Panay na ang mura ni Adam ng mapansin kung saan ang daan na tinatahak nila Mikay at Hiro, wala na sana siyang balak sundan ang mga ito basta namalayan na lang niya para siyang tanga na nakasunod sa mga ito. Ang utos ng ama niya bumalik na siya sa Cavite ngayon gabi at next week niya balikan si Mikay pero heto at hindi niya magawang iwan si Mikay lalo na at may bagong asungot na mukhang exchange agent ng Silver City, ibig sabihin lang meron nanaman senior agent na aalis. At kung captain mismo ang pinadala ng Vietnam ibig sabihin meron mataas na katungkulan din ang papalitan nito. "Thunder." mahinang bulong si Adam, sa pagkakatandan niya meron nga itong mission noon na pinahahawakan ang ama niya, marahil na finalize na kaya aalis na din ito papunta naman Pakistan. Hindi nga nagkamali si A

