Chapter 2
ZOEY
Pagkatapos ng kainan ay umuwi na kami ni Madam Rose. Si Don Antonio naman ay pumunta sa kaibigan nito na si Don Rafael Jonhson.
Pagdating namin ni Madam Rose sa condo ay nagtataka ako kung bakit sa 6th floor kami tumuloy at hindi sa 9th floor.
Tatlo lang ang pintuan na nakikita ko sa 6th floor na iyon. Pumasok kami ni Madam Rose sa unang pintuan. Malawak ang area na iyon ngunit nagtataka ako kung bakit tatlo lang ang unit na naroon.
Nagpalinga-linga ako ng tingin dahil sa ganda ng plot na iyon. Mas maganda pa sa 9th floor. Mayroon pang sofa sa unahan ng elevator.
''Iha, ito ang condo unit ng asawa mo kaya dito ka na rin titira. May dalawang silid dito at iyon ang silid ninyo ni Raydin,'' pahayag ng Mommy ni Raydin sa akin.
Tumango lang ako at napatingin siya sa malaking aqurium na may malaking isda. Namangha ako sa desinyo ng unit ni Raydin dahil malinis at maganda ang interior design nito. At binagayan pa sa kulay white and gray na kulay ng mga gamit.
Malaki ang condo unit ni Raydin at may malaking smart tv na nakakabit sa wall.
''Nariyan na sa silid ang mga gamit mo dahil pinalipat ko na kay Divina. Si Divina ang makakasama niyo rito,'' ani Mommy ni Raydin habang inililibot ako sa condo unit ng pangit niyang anak.
Ang dining room ay may mesa na mayroong anim na upuan. Namangha pa lalo ako nang madaanan namin ang tinted glass na banyo. Puwede ka manalamin roon. Ang dining room ng condo ng kaniyang asawa ay kasing laki na ng bahay nila ni Tita niya sa San Luiz.
''Madam Rose, puwede ba ako magtrabaho kahit na kasal na kami ng anak ninyo?'' alanganin kong tanong sa biyanan ko.
''Iha, wala sa akin ang desisyon kundi nasa asawa mo na. Pero palagay ko ay hindi ka niya papayagang magtrabaho sa iba. Maliban na lang kung bigyan ka niya ng trabaho sa opisina. Saka huwag mo na nga akong tawaging Madam Rose, just call Mommy. Asawa ka na ng anak namin at isa ka ng Hariss kaya Mommy at Daddy na ang itawag mo sa amin ng Daddy Antonio mo,'' ani Madam Rose.
''Sige po, Mommy Rose,'' nahihiya kong tugon sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin ng matamis at nagpaalam ng umalis. ''Sige, Iha. Pagpasensyahan mo na ang asawa mo. Hintayin mo na lang si Manang Divina para may kasama ka rito habang wala ang asawa mo. Tingnan mo na lang ang mga gamit mo sa loob ng silid ninyo ni Rayden.
Tango lang ang sagot ko. Pagkaalis nito ay pumasok ako sa silid na sinasabi niya.
Pagpasok ko roon ay bumungad sa akin ang malaking kama. King size ito at sinapinan ng kulay gray na bedsheet. Sa loob ng silid na iyon ay mayroong cosmetic cabinet na mga nakalagay ay iba't ibang brand ng pabango. Mayro'n din itong wardrobes na doon ay nakalagay ang kaniyang mga kurbata at mga tuxido. Naka-seperate naman ang kaniyang mga t-shirt na puro kulay puti at kulay itim. Walang ibang kulay ang kaniyang mga damit kun'di itim at puti lang.
Binuksan ko ang kabilang cabinet at nakita ko roon ang mga damit pangbabae. Naroon rin ang mga dala kong damit na galing sa traveling bag ko. Ang mga damit na iba ay mga bago pa at sa ibaba roon ay naroon ang bra at underwear. Mga bago ito at may mga pabango pang pambabae.
May mga wallets at mga bag din na puro branded sa glass organizer. Sa loob ng silid ay may sarili rin itong banyo at yari rin ito sa glass.
May sarili rin tv at sofa. May mga toys collection din siya. Subalit ang pinakamarami ay ang motor toys na iba't ibang desinyo.
Lumabas ako ng silid nang may nag-door bell. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Manang Divina.
''Good afternoon po, Senorita,'' bati niya sa akin.
''Good afternoon, Manang. Pasok po kayo,'' yaya ko sa kaniya. Pumasok naman siya sa loob.
''Gusto niyo po bang magmeryenda, Senorita?'' tanong nito sa akin.
''Busog pa po ako, Manang. Puwede po ba muna ako magpahinga?'' tanong ko kay Manang.
Napatango si Manang. ''Sige, Senorita. Matulog na po kayo sa silid ninyo ni Sir.”
