Paika-ika si Adam habang palabas ng file room, naka hawak pa sa dingding para makalakad ng diretso. Halos nakapikit na sa sakit, pero nagpipilit magpaka-normal ng lakad. “Adam! Anong nangyari? Ang sama ng lakad mo, para kang may pilay!” nag-aaalalang tanon ni Gladys na sumulpot sa likuran niya galing sa fire exit kasama si Mikay na hindi masamaan ng tingin ni Adam. Pilit naman na ngumiti si Adam na pinunas ang pawis sa noo na nag butil-butil. “Wala… wala po ‘to. Eh… ano kasi, medyo… nagkamali ako ng tapak sa hagdan kanina. Ayun, medyo na-sprain ng konti.” Sabay tango-tango siya, pero ramdam na ramdam pa rin niya ang kirot ng betlog niya dahil kay Mikay na sarap bigyan ng upper cut. “Sprain lang ba ‘yan? Baka kailangan mo ng x-ray. Hindi biro ‘yan, lalo kung twisted ang ankle mo." wika

