Episode 6- Between Brothers and Sisters

1583 Words
"Ano ba kuya! Isusumbong na kita kay Mommy." iyak na ni Mikay habang may dala itong garbage bag na pumasok sa loob ng kuwarto niya at basta na lang nitong pinaglalagay sa garbage bag ang lahat ng nakikita nitong may kinalaman kay Adam. "Para kang tanga, Mikay! Noon una hinahayaan lang kita dahil akala ko nang titrip ka lang pero puro katangahan na ang ginagawa mo." "Anong katangahan ang i-express ang nararamdaman mo? Tama na kasi! Daddyyyyyyyyyyy." sigaw na ni Mikay. "13 ka palang Mikaela! Pero kung lumandi ka akala mo dalaga ka na!" "E ano kung 13 pa lang ako! E sa gusto ko si Adam e!" galit naman na dinampot ni Miggy ang unan at pinag hahampas kay Mikay na tumili na ng tumili habang umiiyak na tinatawag ang daddy nila. "Ano ba kayong dalawa!" bungad na sigaw ni Railey na may bitbit pang feather duster. "Dad si Kuya! Ikinalat ang mga gamit ko." inikot naman ni Railey ang tingin sa kuwarto ng bunsong anak bago pinukpok sa ulo ng tangkay ng feather duster si Miggy. "Anong pinag gagawa mo huh!" "Dad! Yan si Mikay...lumalandi sa school, siya pa ang nanliligaw sa lalaki." galit na sigaw ni Miggy. "Sinisigawa mo ako?" sigaw ni Railey. "Hindi Dad! Pero si Mikaela, ang bata-bata pa siya pa—." "Bakit sinagot na ba siya ng nililigawan niya?" angil pa ni Railey. "May boyfriend ka na?" galit naman na tanong ni Railey. "Meron." "Mikaela!" sabay pang sigaw ng dalawa na ikinagulat ni Mikay kaya lalong lumakas ang iyak. "Magiging boyfriend palang kasi bakit ba kayo ganyan. Isusumbong ko kayo kay Lolo at Lola." iyak ni Mikay. "Dad!" tawag pa ni Miggy ng biglang lumabas si Railey na sinundan naman ni Miggy ang ama habang bitbit ang garbage bag. "Tigilan mo na ang kapatid mo, wala daw naman boyfriend nag i-illusyon pa lang saka nanliligaw palang pala hayaan mo na." "Dad naman kaya ang tigas ng ulo ng isang yun kasi kinukunsinti n'yo." "Matigas lang ang ulo ni Mikay, pero takot yan sa Mommy mo kaya hindi yan gagawa ng mali. Wag mo na ngang paki-alaman mamaya mag sumbong nga yan sa lolo mo. Lagot nanaman ako, gusto ko lang ng payapang mundo." wika ni Railey. "Dad naman!" maktol ni Miggy. "Ganto na lang kapag nakita mo na niloloko lang at pinag lalaruan ang kapatid mo, birahin mo agad. Ako bahala sa school mo." wika pa ni Railey. "Anak ni Tito Luzi ang nililigawan ni Mikay , Dad!" natigilan naman si Railey na napaligon. "Si Adamson?" "Yes dad!" "Nakuuuu! Sa suplado ng batang yun... malabong pumatol yun sa kapatid mo. Wag ka ng mag-abala, ako na mismo ang nag sasabi na malabong sagutin siya ni Adam." "E paano kung sagutin?" "edi hayaan mo ang mommy mo ang magalit sa kapatid mo. Wag ka ng maki-alam." wika pa ni Railey. "Saka the more na pigilan mo ang Toyang na yan, lalo lang yan mag rerebelde, parang di mo kilala ang kapatid mo." wika pa ni Railey na tuluyan ng tumalikod. Napailing naman si Miggy, na nilingon ang kuwarto ng kapatid. - - - - - - - "Kayo na ba ni Juan Miguel?" tanong ni Adam kay Kenneth na nagulat na lang ng bigla itong pumasok sa loob ng kuwarto niya. "Bakit?" "Tinatanong ko kung kayo na ng Juan Miguel na yun." "Tigilan mo na nga ako Adam, hindi kita pinakikialaman." "Bakit ba ayaw mong makinig sa akin!" angil ni Adam. "Bakit ako makikinig sa'yo huh! Ikaw tong nag papahirap sa akin sa school kung di dahil kay Miggy, baka lagi na lang akong na bubully." "Na bubully ka kasi hinahayaan mo!" "Nabubully ako kasi malandi ka!" sigaw din ni Kenneth. "Hindi mo nga kasi kilala ang Juan Miguel na yan! Leader siya ng frat sa school." "Alam ko sinabi niya sa akin na appointed siya." "Siya ang batas, kung di ka lalayo sa kanya. Baka pag laruan ka lang niya—." "At bakit niya gagawin yun? Walang dahilan." wika ni Adam. "Paranoid ka lang kasi puro kawalanghiyaan ang ginagawa mo sa school." irap ni Kenneth. "Bahala ka! Walang sisihan huh..." "Kelan ba kita sinisi hu! Kaya wag mo na akong paki-alaman. Buhay mo ang paki-alaman mo at sana lang wag kang magka STD sa kalandian mo." singhal pa ni Kenneth. - - - - - Pauwi na sana si Mikay ng bigla isang braso ang humila sa kanya at ipinasok siya sa loob ng science room. Sisigaw na sana ni Mikay ng magulat ng makita si Adam. Agad naman na ngumiti si Mikay, na napatingin kay Adam. "Sabi ko na e, hindi mo di mapipigilan ang damda—." "Manahimik ka puwede."mariin na angil nito. Nilapit niya ang mukha kay Mikay, sapat lang para sila lang ang