“Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni Hara?” tanong ng kaniyang kaibigan kaya walang imik siyang umiling. “Ikaw kasi, ang oa mo masyado. Alam mong lasing lang ‘yong tatay niya, syempre expected na ano-ano ang lalabas sa bibig ‘non.” dagdag nito. Nilingon niya ang kaibigan at sinamaan ng tingin. “If you’ll never say those words when you’re on my shoes.” Napaisip naman si Kevin at kapagkuwan ay napatango na para bang sumasang-ayon na ito sa sinabi niya. “Well, kahit ako rin naman ay magseselos kung ibang lalaki ang inakalang jowa ng anak niya— wait, hindi naman kayo ni Hara kaya—ha? Wala akong sinabi.” hindi natapos ang sanay sasabihin nito tungkol sa dalawa ng masamang nakatitig sa kaniya si Shaud. “Ah, kumain tayo?” kunwaring tanong nito at nagmamadaling naglakad papasok sa kusina ng kan

