko maging hadlang kami ni Ella, sa mga pangarap niya. Natakot ako na baka malaman niya na buntis ako at tumigil siya sa pag-aaral niya. Alam kong responsable si Hector, at kaya niyang iwan ang mga pangarap niya para sa akin. "Mommy? Bakit galit sila?" umiiyak na tanong ni Ella. Ilang sandali lumabas na rin si Thelma sa silid nila ni Jonathan. "Anong nangyayari dito?" takang tanong ni Thelma. Umupo siya para alalayan ako, pero nanatili pa rin akong nakaluhod, habang hawak si Ella, Tumingin ako kay Thelma. "Pwede bang kunin mo muna ai Ella, Thel? Hindi niya pwede marinig ang usapan namin," umiiyak kong pakiusap kay Thelma. Tumango siya at kinuha sa akin si Ella, lahit umiiyak ang bata at inaantok pa napilitan itong sumama kay Thelma. "Iniwan mo ako, Sarah! Ako ang iniwan mo!" Sigaw ni Hector, nang umalis na si Thelma at Ella. Hindi lang galit ang naroon sa puso niya. Kundi puro sugat. Walong taon na sugat. Natigilan ako. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakaluhod pa rin. Parang nanghina ang buo kong katawan. "Akala mo ba nakalimutan ko? Akala mo ba hindi ko dinala sa Korea ang lahat ng sakit? Ikaw ang nang-iwan, Sarah! Hindi ako!" Tumulo ang luha niya. Si Hector Villamore na kahit kailan hindi ko nakitang umiyak, ngayon ay umiiyak sa harap ng pamilya ko. "Sabi mo mahal mo ako! Sabi mo hihintayin mo ako! Pero anong ginawa mo? Iniwan mo ako dahil mahirap lang ako! Dahil wala akong maibigay sa'yo! Dahil hindi ko pa kayang ibigay ang luho na gusto mo! Umalis ka at ipinagkait mo sa akin ang anak natin ng walong taon!" panunumbat niya sa akin. Lumapit siya, itinuro ako. "Sinabi mo sa mukha ko mismo, 'Hindi ko kayang sumama sa hirap, Hector! Humanap ka ng iba!' Tandaan mo pa ba ang mga sinabi sa akin noon? Iniwan mo ako dahil mahirap lang ako. Umiiyak ako, nagmamakaawa ako sa'yo na wag mo akong iwan! Pero tinalikuran mo ako!" walang alinlangan niyang sabi sa harap ng mga magulang ko at doon ako tuluyang gumuho. "Tama! Tama ka! Iniwan kita! Dahil takot ako! Dahil bata pa ako! Dahil akala ko masisira ang pag-aaral mo kapag nalaman mong buntis ako! Kaya pinili kong umalis! Pinili kong maging mukhang pera kaysa kasama ka!" sabi ko, kahit ang huli kong sinabi ay labag sa puso ko. "Hindi mo alam kung gaano ako nasira, Sarah!" Sigaw ni Hector. "Kaya ako nagsumikap! Kaya ako nagpakamatay sa trabaho! Para patunayan sa'yo na nagkamali ka! Na kaya kong yumaman! Na kaya kong ibigay lahat! At nung handa na akong bumalik para ipakita na kaya ko, pero hindi na kita mahanap pa. Katahimikan ang namayani sa paligid. Si Jonathan, napayuko. "Nang makita kita at nalaman kong ikaw ang ina ni Ella, akala ko inanakan ka ng iba. Pero hindi pala sa iba, anak ko pala, Sarah! Anak ko pala si Ella! Walong taon kong tiniis na wag kang balikan, tapos malalaman kong tinago mo pa sa akin ang anak ko?! Bukod sa iniwan mo ako dahil mahirap ako, tinago mo pa ang anak ko?!" Lumuhod siya sa harap ko, hawak ang balikat ko, umiiyak. "Dalawang beses mo akong iniwan, Sarah. Noong iniwan mo ako dahil mahirap lang ako. At noong tinago mo sa akin si Ella. Dalawang beses mong pinatay ang puso ko," wika niya saka aiya tumayo. Wala na akong masabi. Wala na akong palusot. Siya ang iniwanko. Siya ang nasaktan ng husto. At ako ang may kasalanan ng lahat. "Sarah, bakit mo nagawa 'to? Naniwala kami sa mga kasinungalingan mo," sumbat sa akin ni Mommy, habang umiiyak. Tahimik lang ako dahil wala na akong maisasagot, kasalanan ko kaya dapat kong tanggapin kung anuman ang resolta ng ginawa ko. "Hinayaan mo na maging bastardo ang apo namin, Sarah. Hindi ka ba naawa sa anak mo na sabik sa atensyon ng isang ama?" sumbat sa akin ni Daddy na aiyang nagpadurog sa puso ko. "Ano ang plano niyong dalawa? Sarili niyo na lang ba ang intindihin niyo? Paano si Ella?" Sa wakas nagsalita si Jonathan, ang kakambal ko. Dahan-dahan akong tumingala kay Hector. "Hindi ko ipagkakait si Ella, sa'yo. Kung gusto mo siyang kunin sa akin, tatanggapin ko." Nakita ko nagtagisan ang mga ngipin niya. "Makasarili ka kahit kailan!" galit niyang sabi sa akin. "Hindi iyan ang solusyon. Kung mahal niyo pareho ang anak ninyo, magpakasal kayo. Bigyan ninyo ng buong pamilya ang pamangkin ko. Huwag ang sarili lang ninyo ang iisipin ninyo!" Mariin na sabi ni Jonathan. Nagulat ako sa sinabi noya. Tiningnan ko ang mga magulang namin at nakita ko ang pagtango ni Daddy, na sang-ayon sa gusto mangyari ni Jonathan. Bumaling muli ang ingin ko kay Hector na may madilim na Aura. "Papakasalan kita, Sarah. Para sa anak natin. Para hindi niya maranasan ang mawalan ng ama gaya ng naranasan ko. Pero araw-araw, ipaparamdam ko sa'yo kung gaano kasakit ang iwan dahil lang sa pera. Ako ang iniwan mo noon, Sarah. Ngayon, ikaw ang hinding-hindi makakaalis sa piling ko." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Papakasalan niya ako, para kay Ella. Pero paano ang girlfriend niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
814.8K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
377.9K
bc

Not just, the Beta

read
359.7K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook