Kung tutuusin, wala namang tunay na nagbabantang panganib...sa kanila ngayon ni Adam pero sa utak ni Mikay? Lahat ng sulok ng bahay na yun parang may nakatagong undead na parang nag-iintay lang ng perfect timing para saniban siya at i-possess. At ang problema niya ngayon iiwan siya ni Adam mag-isa sa bahay dahil kailangan nitong lumabas at bumili ng mga kailangan nilang essentials. Gusto niyang sumama pero kahit siya alam niyang hindi ligtas kung magkasama silang aalis. “Will you be alright here, alone?” sabi ni Adam habang nilalagay ang cap na nakuha nito dun. “Malamang hindi, nag jojoke ka ba?" tanong pa ni Mikay na hindi pa man nakakaalis si Adam malikot na ang mata niya 9am palang ng umaga at tirik na tirik ang araw sa labas. “Ayaw ko dito mag-isa. Ramdam ko yung mga kaluluwa sa k

