Nag tutulakan pa si Adam at Mikay habang papasok sa loob ng breifing room sa loob mismo ng Silver City Elite Force Headquarters. Tanghali palang sumasabay pa ang init ng ulo nila sa init ng panahon. Mainit pa rin ang tensyon matapos ang kaguluha. Tahimik ang lahat ng agents na naroon sa loob ng briefing room habang nakaupo sa malapad na salamin na table. Sa gitna, nakatayo si Chief Luzifer Brichmore ama ni Adam na matalim ang tingin, hawak ang folder ng bagong mission. Sa harapan sila pinapuwesto nito, magkatabi pero halos maglayo ng isang metro sina Adam at Mikay. Parehong nakakunot ang noo at nakasimangot, parehong nagbabantaan ng mga tingin kapag napapalingon sa isa't-isa. “Since hindi niyo matigil ang bangayan niyo… bibigyan ko kayo ng paraan para mailabas niyo ang init ng ulo. Effec