Hindi pa ako nakabawi ng tulog ko kagabi sa 9th floor dahil sa namamahay ako. Pumasok ako sa silid ni Raydin at nahiga sa malambot na kama. Sa sobrang pagod at antok ko ay nakaidlip na ako, kaya nakalimutan kong kamustahin si Ruby Rose. Naalimpungatan ako ng gising nang may bumato ng unan sa mukha ko.
''Sino ang nagbigay ng pahintulot sa 'yo na matulog ka rito sa kama ko?'' naririnig kong tanong ng baretonong boses.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang pangit na mukha ng asawa ko kaya napasigaw ako sa sobrang gulat.
''Halimaw! Halimaw!'' bigla ako bumangon at napahawak sa dibdib ko nang ma-realize ko na asawa ko na pala ang halimaw na ito. Tiningnan niya ako ng masakit.
''Bumaba ka riyan sa kama ko!'' pabulyaw niyang utos sa akin. Bumaba ako at inayos ang aking buhok na lampas balikat.
''Pasensiya na dahil nakatulog ako,'' wika ko.
Sa halip na pansinin niya ako ay tinawag niya si Manang Divina.
''Manang! Manang!'' sigaw niya sa pangalan ni Manang Divina.
Dali-dali naman nagtungo si Manang sa silid niya. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa gilid ng kama.
''Ano po iyon, Senorito?'' namumutlang tanong ni Manang sa pangit na halimaw na ito.
''Palitan mo ang kubre kama ko at pati ang sapin ng unan!'' galit niyang utos kay Manang at tumingin siya sa akin ng matalim.
''Sino ang nagsabi sa'yo na dito ka matulog sa silid ko? Akala mo ba naka-jackpot ka dahil ikinasal ka sa akin? Alam kong pera lang ang habol mo sa pamilyang ito. Pero hindi mo mautakan ang isang tulad ko! Doon ka sa kabilang silid matulog! Dalhin mo roon lahat ng mga gamit mo!'' sigaw niya sa akin sa harap ni Manang.
Pakiramdam ko ay napahiya ako sa sinabi niyang iyon, kaya kahit lumalabo na ang mga mata ko dahil sa banta ng mga luha ko na gusto ng pumatak ay nilabanan ko ang kaniyang mga tingin.
''Ni minsan ay hindi ko inisip na naka-jackpot ako dahil sa pagpakasal sa'yo! Kundi ako ang pinakamalas na babae na nagpakasal sa halimaw na katulad mo. Kung ano ang kasing pangit ng mukha mo ay gano'n din kapangit ang ugali mo! Oo, pumayag akong magpakasal sa'yo dahil para mabayaran ko ang utang ng pamilya ko sa inyo, pero wala kang karapatan na insultuhin ako. May pera ka lang, akala mo may magpapakasal sa katulad mong pangit at maldito ang ugali kung wala kang pera? Nilunok ko ang pride ko at pikit matang nagpakasal sa'yo dahil ako ang pambayad ng utang ng pamilya ko sa pamilya mo! Kaya, wala kang karapatan na insultuhin ako!''
Pagkasabi ko sa kaniya ng ganoon ay tumalikod na ako nagtungo sa kusina. Umiyak ako nang umiyak dahil sa sama ng loob. Kailangan niya pa bang ipamukha sa akin na pera lang ang habol ko sa kaniya? Tama nga ang tsismis na pangit na nga siya pangit pa ang ugali. Bakit ba ang malas ko sa buhay? Kung may paraan lang sana na hindi ako maikasal sa lalaking ito ay hindi na sana ako pumayag na makasal sa halimaw na iyon.
Lumabas ako sa condo unit at nagtungo sa labas. Umumupo ako sa single sofa at tanaw mula rito ang City ng San Agustin. Naalala kong tawagan si Ruby Rose. Tatlong ring lang ay sinagot niya na ito.
''Saan ka ba? Pumunta ako sa bahay ninyo walang tao,'' aniya sa kabilang linya.
''Narito ako sa San Agustin. Hindi na ako nakapagpaalam sa'yo dahil maaga kaming umalis,'' sagot ko.
''Bakit nakaabot ka riyan sa San Agustin? Ano ang ginagawa mo riyan?'' nagtatakang tanong niya.
''Ikinasal na ako, Ruby. Ikinasal ako kay Mr. Hariss, the ugly billionaire's in Maharlika,'' tugon ko kay Ruby.
''Wee, 'di nga? 'Yong bilyonaryo na pangit na ayaw magpakita sa camera? 'Yong anak nila Don Antiono Hariss at Madam Rose? 'Yong may ari ng Multi Tower Condominium at may ari ng Construction Magnate at Real State Owner dito San Agustin at Holand City?'' paniniguradong tanong sa akin ni Ruby.
''Oo, biglaan lang naman. Kailangan ko siyang pakasalan dahil alam mo naman na lubog kami sa utang sa pamilyang iyon. Gusto ko na magbigti kung hindi lang masama,'' mangiyak-ngiyak kong sumbong kay Ruby.
