Nakapag decide na si Adam, makikipag sabayan siya. He needs to take a risk para palabasin na ang dagang nag tatago sa mga luga nito. Malalaki ang hakbang ni Adam patungo sa office ni Nurse Gladys, tahimik ang paligid ng angel's nest, kasalukuyan ng nasa kanya-kanyang silid na ang mga matatandang pasyente ng facility. Pagdating niya sa office ng head nurse kumatok lang siya ng dalawang sunod saka agad na pumasok sa loob ng maliit na nurse’s office ni Gladys Amurao. Maayos ang lahat, maaliwalas ang silid. Ang mga chart nakasalansan ayon sa kulay ng label, ang monitor ay naka-loop lang sa patient vitals, at si Gladys, abala sa pag-aayos ng mga report, mukhang hindi inaasahan ang biglang pagpasok niya. Kung noon nangiti siya at agad na nag bibigay galang dito pero ngayon nakipag titigan lan

