Maaga bumangon si Adam, maaga siyang naligo, maaga siyang nagbihis. At maaga siyang magsinungaling muli kasi ngayon, kahit sinabunan at sinermunan na siya ng ama kagabi, kahit halatang-halata siyang obsessed na siya sa babae, kahit wala na siyang badge, lisensya, o kahit anong papel para magkunwaring agent pa… heto siya. Papasok sa school bilang “undercover transfer student” ng IT department. Para saan? Para makita si Mikay, para mabantayan si Mikay, para mahalin si Mikay—even if ayaw pa siya nito sa ngayon ipipilit talaga hindi puwedeng hindi sila ang magkatuluyan. Pababa na siya ng hagdan nang… ng magulantang sa lakas ng sigaw ng ama. “ADAMSON BRICHMORE!” Ayun at nahuli siya ng ama, naglalakad at naka crossed arm. Buong akala niya tulog pa ito kaya nga inagahan niya ng gising para maag

