Ipinatong ni Mikay ang helmet niya sa concrete barrier na naka harang sa puno ng accacia harapan ng shop ng mommy niya saka naupo at muling tiningnan ang wedding gown na naka display doon bago napabuga ng hangin. Hindi niya alam kung bakit siya naroon wala naman sa mood na tumambay dun pero namalayan na lang niya nandun na siya. Tumitig siya sa wedding niya at hindi niya alam kung saan ba siya mag sisi o sino ba ang dapat sisihin niya. Ang mga tita niya na nagtatak kay Adam o siya na bumigay kay Adam. Pakiramdam kasi niya mali, pakiramdam kasi niya nagpadala siya nanaman sa emosyon niya. Sana pinipigilan pa niya ang sarili niya pero sino ba ang nag sisi sa una? Saka ano bang pino-problema niya, malinaw naman na talagang nabaliktad na ang mundo nila ni Adam, napatunayan na nito ng ilang

