Tahimik lang si Adam, nakatayo sa harap ng mesa ng ama niyang si Chief Luzifer. Naka-cross arms pa siya, habang iniintay ang ama sa pakikipag-usap sa cellphone nito. Huminga siya ng malalim pinatawag-tawag siya may kausap naman pala ito. Nakasimangot siya na parang wala nang pakialam sa kahit ano. Pero nabasag ang kanyang composure nang marinig ang sinabi ng ama sa kausap nito na ikinagulat niya. “Effective immediately, ililipat na si Agent Mikaela Razon sa Vietnam branch. Matagal na ‘tong nakaplano. She needs growth, and frankly… distance. Too much distraction dito.” awang ang labi nanlaki ang mata ni Adam, hindi niya inaasahan ang bagay na yun. Kahapon lang kaharap niya si Mikay. Buong akala nya kaya hindi niya ito nakita kainang umaga dahil nasa field yun pala ililipat na it

