bc

Mr. Harris: The Ugly Billionaire -SPG

book_age18+
386.9K
FOLLOW
3.3M
READ
billionaire
possessive
sex
love after marriage
fated
arranged marriage
drama
twisted
bxg
virgin
like
intro-logo
Blurb

Para kay Zoey hindi basihan ang mukha para mahalin mo ang isang tao ng tapat at totoo. Sa kabila ng lahat na kasungitan ng kaniyang asawa na si Raydin Zayn Harris at sa kapangitan nito ay pinatunayan ni Zoey na handa niya itong mahalin ano man ang mukha nito. Para sa kaniya ang pag-ibig walang pinipili. Guwapo man o pangit kung titibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

Sa kabila ng pag-ibig ni Zoey kay Raydin, galit naman at puot ang naramdaman ni Raydin Zayn kay Zoey dahil sa pagkawala ng kakambal niyang si Raynier. Binago niya ang kaniyang mukha upang gawing miserable ang buhay ni Zoey. Paano kung sa kabila ng kabaitan ni Zoey ay puro lang pala kasinungalingan ang sinasabi ng mga tao sa paligid niya? Mapapatawad pa kaya niya si Raydin kapag natuklasan niya ang buong katotohanan sa likod ng mukha nito?

chap-preview
Free preview
Epesode 1
Chapter 1 Zoey ''Tita, huwag niyo naman gawin sa akin ito,'' naiiyak kong pakiusap kay Tita Hilda. ''Zoey, mapapabuti ka kapag pinakasalan mo ang anak ni Don Antonio. Isa pa may kasunduan na kami ni Rose ang asawa ni Don Antonio,'' pakiusap ni Tita sa akin. ''Pero, Tita? Hindi ko kailangan na magpakasal sa pangit nilang anak. Tita, parang awa niyo na ayaw kong dumalo bukas sa araw ng kasal namin ng pangit na 'yon!'' Tuluyan na akong umiyak dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago ang desisiyon ni Tita. Alam kong buo na ang desisyon niya para ipakasal ako sa panganay na anak ni Don Antonio Hariss. Narito ako sa San Luiz at dito na ako lumaki. Ang Tita ko ang nag-aruga sa akin mula pagkabata dahil ulila na ako ng lubos. Namatay ang ama ko dahil sa malubhang sakit at ang nanay ko naman ay namatay dahil nalunod sa dagat. Ang Tita ko na lang ang tanging pamilya ko. ''Zoey, makinig ka sa akin ng mabuti. Wala na tayong pera. Sa halip na magtrabaho ka riyan sa hotel ay magpakasal ka na lang sa anak ni Don Antonio. Kakarampot lang ang sinasahod mo at hindi natin mababayaran ang mga utang natin. Kapag nagpakasal ka sa anak nila ay hindi na tayo sisingilin ng utang natin sa kanila dahil sa pagpapagamot sa ama mo, kaya pumayag ka na. Magligpit ka na at mamaya ay susunduin na tayo ng driver nila,'' pakiusap sa akin Tita. Laglag ang balikat ko at hindi na ako umimik. Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko na dadalhin sa San Agustin. Kailangan ko ng tanggapin sa sarili ko na ikakasal na ako sa pangit na anak nila Don Antonio. Ayaw ko pa sana mag-asawa dahil walang makakasama si Tita. Ngunit nangako naman ang mga Hariss na hindi nila pababayaan si Tita. Habang nagliligpit ako ay panay naman ang agos ng mga luha ko. Nilapitan ako ni Tita at hinimas-himas ang aking likuran. ''Zoey, para rin ito sa ikabubuti mo. Mapabuti ang buhay mo kapag asawa ka na ni Raydin Zayn,’’ pag-aalo ni Tita sa akin. ''Paano ako mapabuti, Tita? Alam niyo naman ang tsismis na masama ang ugali ng pangit na lalaking iyon, kaya kahit ano pa karami ang pera niya ay walang gustong magpakasal sa kaniya dahil sa itsura at ugali niya,'' protesta ko kay Tita. ''Iha, huwag kang makinig sa tsismis dahil hindi naman totoo na pangit ang ugali ng mapangasawa mo,'' pagtatanggol ni Tita sa mapapangasawa ko. Kibit-balikat na lang ako at inihanda na ang aking sarili dahil bukas na ang kasal namin ng panganay na anak ni Don Antonio. Hindi ko pa nakita ang mukha na iyon ni Raydin