makarinig ng sasabihin niya. "Listen carefully, Razon. Stay out of this."Kumunot naman ang noo ni Mikay na napatingin kay Adam. "Stay out of what?" tanong ni Mikay. "Don’t play dumb with me," madiin na turan naman ni Adam. "Alam kong alam mo na may something sa pagitan ng kuya mo at ng ate ko. And I’m warning you—sabihan mo ang Miggy na layuan si Ate Kenneth. Before things get ugly." tumaas naman ang kilay ni Mikay. "So anong plano mo, huh? Sisiraan mo siya? Sasaktan? O baka ako ang targetin mo para lang umatras si Kuya? kaya hinila mo na lang ako basta dito." na iinis na wika ni Mikay. Ngumisi naman si Adam na tumingin sa kanya. "If that’s what it takes. Don’t test me, Razon." ngumiti naman si Mikay na hindi manlang natakot. "Then go ahead. Subukan mo. Pero tandaan mo, Adamson Brichmore—hindi ako yung tipo na basta-basta sumusuko, dapat alam mo yan." nag cross arm pa si Mikay na deretsong nakatingin kay Adam na lumayo na na iirita. "This isn’t a game, Razon. Stay out of this." "Too late. Family ko ang binabantaan mo. Kung lalaban ka para sa ate mo, lalaban ako para sa kuya ko. Ganun ka simple, hindi porket gusto kita, makikinig ako sa'yo." napakuyom naman si Adam. "Then consider this war." "Fine. War it is basta wag ka lang kikiligin pag di mo na mapigilan." ngisi ni Mikay na hahakbang sana palapit kay Adam pero itiulak lang siya nito saka walang imik na iniwan na siyang mag-isa. "Hay! Napaka pakipot talaga halata naman na," ani Mikay saka lumabas na din ng room. - - - - - - - Pagod si Adam mula sa ensayo sa basketball, pawis, patungo sana siya sa likod na bakod para puntahan ang mga bata. Napansin niya ang dalawang silhouette sa gilid ng mata niya at patungo ang mga ito sa likod ng gym. Sa tambakan ng mga lumang gamit ng Gym. Napakuyom ang kamay niya ng sundan niya ang mga ito at nakita niyang pumasok ang mga ito roon. Nang lumapit siya at nag hanap ng paraan para makita niya ang mga ito sa loob since naka lock ang doorknob. Parang tinamaan si Adam ng suntok sa sikmura. Napakuyom ng kamao, halos pumutok ang ugat sa leeg niya. What the hell is this? bulalas pa niya sa isipan niya bago mabilis na tumalikod. Hindi niya kayang panoorin ang ginagawa ng Ate Kenneth niya at ni Miggy. Hindi lang basta nag hahalikan ang mga ito mas malala pa dun, gusto nyang mag wala at manugod. Gibain ang pinto pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang ipahiya ang ate niya. Hindi dito. Hindi ngayon. Kaya tumalikod na lang siya, naglakad papalayo, kahit halos mabaliw siya sa nakitang eksena. Sinipa ni Adam ang pinto ng pumasok siya sa tambayan ni Miggy, nag-aapoy ang mga matang nakatingin siya rito. Pinauna lang niyang umuwi ang Ate niya at nag dahilan na lang siya na may practice pa sila ng basketball. Tiningnan lang siya ni Miggy at wala itong pakialam kahit pa nag-uumapaw ang galit niya. "You think I didn’t see you, Razon?" Nag-angat ng tingin si Miggy, at nginitian lang siya, parang wala lang at halatang nang-aasar. "So what if you did?" balewalang sagot pa nito. Galit na lumapit si Adam kay Miggy at hinila ito sa damit. "Stay! The hell! Away! From my sister!" sigaw ni Adam na halos pumutok na ang ugat sa leeg niya. Natawa nang marahan si Miggy sabay kibit-balikat. "Or what, Adam? Bubugbugin mo ako? Tatakutin? You don’t scare me." ngisi ni Miggy. "If you hurt Kenneth, I swear—." natigil naman sa pag sasalita si Adam ng itinulak siya ni Miggy. "And if you don’t back off Mikay… I’ll hurt Kenneth first at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa kapatid mo." Tumigil si Adam para siyang nakuryente. "What did you just say?" ngumisi si Miggy na naka ngisi. "Simple lang. You keep breaking my sister’s heart. You keep humiliating her in front of everyone. And if you don’t stop… I’ll make sure Kenneth knows what it feels like to be used." banta ni Miggy. "Don’t you dare!" mariin na wika ni Adam. "Then don’t you dare hurt Mikay again." Gusto na niyang sapakin si Miggy right there and then. Pero alam niya—kung gagawa siya ng eskandalo, si Ate Kenneth ang unang masasaktan. Huminga siya nang malalim, sinikap kontrolin ang sarili, at ngumisi nang malamig. "You’re playing a dangerous game, Razon. But hear me—if you ruin my sister, kahit isang patak ng luha niya… I’ll destroy you first." wika niya sabay iniwan si Miggy na nakangisi pa rin na parang walang pakialam sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD