Nakatayo si Mikay sa hallway ng Prestige’s Academy, hawak ang maliit na box na may lamang simpleng keychain—basketball design, syempre, para kay Adam. Hindi niya alam kung pang-ilang beses na itong attempt proposal niya, pero isang bagay ang sure: hindi siya susuko hanggang hindi niya napapayag si Adam na maging boyfriend niya.
"Ivory, okay ba ito?" tanong niya sa kaibigan, sabay bukas ng box ng bigla itong dumaan.
"Ano ba yan, Mikay…" buntong-hininga ni Ivory.
"Nakakailang beses ka na. Alam mo naman na—"
"I know, I know. Lagi akong nire-reject," putol niya agad na tumarak pa ng mata.
"Pero promise, this time, baka… baka magbago na siya ng isip. Hindi ba worth it naman subukan ulit?" ngisi pa ni Mikay. Ivory rolled her eyes pero ngumiti.
"Daig mo pa ang masokista! Grabe ka! Ikaw bahala. Basta ako, laging nandito para saluhin ka kapag nadapa ka ulit." ngumisi naman si Mikay.
"Hindi ako madadapa. Hindi na," sagot ni Mikay, kahit sa loob-loob niya, kinakabahan na naman siya dahil na raramdaman niya rejected nanaman siya pero bahala na.
-
-
-
-
-
Nasa gitna ng courtyard si Adam, naka-upo sa ilalim ng puno kasama ang barkada nito na pawang mga basketball player din. May hawak itong libro na parang binabasa. Surprisingly—at mukhang walang balak pansinin ang mundo sa paligid. Lumapit si Mikay, hawak ang maliit na box sa likod ng kamay niya. Huminga siya nang malalim, ngumiti, at finally, tinawag ang binata na sabay tikhim ng malakas na ikinalingon ng lahat ng mag kakaibigan.
"Adam!" Napatingin ito, kunot ang noo.
"Ano na naman?" pagalit na tanong ni Adam.
"Uh, gusto ko lang…" nilabas niya ang box, sabay abot.
"…itanong ulit." Lumingon-lingon ang mga kasama nito, curious pero halatang may idea na sa sasabihin niya.
"Adamson Brichmore…" nagsimula si Mikay, medyo nanginginig ang boses pero pinilit ang tapang.
"…will you go out with me?" Lahat nakatingin habang pigil ang pagtawa. Tiningnan siya ni Adam nang diretso, walang bakas ng tuwa o kilig. Kinuha nito ang maliit na box, binuksan… at walang kaabog-abog na isinara ulit.
"Seriously?" malamig niyang sagot.
"Razon, ilang beses ko bang kailangan sabihin? I don’t like you. Hindi kita gusto. And I never will." mariin na wika ni Adam.
Natawa ang isang kaibigan ni Adam.
"Bro, savage!"
"Sayang, ang cute pa naman ng effort," dagdag ng isa pa. Ramdam ni Mikay ang tingin ng mga mata ng lahat sa kanya. Gusto niyang umiyak, pero instead, ngumiti siya para hindi naman masyadong nakakahiya.
"Okay. Noted," sagot niya, halos pabulong at bago pa siya tuluyang lamunin ng kahihiyan, mabilis siyang tumalikod, naglakad palayo, hawak ang dibdib na parang dinudurog.
*************
Hawak pa rin ni Adam ang maliit na box, mahigpit na nakasara. Habang tumatawa ang teammates niya, pinilit niyang panatilihin ang malamig na expression.
"Dude, bakit hindi mo na lang patulan para matapos na yan?" tanong ng isa.
"Because I don’t play with feelings," malamig niyang sagot.
"You don't! E lahat nga ng babae ditong nagyaya sa'yo ng quickey pinapatos mo." nagtawanan naman ang mga kaibigan.
"Iba ang s*xual pleasure pure lust lang yun at malinaw yun sa mga babaeng pinapatulan ko." ani Adam.
"So, ibig sabihin ni feeling involved. Lib*g lang." natawanan naman ang mga ito.
"Ibig sabihin hindi ka nililibugan kay Razon, at hindi mo siya gustong isama sa listahan ng mga babaeng binubutas mo.