''Eh, paano na ang pangarap mong makapag-asawa ng tall, dark and handsome kahit hindi mayaman?''
Napabuntong hininga ako. ''May magagawa pa ba ako, Ruby? Sadyang ganito na ang kapalaran ko, kaya tanggapin ko na lang sa sarili ko na ganito ang ibinigay na kapalaran sa akin.”
''Well, congrats sa'yo. Atleast makakatikim ka na ng langit,'' panunukso niya.
Napaismid ako sa kaniyang sinabi. ''Anong langit? Impyerno kamo! Hindi ko basta-basta isusuko ang sarili ko sa lalaking iyon!''
''Ano ka ba? Pumikit ka na lang kapag maghoneymoon kayo,'' tawa niya pang panunukso sa akin.
''Haysss! 'Di bali na lang. Bye na, baka may ginagawa ka pa,'' masungit kong tugon.
''Sige, ingat. Goodluck sa honeymoon niyo ng pangit mong asawa, hahahaha!'' ani Ruby saka pinatay na ang cellphone.
Napabuntong hininga na lang ako sa baliw kong kaibigan. Sakto naman sa pagbaba ko ng cellphone ay lumabas si Manang Divina.
''Senorita, pumasok na kayo sa loob dahil mainit ang ulo ni Senorito. Aakyat na po ako sa 9th floor dahil ayaw po ni Senorito na may katulong.”
''Sige po, Manang. Papasok na po ako,'' sagot ko at pumasok na ako sa loob. Si Manang naman ay umakyat na rin sa 9th floor.
Pagpasok ko sa loob ng unit ay naabutan ko ang halimaw kong asawa na dala-dala ang aking mga gamit mula sa loob ng silid niya. Tumapat siya sa harap ko at pabato niyang itinapon sa akin ang mga damit ko. Naglaglagan naman ang mga gamit ko sa aking paanan.
''Ilipat mo ito sa silid na 'yan. Ayaw ko may kasamang mukhang pera!'' galit na sigaw niya sa akin na siyang nagpanginig sa aking kalamnan.
Ang bilis ng kamay ko, kaya nasampal ko siya ng malakas sa kanang pisngi niya. Napatagilid siya at agad na bumaling sa akin. Ang reaksyon ng mukha niya ay hindi makapaniwala sa ginawa kong pagsampal sa kaniya.
''Mukhang pera man ako sa paningin mo atleast mukha lang. Eh, ikaw? Pangit na! Demonyo pa! Kung may magagawa lang ako para mabayaran ko ang mga utang ng pamilya ko sa inyo gagawin ko para lang maging malaya na ako sa kasal na walang kuwenta!'' pasigaw kong sabi sa kaniya. Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko sa tagiliran ng aking mga mata.
''Gusto mo makabayad? Puwes, maging katulong kita rito sa loob ng bahay. Huwag kang mag-expect na ituturi kitang asawa!''
''Kung biro lang sa'yo ang kasal, Raydin, sa akin hindi! Dahil kahit ano pa ang gawin mo sa mata ng Diyos at sa mata ng tao ay mag-asawa pa rin tayo! Kung hindi mo ako ituturing asawa, sige lang dahil kung gagantihan ko ang kasamaan na pinapakita mo sa akin ay para na rin akong katulad mo na walang modo!'' garalgal kong sagot sa kaniya. Pinulot ko ang aking mga damit at pumasok ako sa isang silid. Malaki naman ang silid na iyon at may cabinet rin. Iniwan ko siyang hindi nakaimik.
Gusto ko ipakita sa kaniya na kahit pangit siya ay puwede ko naman siyang mahalin kahit na ganoon ang itsura niya basta maging mabait lang siya. Hindi naman ang mukha ang tinitingnan ko kundi ang ugali niya. Gusto kong patunayan sa kaniya na hindi lahat ng babae ay pera lang ang habol sa kaniya. Oo, pera man ang dahilan sa pagapayag kong pagpakasal sa kaniya dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya at ni Tita.
Matalik na magkaibigan si Tita at Mommy Rose simula noong highschool pa raw sila. Mula pagkamulat ko ay laging pumupunta ang mag-asawa sa bahay dahil may mga business ang mga ito sa San Luiz na Real Estate. Noong buhay pa raw ang Papa ko ay palagi nila itong kasama. Mabuti pa ang buhay ko noon at nakapag-aral pa ako sa kolehiyo sabi ni Tita.
Ngunit first semester lang sa first year college ang naabot ko dahil nalubog na kami sa mga utang. Gustong-gusto ako nila Mommy Rose at Daddy Antonio. Kaya, no'ng nagkautang sina Papa at Tita ay sinabi ng mag-asawa na hindi na nila sisingilin kami basta pakasalan ko ang kaisa-isa nilang anak na lalaki.
Ilang buwan din nila akong pinakiusapan bago nila ako napapayag na magpakasal. Kaya, ito na nga at ikinasal na kami kanina ng pangit kong asawa.