“Amor..." Nalipat ang kaniyang tingin sa lalaking nakatayo sa likuran ni Sian. It was Shaud, sino pa ba ang taong tumatawag sa kaniyang amor? Ang binata lang naman. Ilang segundo silang nagkatitigan bago nalipat ang tingin ng binata sa kaniyang tabi which is ang kuya niya. “Can I borrow your sister for a talk?” tanong nito. Kaagad naman siyang napalingon sa kaniyang kuya at hinintay ang isasagot nito. “Yeah, ingatan mo lang.” tipid nitong sagot kaya naibalik niya ang kaniyang tingin sa binata at taasan ito ng kilay. Nakita niyang tipid itong ngumiti, “Let’s talk?” he mouthed. Humugot siya ng malalim na hininga at nagpaalam sa dalawang lalaking kasama niya. “We’ll just talk, see you later, lalo kana Sian. Marami ka pang kailangang sabihin sakin.” sambit niya at pinanlakihan ito ng