"Exactly." Pero sa loob-loob niya, kumikirot ang konsensya. Nakita niya ang ngiti ni Mikay bago siya sumagot. Yung tapang sa mata nito kahit obvious na takot na takot. Yung effort na ibinigay niya—simpleng keychain lang, pero halatang pinag-isipan.
Why does she keep doing this? bulong niya sa isip. Bakit kahit paulit-ulit ko siyang saktan, bumabalik pa rin siya?
At ang mas nakakatakot—bakit siya mismo, sa kabila ng lahat ng pagtanggi niya, hindi mapigilan ang sariling mapansin si Mikaela Razon?
-
-
*****************
Nakahiga sa kama niya si Mika na nakadapa habang naka bukaas ang diary, 10 beses na siyang nag popropose kay Adam at lahat rejected.
"Rejected again," sulat niya.
"Pero okay lang. Kasi sabi ko nga, hanggang isang daang beses. Kahit ilang humiliation pa, hindi ako titigil. Hindi pa ngayon."
At habang bumabagsak ang isang luha sa pahina ng notebook, pinilit niyang ngumiti sabay buntong hininga.
"Kainis! Ano ba pa ang magic technique na gagawin ko mapapayag ko lang siya." tumihaya siya ng higa at tumingin sa kisame.
"Someday, Adam. Someday, mapapansin mo rin ako."
-
-
-
--
-
Third period na, pero wala pa rin si Adam sa classroom. Napansin agad ni Mikay. Kanina lang, nakita niyang lumabas ito, tahimik, dala ang backpack. At ngayon, habang nakaupo siya sa gilid, hindi siya mapakali iniisip niya kung saan ito pumunta.
"Cutting class?" bulong ni Mikay sa sarili saka mabilis siyang nagdesisyon. Hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito. Agad siyang tumakbo patungo sa likod ng science department kung saan niya nakita si Adam na lumiko.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng school. At ayun nga—nakita niyang nakasabit si Adam sa mataas na bakod, effortlessly tumatalon pababa.
"Hoy!" bulalas niya, pero mahina lang dahil nagulat siya. Hindi na ito lumingon na marahil hindi na din siya narinig. Diretso na siyang naglakad patungo sa bakod bago nag palingon-lingon sa paligid. Saka walang kahirap-hirap na parang gagambang sumampa din siya sa pader kahit naka skirt lang siya at kahit pa matanggal ang clip sa buhok niya habang umaakyat siya sa bakod curious siya kung saan napunta si Adam ng ganitong oras.
"Grabe, Adam… pang olympic level ‘to ah!" sa loob lang pala ng campus medyo mababa ang pader tipong mga 6ft lang ang taas pero sa labas pala tingin niya mga 8ft ang tatalunin niya pababa. Buti na lang sanay na sanay siya sa talunan at akyatan dahil madalas siyang tumakas sa kanila at bumarkada sa mga pinsan niya noon kabataan pa nila. Agad siyang tumalon pababa ang magiging problema niya ay ang pagakyat pabalik.
Sinundan niya si Adam hanggang sa isang makipot na eskinita. Doon siya natigilan at mabilis na nag kubli sa isang panaplex na sira. Nang makita si Adam, hindi niya inaasahan ang eksena sa harap niya. Si Adam, nakaupo sa bangketa, habang may hawak na supot ng tinapay at ilang juice packs. Na mukhang binili nito sa bakery sa likuran nito. Nakapalibot sa kanya ang mga bata—mga street children na halatang gutom at pagod ang isa may bitbit pang sampaguita.
"Isa-isa lang, o," sabi niya, kalmado ang boses pero nakangiting nakatingin sa mga batang pandalas sa pagkain, kahit kanina lang, suplado ito sa school.
"O, ikaw, wag mo nang uunahin ang kapatid mo. Eto para sa kanya, eto naman sa’yo." ani Adam na inaabot ang mga supot ng tinapay na kinuha nito sa bakery. Napanganga si Mikay. Hindi niya mapigilang ngumiti habang pinapanood ito.
"So… hindi pala siya totally heartless." May batang biglang yumakap kay Adam.
"Kuya Adam, balik ka bukas ha?"Tumango ito, kahit halata ang awkwardness niya.
