“What’s with the long face? Nag-away ba kayo ng boyfriend mo? I assume that the one who called was your boyfriend.” bungad na tanong ni Toiren sa kaniya ng siya ay makapasok sa waiting room nila. “Last time I checked, wala akong jowa. He was just a friend.” sagot niya na may maliit na ngiti sa labi. Nilingon niya ang binata mula sa salamin dahil bigla ito natahimik. Hindi niya mapigilang mahinang matawa ng may halong pagdududa ang tingin binibigay nito tingin. “What? Hindi ka naniniwala? Bahala ka.” natatawang wika niya at ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng bag. Umalis saglit si Sian kasama ang manager niya dahil bibili raw ito ng makakain nila habang ang manager naman ni Toiren ay may inaasikaso tungkol sa schedule nito sa kompanya nila. “You know, I had a close friend,” simula n

