“Adam, halika, ipapakilala kita sa iba,” sabi ni Mikay habang pasimpleng hinihila si Adam palayo sa mommy at tita niya na mukhang may plano nang kasal next week kung mag-usap usap ang mga ito. “Sinong iba? Teka naman dahan-dahan.” reklamo ni Adam, medyo paika-ika pa rin habang hila-hila ni Mikay sa manggas ng damit nito ang binata. "Ang mga relatives ko." simpleng sagot ni Mikay ng makita ang mga asawa ng pinsan nyang naroon din sa birthday ng Mommy niya. May ilang wala kaya dun sa mga present lang niya ipapakilala si Adam. “Akala ko ba ayaw mo bakit may pa meet-the-relatives na agad? Kunwari ka lang pala e.” "Wag kang feeling pinag pala, ipapakilala ko lang sa'yo ang iba pang naunang pinag pala." ani Mikay na ikinakunot naman ng noo ni Adam. “Para kilala mo na kung sino ang batik

