“Mga ladies, mga gentlemen, at mga hindi namin sure pero mahal namin just the same… WELCOME to the most awaited… the most iconic… at the most kalat-filled portion of tonight: THE TALENT SHOW OF MR. POGAY!!!” Malakas na nagsigawan ang audience, may nagtatakbuhan pa papunta sa harap na parang may relief good na ipapamigay. “Alam n’yo, kung kanina nag pakilala na ang ating mga nag gagandahang lalaki sa entablado… ngayon, TALENT naman ang pag-uusapan! Oo, talent—yung minsan mayroon ka, minsan wala ka, at minsan… ini-imagine mo na lang na meron.” Muling nagtawanan ang lahat. Nang bigla napatingin ang lahat sa madilim na kalangitan dahil sa pagdaan ng isang helicopter. “Ay, hala. Sino ‘yan? Hindi po kami sanay na may helicopter sa Mr. Pogay…Usually po kasi, ambulansya lang ang nakakakuha ng

