Ang buong langit ng Rodriguez ay kulay abo na sa kapal ng usok na nag gagaling sa loob ng facility, puno ng usok at abo na ang paligid ng bundok kung saan nakatago ang demonyong si Richmon ay halos nagliliyab na ang ilang mga building, bawat sulok may apoy, bawat corridor may putok ng baril na umuulan. Sa malayo, dinig ang sigawan ng mga tumatakas na staff at ang alingawngaw ng alarm na paulit-ulit na sumisigaw ng ... “Evacuate immediately!” “Target perimeter, five guards left!” bulong ni Railey habang magakakasunod silang pumapasok sa loob ng facility. Marami ng patay na guard dog sa paligid. Malinaw na hindi lang sila ang may gustong pabagsakin ang facility na yun. Sevy, left flank!” utos ni Skyler para silang mga grupo ng langgam na mag kakadugtong na hindi puwedeng masira ang format

