“Arayyy… hmm, masarap pala kumagat si baby shark.” bulong ni Adam ng marating na sila sa harapan ng bahay ni Nurse Gladys, na kunwari pang humawak sa balikat si Adam na nakangisi. Lalong nagngitngit si Mikay, habang si Adam naman, aliw na aliw sa pang-aasar sa kanya dahil alam nitong hindi siya makakaganti ngayon dahil kay Nurse Gladys. Pagkababa nito sa tapat ng maliit na apartment na pawang hindi din kilalang subdivision sa Cavite, inaya agad sila ni Nurse Gladys na dun na mag-almusal. “Tara na wag na kayong mahiya, ako lang naman nakatira dito." malawak na ngiti nito. "Dito na muna kayo mag-almusal. Mabilis lang naman ako mag luto, anong oras na din naman oh! Hindi ba at papasok ka na ngayon sa angels." wika pa ni Gladys na ikinatango naman ni Adam. "Kaya tama dito na lang kayo kuma