Zayn. Ngunit maraming lumalaganap na tsismis na pangit ito at arogante. Hindi ito nagpapakita sa camera marahil ay ubod ito ng pangit. Hindi ko pinangarap na makapag-asawa ng pangit. Ngunit ano ang magagawa ko dahil heto at hindi ko rin mahindian ang Tita ko na nag-aroga sa akin mula pagkabata. Pagsapit ng alas-otso ng umaga ay dumating na ang sundo namin ni Tita. Isang mustang na sasakyan na kulay itim. ''Nariyan na ang sundo natin, Iha. Bilisan mo na dahil inaasahan tayong dumating roon sa San Agustin sa condo ng mga Hariss,'' nagmamadaling yaya sa akin ni Tita. Bitbit ko na ang traveling bag ko na mga mahahalagang gamit ko lang at papelis ang nasa loob. Lumabas na kami ni Tita at pinagbuksan naman kami driver ng sasakyang ng mga Hariss na si Mang Pablo. Sumakay kami ni Tita sa likurang bahagi at bumyahe na papuntang San Agustin. Dalawang oras ang biyahe namin dahil medyo ma-traffic sa bayan ng San Luiz. Pagdating namin sa San Agustin ay pumarada ang sasakyan namin sa isang exclussive condominium na nagngangalang Multi Tower Condominium. Pagmamay-ari ito ng mga Hariss. Puro tinted glass ang pader ng building at sobrang ganda ang pagkadesinyo nito. Bumaba kami ni Tita at dalawang naka-uniforme na katulong ang sumalubong sa amin. Kinuha ng mga ito ang dala naming bag ni Tita. ''Hinihintay na po kayo sa itaas nina Mrs at Mr Hariss, Senorita,'' wika ng isang katulong na kasing tanda lang ni Tita. Nasa 50 taong gulang na ang Tita ko. Hindi ako umiimik at sumunod na lang sa katulong. Sumakay kami sa elevator at umakyat sa 9th floor. Pagsapit namin sa 9th floor ay pumasok kami sa isang silid. Pagbukas ng kwarto ay namangha ako sa ganda ng pagka-arrange ng mga gamit sa loob. Sa pintuan pa lang kami ay sinalubong na kami ni Madam Rose ang magiging mother in law ko. ''Amega, narito na kayo. Haysss! Napakaganda talaga nitong magiging daughter in law ko. Hali kayo at maupo muna kayo,'' nakangiti nitong yaya sa amin at nagbeso-beso sa amin ni Tita. Umupo kami sa malambot na sofa at pinadalhan kami ng tea coffee at juice sa katulong nila. Ilang minuto pa ay dumating si Don Antonio. ''Narito na pala kayo! Nakahanda na ba ang tanghalian?'' tanong nito kay Madam Rose. ''Inihahanda pa lang, honey,'' sagot ni Madam Rose. ''Magandang umaga po,'' bati ko kay Don Antonio. ''Magandang umaga rin sa inyo, Iha, Hilda,'' ani Don Antonio at nakipagkamay sa amin. ''Nasaan na si Raydin?'' tanong ni Madam Rose kay Don Antonio. ''Baka sa condo unit niya. Ipatawag mo nga kay Divina,'' utos ni Don Antonio. ''Sir, Wala po si Sir sa condo niya. Wala rin daw po sa opisina niya,'' wika naman ng katulong nila na siguro iyon si Aling Divina. ''Anong araw ngayon?'' tanong ni Don Antonio. ''Sabado po ngayon, Sir,'' sagot naman ng katulong. ''Kung hindi ako magkamali ay nag-motor race naman iyon! Ang tigas talaga ng ulo ng anak mong iyon!'' inis na sabi ni Don Antonio sa kaniyang asawa. ''Nagmo-motor race pa rin pala ang anak ninyo, Amega,'' wika naman ni Tita kay Madam Rose. ''Oo, Amega. Kaya minamadali na nga namin ang kasal nila nitong si Zoey, para tumigil na siya sa bisyo niyang pagri-racing. Alam mo naman na dilekado ang sport na iyon,'' tugon ni Madam Rose kay Tita. Ang tigas din ng ulo ng lalaking iyon. Sana mabagok na lang ang ulo niya para hindi matuloy ang kasal namin bukas. