"Ano ba tumigil ka na nga, hindi ako na aawa sa'yo na iirita ako sa'yo Adamson." wika ni Mikay na nilingon si Adam na naka upo sa bakal na upuan sa garden ng bakuran ng mansion na bahay ng mga Lolo Ivo at Lola Luxme niya na sila na ang nakatira. "Sorry, hindi ko mapigilan." ani Adam na panay ang pahid ng luha na umaagos sa pisngi nito at panay ang singa nito sa panyo nitong dala. "Saka bakit ka ba naka sumbrero hubadin mo nga yan hindi bagay sa'yo. Ang bad boy look," utos ni Mikay, inalis naman agad ni Adam ang sumbrerong suot nito habang nakayuko. Natigilan si Mikay ng makita ang sobrang iksi ng buhok ni Adam or mas tamang sabihin na parang bago pa lang natubo ang mga buhok nito. Nakita pa niya ang isang parte ng ulo nito na parang hukay at kita pa ang pinag tahian. "Anong nangyari sa'

