Naka simangot naman si Adam habang nakahiga sa malamig na sahig na may kutson nga manipis naman, hawak-hawak pa niya ang tagiliran kung saan siya sinipa ni Mikay ng bumagsak sa sahig matapos ang malupit pero nakakatawang logical na tanong ni Mikay. Kumuyom ang kamay niya, na ningkit ang mga mata na para bang nag-iisip kung paano babawi. Samantalang si Mikay naman ay tawang-tawa pa habang pabirong nag bi-beatbox para asarin siya. Boom tska room tska zoom tska doom, Clap tap snap trap—Adam go kaboom! Adam so slow, parang laging low, Mikay on the go, lagi siyang pro. Boom tska clap, ako’y laging sharp, Ikaw ay flat, parang sira’ng harp! Dug tug plug slug—Adam so stuck, Clap snap trap slap—better try your luck! Break it down yow! Naiiritang bumangon si Adam, hinagod ang mukha na par