"Oo, sige. Basta mag-behave kayo." At nang makita niyang ubos na ang pagkain, tinapik-tapik nito ang mga ulo ng mga bata, parang natural lang. Walang audience. Walang cheerleaders. Walang barkada na nakabantay rito just Adam. Mula sa pinag tataguan agad na lumabas si Mikay na ikinagulat ni Adam.
"Wow," bulalas ni Mikay, hindi na nakapagpigil sabay palakpak pa. Napalingon agad si Adam sa mga bata sa likuran niya na nag kanya-kanyang takbo na palayo, bago muling tumingin kay Mikay na gulat na gulat nang makita siya.
"What the—Razon?!" galit na wika pa ni Adam. Nag-cross ng arms si Mikay, nakangiti nang malapad.
"Akala ko nag cutting classes ka lang para maglaro ng bilyar or matulog sa arcade. Yun pala… feeding program? ang pinuntahan mo." Sumimangot agad si Adam na nilampasan na siya.
"What are you doing here? Sinundan mo ako?"
"Uh, duh. Of course! Curious kaya ako kung saan ka tumatakas." Humigpit ang hawak nito sa sukbit na backpack, halatang nainis.
"Don’t get the wrong idea. Hindi ito para magpa-cute. At hindi ibig sabihin nito—"
"—na mabait ka?" putol ni Mikay, sa sasabihin ni Adam sabay ngisi.
"Too late, Adam. Nakita ko na, nasaksihan ko na." Nanahimik ito, halatang walang maibubulalas. Lumapit si Mikay, tumingin sa mga batang malayo na sa kanila.
"Alam mo, Adam… ngayon lalo ko lang napatunayan na tama ako." ani Mikay.
"Tama saan?"
"Tama na hindi mali na mahalin ka." Napatigil si Adam, at ilang segundo, nagtagpo ang mga mata nila. Nakita ni Mikay ang iritasyon, pero… may kung anong lumalabas na emosyon sa likod ng magaganda nitong mga mata. At bago pa niya tuluyang ma-expose kung ano ang nakikita niya, mabilis na tumalikod si Adam at naglakad palayo.
"Stop following me, Razon," sabi niya, cold as ever pero Mikay just smiled, whispering to herself,
"Too late. I already am." hindi naman na lumingon si Adam saka walang kahirap-hirap na parang sumalida lang ito at tumakbo sa pader at naka sampa agad pataas. Awang naman ang labi ni Mikay sa skills ni Adam ang astig. Ngumisi si Adam ng naka-upo na ito sa taas ng pader at nakatingin sa kanya.
"Paano ba yan Razon, imikot la nalang. Probably mga 1 hr makakabalik ka na sa sch— what the hell!" mura pa ni Adam na tinakpan ang mukha ng sunod-sunod na pinicturan ni Mikay si Adam.
"Ano kaya mangyayari sa'yo oras na ipakita ko ito sa faculty." napakuyom ng kamao si Adam. Malawak naman ang ngiti ni Mikay na itinaas ang dalawang kamay.
"Pull me up!" utos pa ni Mikay na saglit na nag isip pa si Adam bago aasar na yumuko at pinilit na abutin ang dalawang kamay ni Mikay na mabilis naman naka sampa sa pader.
"Babae ka ba talaga?" tanong pa ni Adam ng parehas na silang naka-upo sa pader.
"Gusto mo bang hawakan." iniliyad pa ni Mikay ang dibdib, sabay tawa na umiling-iling.
"Off-limits!"
"Baliw ka!" tumalon na si Adam pababa papasok naman ng school. This time tumaas naman ang dalawang kamay nito.
"Baba na dali." ngumiti naman si Mikay na tumalon na din na aksidente naman nagtama ang labi nilang dalawa.
"Ay sorry!" wika ni Mikay na natatawa dahil hindi naman talaga aksidente yun sinadya lang niya. Inis naman na pinahid ni Adam ang labi na akala mo naman madumi ang nguso niya.
"Ay sobra ka!"
"Sinadya mo yun." inis na wika nito.
"Edi ibalik mo na lang kung ayaw mo hindi yung pinunasan mo agad."
"Grabe! Mahiya ka naman kababae mong tao." wika ni Adam saka nag mamadali ng umalis na sinundan naman ni Mikay na pangiti-ngiti pa.