"Hara, anong oras ka dadating dito?" hindi niya mapigilang mapahilot ng sentido. "I'm on my way na po, nandyan na po ba ang ibang cast? Gosh, I'm sorry, ang traffic lang po." alalang sagot niya. Hindi na niya alam kung ilang oras na silang stuck sa traffic, Sian even advised na 6:30 am aalis na sila para iwas traffic which they did pero naabutan pa rin sila. 9 am pa naman ang script reading nila tapos mukhang malalate pa siya. Aish, kailan ba kasi mawawala ang traffic? Isa ito sa maraming rason kung bakit ayaw niya sa manila. Napakatraffic, para silang mga isdang nagsisiksikan sa isang lata. "Unti-unti na silang dumarating. Ikaw, ang leading man, ang director at ibang casts nalang ang kulang. Malayo pa ba kayo?" "Malapit na po, maybe 10 minutes away from there kaso traffic nga po.

