“Mas malinis pa sa record ni Adam,” bulong niya, sabay unat ng likod mula sa pag kakaupo sa kama niya at may laptop sa kandungan niya. Gamit ang data base ng ama niya nagawa niyang simulan ang research niya abot kay Nurse Gladys dahil hindi siya makakatulog hanggat hindi niya nalalaman kung sino nga ba si Nurse Gladys. Ngunit kahit anong gawin niya, pare-pareho lang ang lumalabas — malinis. Wala ni isang koneksyon sa mga taong sangkot sa East Wing. Isinarado na niya ang laptop niya at inilagay na niya sa may gilid ng table ng kama niya para mag ready sana matulog dahil 11:30 na din ng gabi. Kinuha niya ang cellphone na nasa gilid ng kama para mag set sana ng alarm. Pero kumunot ang noo niya may notification sa chat mula kay Adamson Brichmore. "Busy ka pa, Baby Shark?" Napataas kilay ni