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang iisipin ko. Makalipas ang ilang oras ay sumapit na ang pananghalian. Apat lang kami ang nasa mesa dahil ang anak nilang babae na si Honey Let ay nasa Holand daw ito. Habang kumakain kami ay may nagsalita mula sa aking likuran. ''Good afternoon, everyone!'' bati ng baretonong boses. ''Narito ka na pala, Iho. Hali ka at saluhan mo kami para makilala mo na rin ang mapapangasawa mo,'' nakangting yaya ni Madam Rose sa lalaki. Lumapit ito at humalik sa kaniyang ina saka siya umupo sa tabi nito. Nakatingin ako sa mukha niya na parang sunog at sa matangos nitong ilong. Mukhang nasunog ang mukha nito mula sa kaniyang kaliwang mata patungo sa kaniyang noo hanggang sa kaniyang kanang pisngi. Totoo ngang pangit ang mukha nito ngunit ang tangkad niya na siguro ay abot sa 6 footers. Ang suot niyang fit na white v-neck ay nakahulma ang maskulado niyang katawan. Marahil ay alaga ito sa gym. Ang labi niya ay makapal na parang sunog din at ang kalahati niya lang na pisngi ang makinis. Hindi ko ma-imagine na ito ang makakasama ko sa buhay. ''How are you, Tita? Maganda rin pala itong pamangkin mo,''' wika nito kay Tita Hilda at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang sa aking dibdib. Parang kinikilatis niya ang pagkatao ko. ''Mabuti naman, Iho. Siya nga pala si Zoey, Iha, siya si Raydin Zayn; ang magiging asawa mo,'' ani Tita. ''Pagpasensyahan niyo na kung hindi ko mabigyan ng magandang kasal ang pamangkin ninyo. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo na sa judge lang ang kasal na magaganap at walang bisita ang dadalo. Gusto kong manatiling private ang buhay ko at ayaw ko na may medyang umaaligid sa akin. Sana okay lang sa 'yo Zoey na simple lang ang kasal natin bukas,'' walang gana nitong sabi sa amin. Totoo ngang suplado ito at may pagkamaldito. Pangit na nga pangit pa ang ugali. ''H'wag ka mag-alala dahil kahit ako man ay hindi gusto may makaalam na ikinasal ako sa isang p...'' hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko nang kinalabit ako ni Tita sa aking binti. Nakita ko naman na umismid siya sa sinabi ko at tumingin ito sa akin ng masakit. ''Dahil pangit ako? Well, tama ka. Sino ang gugustuhin na malaman na pangit ang magiging asawa mo? Huwag ka mag-alala dahil hindi naman ako katulad ng iba na pinagmamalaki ang asawa, lalo na kapag pera lang habol sa akin,'' sarkastiko nitong sagot. Napalunok ako ng laway nang sabihin niya iyon at pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. Ano ang akala niya sa akin, mukhang pera? ''Tumigil na kayong dalawa! Raydin, ayusin mo ang sarili mo! Hindi mo dapat sinasabihan ang magiging asawa mo ng ganiyan!'' saway sa kaniya ng kaniyang ama. ''Dad, alam niyo naman na lahat ng babae ay pera lang ang habol sa akin. At hindi mo naman masisisi ang mga tao kung pag-isipan siya na pera lang ang habol sa akin,'' tiim bagang na sagot ni Raydin sa ama. ''Wala akong pakialam kung ano ang iisipin ng tao sa akin dahil hindi naman nila alam kung ano ang totoo. Kung hindi lang nagkautang ang pamilya ko sa inyo, hindi ako magpapakasal sa 'yo! Pero, lulunukin ko ng pride ko bilang kabayaran ng utang namin sa inyo,'' garalgal kong tugon dahil ayaw kong isipin ng malditong lalaking ito na pera lang ang habol ko. ''Mabuti pa kumain na tayo. Raydin, pagkatapos natin kumain ipasyal mo naman si Zoey rito sa San Agustin,'' sabat naman ni Madam Rose para hindi na humaba pa ang usapan. ''Marami akong trabaho, Mom. Kaya, wala akong panahong mamasyal,'' sagot niya naman sa kaniyang Mommy. ''Huwag ka mag-alala dahil pagod ako sa byahe at wala rin akong panahon mamasyal! Ang ipasyal ko, ipahinga ko na lang,'' saad ko naman sa kasungitan niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tininingnan na may pang-uuyam habang sumubo ng kanin. Kinabukasan ay maaga