"Bago mo punahin ang emosyon ko sagutin mo muna ang mga tanong ko. Anong alam mo sa St. Benidicto hospital? At paano mo nakuha ang USB na yun? At sino-sino ang mga tao sa likod mo... Kalaban ka ba na kailangan mamatay o kakampi na kailangan protektahan?" deretsang tanong ni Adam na hindi na nag paligoy-ligoy habang nakatayo sa tabi ng kama ni Nurse Gladys na halatang nabigla sa tanong niya. “Kalaban ka ba o kakampi?” ulit ni Adam na halos pabulong na lang na hindi kumukurap ng tingin dito. Huminga nang malalim si Gladys. Kita ang bahagyang panginginig ng mga labi niya. “Hindi ako kalaban mo, Adam,” mahinang sabi ni Gladys. “Hindi mo naiintindihan. Akala mo madali lang ‘yon?” umiling pa ito. “Then make me understand,” balik ni Adam. “Explain it to me, before I start thinking you’re p

