Nakatingin si Mikay sa pinto ng roof top ng 4th year HS building kung saan tinext siya ni Adam na pumunta daw siya. Wala naman itong sinabi kung bakit. After ng insidente sa cafeteria kaninang tangahili baka mag-e-explain ito. Ayaw siyang papuntahin ni Ivory pero hindi siya nakinig dito kaya heto siya nakatayo sa harapan ng pinto ng rooftop, sabay na pahinga ng malalim. Na pinihit na ang doorknob saka siya lumabas ng rooftop. Agad na sinampal siya ng hangin sa rooftop ng prestige's academy. Agad niyang natanaw si Adam at medyo nagulat siya ng makitang may hawak itong yosi, hindi niya alam na nag yoyosi pala ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng rooftop at sinilip ang surroundings tanaw mula sa puwesto niya ang buong campus. Nakaupo si Adam sa gilid nakasandal sa pader na na