ginanap ang kasal namin ni Raydin Zayn. Simpleng damit na puti lang ang suot ko. Sa condo unit lang niya kami ikinasal. Ang Mommy at Daddy niya ang dumalo at dalawang witness na sina Mrs Matilda Johnson at Mr Rafael Johnson. Silang mag-asawa lang at ang kaibigan ni Raydin na si Enrico Thompson ang dumalo. Ang iba nitong kaibigan ay hindi na nakadalo. Samantalang ako ay wala man lang kaibigan na pumunta, ngunit ayos lang naman sa akin dahil ang mahalaga ay nariyan si Tita Hilda. Matapos ang kasal namin sa judge ay kumain lang kaming lahat sa isang sikat na restaurant sa San Agustin. Habang kumakain kami ay nagtanong ang kaibigan niyang si Enrico. Kagagaling lang ito sa ibang bansa. ''Saan ang honeymoon ninyo?'' tanong ni Enrico sa amin ni Raydin. ''Uso lang ang honeymoon kung pareho ninyong mahal ang isa't isa,'' sagot naman ng walang modong pangit kong asawa. "Oww, ohh! Hindi pala uso sa inyo ang honeymoon. Gusto ko kapag ako ang nag-asawa sa Las Vigas ang honeymoon," tugon ni Enrico. "Iho, puwede ka naman magbakasyon para makapag-honeymoon kayo ni Zoey kung saan ang gusto niyong pumunta," sabi naman ng Daddy ni Raydin. "Dad, nag-usap na tayo tungkol dito. Pumayag akong pakasalan ang gusto niyong babae para sa akin pero sana huwag niyo na akong diktahan kung ano ang gusto ko gawin," malamig na sabi Raydin sa kaniyang ama. Hindi na umimik ang kaniyang ama at nagpatuloy lang ito sa pagkain. Mula kagabi ay hindi ako nakatulog sa kakaisip kung ano ang maging kapalaran ko sa kamay ng pangit na ito. Mas gustuhin ko pang tumandang dalaga sana kaysa makapag-asawa ng masungit na pangit na lalaking ito. Ngunit wala na akong magawa dahil kasal na ako sa hinayupak na ito. Naisip ko kung bakit hindi na lang siya nagparetoke ng mukha dahil mayaman naman siya. Nang matapos itong kumain ay tumayo na ito. "Mom, Dad, Tita, maiwan ko na muna kayo dahil may mahalagang meeting pa ako," paalam ni Raydin na hindi man lang tumingin sa akin. "Anak, hindi mo man lang ba muna ipabukas ang meeting mong iyan? Katatapos lang ng kasal ninyo ni Zoey," suhesiyon ng kaniyang Mommy. Naroon pa ang ninong at ninang namin na sina Mr. and Mrs Johnson. "Siya nga naman, Iho. Puwede mo naman ipa-cancel ang meeting mo at ipasyal mo ang asawa mo para makilala ninyo ang isa't isa," tugon naman ng ninang namin sa kasal na si Mrs. Johnson. "May racing pa akong dadaluhan, Tita. Last na 'to, kaya hindi ko puwede ipagpaliban. Tara, Bro," sagot niya sabay yaya nito kay Enrico. Wala ng nagawa ang magulang niya kundi ang tingnan siyang papalayo. Tumingin na lang sila sa akin at humingi ang mga ito ng paumanhin dahil sa katigasan ng ulo ng kanilang panganay na anak. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na si Tita sa San Luiz. Gusto ko pa sanang sumama kay Tita ngunit ayaw niya na akong pasamahin dahil may asawa na ako. Hindi ko man lang nakausap ang mga kaibigan kong si Ruby Rose at Hanna bago ako umalis ng San Luiz. Hindi man lang nila alam na mag-aasawa na ako. Napagpasyahan kong tatawagan na lang sila kapag may oras ako. Alam kong busy si Hanna sa pagbabantay ng tindahan ng kaniyang tiyahin at si Ruby Rose naman ay busy ito sa kaniyang pag-aaral.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
46.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
79.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.4K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
59.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
276.2K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
106.3K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook