bc

Yesterday's Mistake (Las Palmas Series #3)-SPG

book_age18+
336
FOLLOW
2.3K
READ
billionaire
forbidden
opposites attract
pregnant
independent
heir/heiress
drama
bxg
scary
loser
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Matatama ba ang pagkakamali ng kahapon sa hinaharap?

Sabi nila walang ina ang makakatiis sa anak. Ngunit paano kung ang isang ina habang nasa sinapapunan pa lang ang kaniyang anak ay nagawa niya ng ibinta ito sa ama ng mga ito? Bakit kailangan gawin iyon ng isang ina? Makatarungan bang binayaran siya ng isang mayamang lalaki para lang dalhin sa sinapupunan niya ang tagapagmana nito?

Dinadala ni Adelia ang tagapagmana ng isang mayamang tao na hindi niya kilala at hindi man lang niya nakita ang mukha. Hindi rin siya nito kilala at hindi rin nakita ang kaniyang mukha nang ginagawa nila ng estrangherong lalaki ang tagapagmana nito. Sa madilim na silid ay mabubuo ang kambal. Isinilang ni Adelia ang kambal na hindi man lang niya nakita at nahawakan dahil agad itong kinuha ng ama ng mga ito. Isang kontrata at pirasong papel ang makapagbabago sa buhay niya. Paano makakatulog si Adelia, gayong inuusig siya ng kaniyang konsensiya? Malaking halaga kapalit ang kaniyang mga anak. Paano niya hanapin ang lalaking nagbayad sa kaniya para lang isilang ang kambal? Matatagpuan kaya ni Adelia ang kaniyang mga anak at ang lalaking nagbayad sa kaniya ng malaking halaga? Maitatama niya kaya ang malaking pagkakamali sa kahapon niyang nakaraan? Ano ang naghihintay na kapalaran ni Adely?

chap-preview
Free preview
Episode 1
CHAPTER 1 ADELIA "Adelia, gusto mo ba makapera ng malaki?" tanong sa akin ni Ma’am Badet, habang nang nagpapalit ako ng bedsheet ng kama. Mataas ang posisyon niya rito sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. Sabi pa nga ng iba kong kasamahan sa trabaho, malapit sa may-ari ng Castillo Hotel si Ma’am Badet. “Syempre naman po, Ma'am Badet. Sino ba naman ang hindi gusto magkaroon ng maraming pera?" agad kong tugon sa kaniya. “May bago ba tayong raket diyan?" interesado ko pang tanong sa kaniya. "Sige, mag-usap tayo mamaya pag-break time mo," wika nito sa akin saka nagmamadali na itong tumalikod at umalis. Nakangiti naman ako na pinagpatuloy ang pagpapalit ko ng bed sheet sa silid na ito. Kaalis lang ng guest rito na nagchick-in kahapon, kaya kailangan na naman palitan ng sapin ang kama, pati na rin ang punda. Mabuti na lang at maganda ang napasukan kong trabaho ngayon. Gusto ko pa sana magpatuloy sa pag-aaral, subalit kailangan kong mag-ipon para may pangpiyansa ako kay Tito Cardo, na nakakulong ngayon. Si Tito Cardo, lang ang pamilya na mayroon ako. Siya na ang nagsilbing mga magulang ko simula ng mamatay ang aking ina at ama. Lumipas ang ilang oras natapos na ang paglilinis ko sa isang silid. Sumapit na rin ang break time ko. Nagchat si Ma'am Badet, na magkikita kami sa lobby ng hotel. Nagtungo ako sa locker area upang kunin ang aking bag. "Adelia, sabay na tayo magmerienda," aya sa akin ni Thelma na kasama ko sa trabaho. “Hindi ako makakasabay sa’yo dahil may pag-uusapan pa kami ni Ma’am Badet,” tanggi ko kay Thelma. Nagmadali na akong umalis pagkatapos kong kunin ang aking bag sa sarili kong locker. “Hoy, Adelia! Hintayin mo ako!” tawag pa sa akin ni Thelma. Hindi ko na siya pinansin dahil excited na ako na malaman kung ano ang pagpeperahan na sinasabi ni Ma’am Badet sa akin. Ayaw ko talaga isama si Thelma. Baka mamaya maudlot pa ang swerte ko. Nagmamadali kong tinungo ang lobby ng hotel. Nakita ko si Ma’am Badet, na nakaupo at naghihintay sa akin. “Ma'am Badet, kanina pa po ba kayo?" tanong ko sa kaniya nang makalapit na ako. "Hindi, naman! Mabuti pa doon na tayo sa likod ng hotel. At least walang makarinig sa pag-uusapan natin. Doon tayo sa coffee shop.’’ Pumayag naman ako sa paanyaya ni Ma'am Badet. Mukhang seryoso ito sa kung ano man ang pagpeperahan na sinasabi niya sa’kin. Tumayo na siya at lumabas na kami sa hotel. Sumakay kami sa kaniyang kotse at nagtungo sa coffee shop na sinasabi niya na sa likod lang ng hotel na pinagtatrabahuhan ko. Ilang sandali ang lumipas nakarating kami sa parking lot ng coffee shop. Bumaba kami at pumasok sa loob ng coffee shop saka nag-order ng cold coffee. Umupo kami sa bakanting upuan. Seryoso itong nakatingin sa akin. Mukhang nag-aalangan siyang sabihin sa akin kung man ang inaalok niyang pagpeperahan namin. "Ma'am, sabihin mo na sa akin kung ano ang pagpeperahan na sinasabi mo. Kahit ano pa 'yan, papatusin ko," pangungumbinsi ko sa kaniya. "Sigurado ka, Adelia. Wala na kasi akong ibang maisip kundi ikaw lang. Bukod sa dalaga ka, mukhang wala ka namang boyfriend.” "Wala po talaga akong boyfriend dahil wala namang nangahas nan manligaw sa akin. Mayroon naman po, ngunit lasingero naman. Sabihin mo na po sa akin kung ano po ang inaalok niyo sa akin na pagpeperahan. Kailangan na kailangan ko po talaga ang pera ngayon," pakiusap ko pa kay Ma'am Badet. "Payag ka ba na maging surrogate mother?" deretsahan niyang tanong sa akin. Medyo nag-blanko ang isip ko sa sinabi ni Ma'am Badet. "Surrogate Mother? Magdadala ako ng anak na hindi sa akin? lyong tinuturok na lang sa matres ko tapos magiging baby? paninigurado kang tanong sa kaniya. Sinisigurado ko lang kung ka tama ba ang pagkaintindi ko. “Oo, malaking halaga ang ibabayad sa'yo kung hindi ako magkakamali 50,000 dollars ang ibabayad sayo. Maliban doon sa allowance mo kapag nagdadalang tao ka na," paliwanag ni Ma’am Badet. Parang namangha ako sa halaga na sinabi ni Ma'am Badet. Sayang din naman iyon kapag tinanggihan ko. Mababayaran ko na ang piyansa ni Tito Cardo. Mapapaayos ko na rin ang kubo ko. Marami na akong magagawa sa pera na iyon. "Sige, Ma'am Badet. Papayag po ako. Kahit bukas na bukas ituturok na sa matres ko ang sperm para maging bata," agad kong sang-ayon kay Ma'am Badet. "Pero Ma'am Badet, virgin pa po ako. Manganganak akong virgin katulad ni Mama Mary?” tanong ko kay Ma'am Badet. Medyo naguguluhan pa kasi ako. "Huwag ka mag-alala hindi ka naman siguro mahirapan manganak. Bukas huwag ka na pumasok para pumunta tayo sa ob-gyne at matingnan ang kalusugan mo at kung kailan ka pwedeng turukan." Tumango-tango naman ako sa pahayag ni Ma'am Badet. “Paano po iyon, Ma'am Badet? Ibibigay na ba kaagad sa akin ang pera?" tanong ko. Hindi na ako nahiya pa dahil pera lang naman talaga ang pakay ko. “Syempre hindi pa ibibigay sa 'yo ang full payment. Siguro sa bawat turok bibigyan ka lang ng ilang porsyento, at syempre ang allowance mo. At bago gawin iyon may kontrata tayong pepermahan, lalo ka na. Kailangan talaga na may kontrata kang lalagdaan dahil baka pagdating ng araw maghahabol ka sa mga bata," paliwanag naman ni Ma’am Badet sa akin. "Oo, naman kailangan talaga may kontra tayo. Baka mamaya paglabas ng bata iwanan siya sa akin ng mga magulang niya. Ano naman ang ipapakain ko sa kaniya?” sabi ko kay Ma’am Badet. Mabuti na iyong may kontrata para hindi na ako madihado. "Sige, Ma'am Badet. Sigurado na po 'yan, ha? Wala na pong bawian ha?" paninigurado ko sa kaniya. "Ako dapat ang magsalita niyan sayo. Sigurado ka na ba?" balik niyang tanong sa akin. Ayos lang naman sa akin dahil ituturok lang naman sa matres ko ang egg cell ng babae at sperm ng lalaki para mabuo ang baby sa matress. "OO naman, Ma'am Badet. Sigurado na po ako," sabi ko at ininom ko na ang cold coffee na in-order namin. Pagkaubos ng coffee namin ni Ma'am Badet ay bumalik na kami sa aming trabaho. “Pag-isipan mo ng maigi ang alok ko sa'yo, Adelia. Wala ng bawian ito kapag nakaperma ka na ng kontrata," pahabol pang sabi ni At Malam Badet, bago kami nagkahiwalay patungo sa aming mga trabaho. Magdadalawang isip pa ba ako eh ang laki na ng pera na offer sa akin. Siyam na buwan ko lang naman ko lang naman dadalhin sa sinapupunan ko ang bata. Kinagabihan umuwi ako sa apartment na inuupahan ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang offer pa akin ni Ma'am. Instant yaman ako kapag nagkataon. Maramı na akong iniisip kong ano ang gagawin ko sa pera. “Adelia, saan ka ba galing? Bakit magkasama kayo ni Ma'am Badet kanina?” nagtatakang tanong ni Thelma sa akin. Magkasama rin kasi kami ni Thelma sa apartment. Hati-hati kami sa bahay para hindi mabigat sa pagbayad. Ngumiti lang ako kay Thelma. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Thelma ang offer ni Ma'am Badet. "Wala. May mahalaga lang sinabi sa akin si Ma'am Badet. Outside na iyon sa trabaho natin," wika ko kay Thelma. Umingos siya at tumabi sa akin. "Ano ba 'yon? Share mo naman sa akin,” lambing ni Thelma. Subalit wala talaga akong balak sabihin sa kaniya ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Ma'am Badet. Mahirap na at baka mabulelyaso pa. "Matutulog na ako. Thelma. Maaga pa kasi ako bukas. May pupuntahan ako bukas, kaya hindi siguro ako makakapasok," sabi ko kay Thelma para hindi na siya magtatanong pa. “Hindi ka na naman papasok? Wala ka na naman sasahurin sa sahuran. Hindi ka na naman makakabayad ng utang mo sa akin," nakasımangot na sabi ni Thelma sa akin. Bumaling ako sa kaniya. Malaki nga naman talaga ang utang ko sa kaniya. "Hayaan mo makakabayad na rin ako sa'yo kapag natuloy ang bago kong trabaho. Babayaran na kita ng buo," "Ano ba talaga ang bago mong trabaho? Saka saan ka pupunta bukas? Huwag mong sabihin mag-aasawa ka na ng foriegner?" panunukso pa nito sa akin. "Puwede rin! Sige na, matutulog na ako," paalam ko na sa kaniya. Baka hindi na naman kasi maputol ang usapan namin. Pumasok na ako sa aking silid at nahiga. Nararamdaman ko na ang pagbabago ng kapalaran ko. Iniisip ko na makalabas si Tito sa kulungan. Mapapalakihan ko na kubo ko at magiging bahay bato na ito. Makapag patulog na rin ako sa pag aaral ko. Tapos kapag maka-graduate na ako, makahanap na ako ng magandang trabaho. Mabibili ko na ang gusto kong bilhin at pinapangarap na motor ni Tito Cardo. Excited na ako na mahawakan ko ang pera. Kinabukasan maaga pa ako nagising. Maaga pa ako nagluto at naligo. Sakto naman na pagkatapos kong maligo, luto na ang sinaing ko sa rice cooker. Nagluto na muna ako ng ulam saka kumain bago ako nagbihis at nag-ayos ng aking sarili. Kaunting make up lang naman ang nilagay ko sa aking mukha para hindi naman ako magmukhang mahirap. Pagkatapos ko na mag-ayos ay nagtungo na ako sa hospital, sa Las Palmas hospital. Doon na kami magkikita ni Ma’am Badet. Kailangan ko raw magpatingin sa doctor para malaman kung healthy ako. Mayaman siguro ang mag-asawa na uupa sa sinapupunan ko. Lumipas pa ang mga oras ay dumating ako sa Las Palmas Hospital. Nauna Iang ako ng kaunti kay Ma’am Badet. “Handa ka na ba, Adelia?" tanong sa akin ni Ma'am Badet habang patungo kami sa room ng ob-gyne na titingin sa akin. "Handang-handa na po ako, Ma'am Badet. Kapag fit po ang matres ko na magdadala ng bata, gora na po ako," walang alinlangan kong sagot kay Ma'am Badet. "Mabuti naman kung ganoon. Kapag walang problema sa Medical mo ipapahanda ko na sa abogado ang kontrata. Tapos may matanggap kang paunang bayad at may sarili kang accomodation hanggang sa manganak ka,” wika naman ni Ma'am Badet ikinatuwa ko pa. Wala akong ibang iniisip kundi ang pera. Kung kayo rin siguro sa katayuan ko at walang wala ka na, walang maaasahan at matasandalan, tatanggapin niyo rin siguro ang offer ni Ma’am Badet sa akin. Ilang sandali pa ay pumasok na kami sa loob ng silid ng ob-gyne. “Good morning, Dok. Ito pala ang sinasabi ko na magpapatingin kung fit siya na magdadalang tạo," bati ni Ma’am Badet sa doktora. "Siya nga pala si Adelia, Adelia, si doktor Aime de Guzman. Siya ang magiging doktor mo," pakilala pa ni Ma’am Badet sa amin ni Doktor. “Magandang umaga po, Dok," nakangiti kong bati sa doktor. “Magandang umaga rin. Hali ka para matingnan na kita,” aya nito sa akin. Hinawi niya ang kurtina at pinahiga ako sa bed. Marami siyang sinuri sa akin. Pinahubad niya ako at may aparatos siyang ipinasok sa iniingatan kong tahong. Medyo masakit, ngunit tinis ko nalang. Shota, ang aparatus pa yata ni Dok ang naka-virgin sa akin. “Dok, kailangan pa talaga ipasok 'yan sa hopia ko?" nakangiwi kong tanong kay doktor de Guzman. Ngumiti lang si dok sa tanong ko. “Kailangan e-ultrasound ang matres mo para malaman natin kung puwede ka magdalang tao," paliwanag naman ng doktora sa akin. Pagkatapos ng ultrasound ko ay kinuhanan naman ako ng dugo. Ang dami pang mga katanungan tungkol sa regla ko. Kung kailan matapos ang regla ko sa buwan na ito o kailan ang regle ko. Daig ko pa yata ang mag-apply ng trabaho sa interview pa lang sa akin ni Dok de Gurman. Napahinga lang ako ng maluwag ng matapos akong suriin ni dok. Kasalukuyan na nakaharap kami ni Na'am Badet sa, ob-gyne ko. "Well, healthy naman si Miss Adely at fit siya na magdalang tao. Pero ang result niya bukas pa makukuha. Normal naman ang matres niya kaya puwedeng puwede siya magbuntis. Sa susunod na linggo pa ang evalution niya," sabi pa ni Dok de Guzman. Hindi ko naman maintindihan kung ano ang mga evalution na sinasabi niya. “Maraming salamat, Dok. Bukas ko na lang daanan ang result ni Adelia. Hindi na kami magtatagal dahil may trabaho pa ako,” paalam na ni Ma'am Badet sa doktor. Tamayo na rin ako at nakipagkamay kay Dok Aime. "Maraming salamat po, Dok. Aparatus po ang nakavirgin sa akin," pasalamat ko kay Dok. Siniko naman ako ni Maam Badet dahil doon sa sinabi ko. Paglabas namin sa hospital ni Ma'an Badet ay sumakay na kami sa kaniyang sasakyan. "Wala na itong urungar, Adelia, ha? Ihahatid na kita sa apartment mo para makapagpahinga ka. Huwag ka na muna pumasok. Susunduin kita kapag nagawa na ang kontrata. Pagkatapos mong magpirma ililipat na kaagad kita sa condominium na pansamantala mong tirahan," wika ni Ma'am Badet, habang nasa harap na siya ng manibela. "Wala pong problema sa akin, Ma'am. Wow, titira ako sa condominium? Kahit pansamantala lang pero pangarap ko talaga na makatira sa condominium, Ma'am,” excited kong sabi kay Ma’am Badet. Hindi naman siguro halata na ambisyosa ako, subalit parang ganon na nga. Ang dami kong pangarap na parang suntok sa buwan ko na matutupad. Sabi nga nila habang may pangarap ka, huwag kang mawalan ng pag-asa. Marami akong pangarap para sa amin ni Tito Cardo. Ang totoo ayaw ko na bumalik sa pagtatanim ng palay, Nakakapagod sa maghapon na nakayuko kaya nga sinikap ko talaga na makapagtrabaho sa hotel. Ilang sandali pa ang lumipas, nakarating na kami sa apartment sa inuupahan ko. “Salamat, Ma'am Badet,” pasalamat ko sa kaniya bago ako bumaba sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na gagawin ko, pero para kasi sa isang katulad ko mahalaga sa akin ang pera at para sa kinabukasan namin ni Tito ang ginagawa pong ito. Malalim akong bumuntong hininga bago pumasok sa Ioob ng apartment. Wala akong ginawa kundi matulog buong araw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
67.9K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
36.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
238.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.6K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
91.2K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
46.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook